[1]BREAK UP

204 6 0
                                    


Ilang oras ko nang tinitigan ang orasan ng coffee shop na'to.Bakit ba kasi ang tagal ni Hanz,ilang oras na siyang late.Wala 'man lang ako natatanggap na text or tawag na galing sa kanya.

"Sis,mukhang di na dadating yung jowa mo." si Pusit, ang may ari ng coffee shop na ito at bestfriend ko rin.

Mukhang dito na ata ako uugatan, madilim na din sa labas,at sa tingin ko ay mukhang uulan na naman.

Nabigla ako sa pag sulpot ni John,isa din sa mga barkada ko.Bigla niya kasi akong kinilit sa tagiliran ko,ang pinaka papansin kong kaibigan.Hinampas ko yung kamay niya dahil nababadtrip na ako,lalo na kay Hanz.

"Sino bang hinihintay mo?Yung boyfriend mo? " naging seryoso na yung mukha ni John at naupo sa tabi ko.

Nagnod lang ako.

"Kayo pa pala?" tumingin ako sa kanya,alam kong may laman yung sinabi niya. "Nakita ko siya kanina a, doon sa kabilang resto,may kasamang iba." dagdag niya pa at inayos ang salmin niya sa mata.

Inayos ko ang upuan ko at tumingin sa dalwa ni Pusit,nasa tabi ko na this time si Pusit.

"What do you mean? Baka nagiimbento ka na naman John para masaktan 'tong si Jane."

Napahawak na lang ako ng mahigpit sa side ng upuan ko,at parang gusto kong makita kong nasaan ngayon si Hanz,Bakit ba lagi niya na lang ako niloloko? Hindi naman nagiimbento si John pag dating samin ni Hanz.Kahit na minsan ay binasted ko siya dahil bestfriend lang din ang tingin ko sa kanya.

"mukha ba akong nagiimbento."

Lumabas ako ng shop ni Pusit.Kahit yung dalwa ay nagulat sa pag labas ko.


Habang buhay na lang ba akong papaasahin at lolokohin ng Hanz na'to.Sabog na sabog na ang puso ko ngayon,ano pa bang gusto niya yung makita niya akong maging miserable ang buhay ko ng dahil sa kanya.




Nasa tapat na ako ng building kung nasaan ang condo unit niya.Sumakay ako ng elevator para mapabilis ko silang mahuli ng kalandian niya.Alam kong nandito sila,at mabuti na lang may susi ako ng condo niya.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto niya,hindi nga ako nagkakamali.Siya pati yung babaeng yun ang kasama niya ngayon.Naglalandian at naghahalikan sa harapan ko,pumatak ang mga luha ko ma agad ko namang pinunasan.

Mukhang nagulat sila sa pagdating ko at parang audience ako ngayon.

"Jane!" tawag sakin Hanz

Isinara ko ng malakas ang pinto ng kwarto niya at tumakbo palabas ng condo na yun.

Kahit gusto ko silang saktan parehas gusto ko silang suntukin, sabunutan at saktan ng paulit ulit katulad ng ginagawa nila sakin ngayon kaso hindi ko magawa.Yung gusto ko na lang mamanhid yung puso ko at buong kaluluwa ko makatakas lang sa pucha pananakit sakin ni Hanz.



"Let me explain love." nagulat ako sa pagsulpot ni Hanz na ngayon ay nasa harap ko na, nandito na kasi kami sa ground floor ng building

"You don't have to explain Hanz,sapat na yung nakita ko kanina.Paulit ulit na lang naman tayo diba?Paulit ulit mo akong niloloko, paulit ulit mo akong sinasaktan." parehas kaming nakatingin sa isa't isa , ako na lumuluha ngayon, hinahawakan niya ang mga kamay ko pero tinatanggal ko yon.

"I'm sorry."

"Sorry? Ganyan ka naman diba? Kapag nakakagawa ka ng kasalanan nag sosorry ka, hindi yun ganun kadali Hanz, hindi lahat ng sorry nagagamot ang sakit." this time pinunasan ko ang mga luha ko at pinigil na ang susunod na luha na papatak sa mga mata ko.

"I'll give you're freedom Hanz."

Umalis ako nang building na yun.Sunod sunod na luha ang pumatak sa mga mata ko.Ayaw ko naaaaaaaaa!
Ayaw ko na nang ganitong feeling.Paulit ulit na lang akong nasasaktan ng dahil sa kanya.Ayaw ko nang mag pakatanga pa para sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, gusto ko lang makalayo sa taong yun, gusto ko nang makalimot, gusto ko nang kalimutan si Hanz, sawang sawa na ako sa lahat, sa pang loloko niya sakin, sa pag papamukha na parang wala na ako sa kanya.Sawa na ako sa walang kwentang relasyon na 'to.Hinding hindi ko pinagsisihan na pinalaya ko siya ngayon.Magsama sila ng babae niya.






Nakaupo lang ako sa gilid nang kotse ko,mas gusto kong magisa at makapag isip isip ngayon.Tinitigan ko ang screen ng phone ko,puro misscalls ni Hanz, hindi ako tanga Hanz, itigil mo na.Dahil sawang sawa na ako sa pang gagago mo!

"Anong ginagawa mo dito?" napalingon ako sa pamilyar na boses na narinig ko

Si Mr.Hangin lang pala.Nakatayo siya sa harapan ko at nakatingin sakin,tinignan ko lang din siya ng masama.

"Sayo ba'to?Nabili mo na ba ang lugar na'to?"

"Inaano ka ba? Bakit ba ang init ng dugo mo sakin." paanong hindi iinit ang dugo ko sa mahangin na'to papansin 'to sa school namin, at wala ng ginawa kundi sirain ang araw ko.

"Nakakabadvibes yang mukha mo,pwede maghanap ka ng lugar mo,wag ka dito tsupe!" Hindi siya umaalis sa pwesto niya na parang walang narinig, inuubos niya pa yung iniinom niyang gatorade ata yun."Ang arte mo, maganda ka ba?" asar niyang tanong sakin sabay ngisi

"Bakit gwapo ka ba?" asar ko din tanong.

Akala ko ay magkakaroon ako ng peace of mind pero hindi pa din pala.Mga bwisit ang tao ngayon, tumayo ako sa kinauupuan ko at balak ko na ring lisanin ang lugar na yon.

Binuhay ko na ang makina ng kotse ko,nang mapatingin ako sa rear mirror ng kotse ko, tumingin din ako sa likod para makasigurado kong anong nangyayari.

Si Charles,pinagbububogbog ng mga lalaki, tatlong lalaki ang binabasag ngayon ang mukha ni Hangin.Hindi ako makaalis dahil kapag namatay yun baka hindi ako patulugin ng konsensya ko.Kinuha ko yung tubo ko sa kotse ko at dahan dahang bumaba.Nagtago muna ako sa gilid ng kotse ko,bago kumuha ng chance na pag hahampasin ang tatlo ito.

"At nagsama ka pa ng maganda chix ha.Miss wag ka ng lumaban, mamaya ikaw ang kakainin namin." kakainin ? Aswang ba'tong mukhang unggoy na to?Unggoy na nangangain ng tao? Ewwness! Bago pa makalapit ang mga pangit na ito ay isa isa ko silang pinagsisipa sa mukha at pinaghahampas sa katawan ng tubo kong dala akala niyo ha.Habang nakahandusay sila sa lupa ay agad kong tinulungan pag tayo si Charles.


Madali kong pinatakbo ang kotse ko,para hindi kami mahabol ng mga pangit na yon.

Ang iniisip ko dapat ngayon ay kung paano ako makakamove on kay Hanz, ngayon ang iniisip ko kung paano tatakasan ang mga animal na humahabol sa amin ngayon.Kapag minamalas ka naman, nilingon ko si Charles na noon ay namimilipit sa sakit, dulot ng mga natamo niyang bugbog sa mga lalaking yon.

"Bakit ka ba pinag bubugbog ng mga yon?"

"Akala nila girlfriend ko yung girlfriend nung Johan na yon, last time I checked wala akong girlfriend."



Dinala ko muna sa bahay si Hangin at ginamot yung mga natamo niyang sugat.

Napagkamalan pa ni Manang Rosy na,boyfriend ko 'tong lalaki na'to.Wala sa kalingkingan kong pumatol sa mayabang na'to noh.

Parang makaganti sa pag sira ng araw ko, na sirang sira na talaga.Lalo kung dinidiinan ang pagpupunas ng mga dugo at sugat niya, dahilan para dumaing siya sa sakit.

"Akina nga yan." biglang niyang kinuha yung hawak ko na bulak.

"Lalo akong mamamatay sa ginagawa mo e."

Siya na nga itong tinulungan siya pa 'tong nagagalit.

"Pagkatapos mo dyan, umuwi ka na."
Sabi ko habang paakyat ng kwarto ko

"Wala akong sasakyan."

Ang kapal din ng mukha e nuh,ako na nga nagligtas ,ako na nga gumamot , sa akin pa din ang sasakyan.

"Maglakad ka kung gusto mo,pasagasa ka rin." bulyaw ko


------------

Thank you for reading guys,sana magustuhan niyo itong kwento na inimagine ko.Dedicated for DonKiss Loveteam

Don't for get to

Hiling [DonKiss]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon