Charles POV

At ano na naman ang ginagawa ng lalaking yun dito? Pati ba naman dito sa school eepal siya.Nung isang araw pa yun a, sumusobra na siya.Akala ko ba kababata yun ni Jane, ay bakit mukhang iba ang mga kilos at tingin niya kay Jane.Lagi niya na lang inaagaw ang atensyon ni Jane.Oo! Nagseselos ako, bakit ? Masama ba ? Normal naman yun! Prinsesa ko kaya yan.Tapos ngayon iba na yung nagpapangiti sa kanya, dati ako ang dahilan nun a.Kahit naasar siya sakin minsan napapatawa ko pa siya.

"Oh, Charles parang nakakita ka dyan ng kalaban ah! Wag mong katitigan baka matunaw." napatingin ako kay Olivia na sa harapan ko na ngayon,napatingin din siya kina Pusit,John,Jane at doon sa Uly na yun.,nakaupo sila sa bench na nagtatawanan pa.

"Ginagawa nung lalaking yun dito?"

"Sino si Ulysses?Nagenrol yan para sa 2nd semister.Dito na siya magaaral."

Ano ? Edi mas lalo na siyang eepal samin ni Janen? Oo inaamin ko na gusto ko na si Jane, pero hindi ko lang maamin kasi baka ireject niya ako.Hindi ko maiwasan na mabadtrip pag nakikita ko silang magkasama nung lalaking yun.

"Tara sa kanila." pag yaya sakin ni Olivia, hindi naman ako sumama at nagdahilan na may gagawin pa akong iba.













Nagdilim bigla ang paningin ko,hindi dahil nahihilo ako dahil may kamay na nakatakip sa mga mata ko,kamay ng babae.Nang bigla niyang binatawan ay siya ko lang nalaman na si Maxene lang pala 'to.Ginagawa niya dito ? Saka nasa parking lot ako nang school at balak ko ng umuwi.Yayain niya daw ako sa condo niya.For what? Wala lang naman yung isang gabi na magkasama kami.Tinry ko lang kung magseselos si Jane,na parang hindi naman gumana.Bago pa ako mabadtrip sa isang ito ay pinaalis ko na siya dito dahil may lakad pa ako at wala akong time.

Then she kiss me sa lips, smack lang naman yun,nagulat ako sa ginawa niya, at nagulat din ako sa nakakita samin.

Si Jane,bigla siyang umalis at tumakbo sa kotse niya.

Tinulak ko palayo sa akin si Maxene at tumakbo papunta kay Jane.Kinatok ko yung bintana ng kotse niya,pero di niya ako pinansin nung makita niya ako at pinatakbo na yun.



Jane's POV

Peste naramdaman ko na 'to dati.Naramdaman ko na'tong sakit ng puso ko kay Hanz tapos ngayon dalwa na, mararamdaman ko na naman hindi na kay Hanz kundi kay Charles na,ano ba 'tong nararamdaman ko? Magkaibigan lang naman kami pero para lampas na yung tingin ng puso ko sa kanya.Bakit nasaktan ako nung nakita ko silang naghalikan ni Maxene? Hanggang ngayon di pa din mawala sa isip ko yung nakita ko kanina.Naguguluhan ako sa nararamdaman ko,hindi ko dapat to nararamdaman e,hindi dapat.Dapat hanggang friend lang kami no boundiries,kaibigan lang din turing niya sakin kaya dapat patas lang.
Shit! Mabura ka na sa isip ko Charles,erase erase.I mean mabura tong nararamdaman ko ngayon,kasi mali at hindi to pwede.



Sa kakaisip ko ay di ko namalayan na kung saan ako napadpad pero parang pamilyar ito sakin.Ito yung lugar kung saan nangyari yung pambubugbog kay Charles at kung saan ko siya niligtas.

Nang maramdaman akong kakaiba sa lugar na ito.Parang may mali,tahimik yung lugar at wala naman akong ibang tao na makita.Pakiramdam ko hindi ako nagiisa,pakiramdam ko may kasama pa ako dito.Kinakabahan ako at sunod sunod ang kabang nararamdaman ko ngayon.Kaya nagdesisyon na ako na umalis,sasakayan na sana ako ng biglang magdilim ang paningin ko.











•••

Nasaan ako?Bakit nakatali ang mga kamay ko?Nilibot ko ang paningin ko sa lugar na ito,mukhang abandunado na ang bahay na ito at puro sapot at mga sirang bagay ang nandito.

Hiling [DonKiss]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon