Hanz's POV
"Diba sinabi ko sa inyo wag na wag niyong sasabihin ang tungkol sa sakit ko."
"Anak,alam niya na talaga at wala na kaming magagawa gusto ka niyang makita Hanz,I'm sorry pero kailangan din namang malaman ni Jane ito."
"Ma,nagpromise kayo diba! Ayaw kong kaawan ako ni Jane.Ayaw kong makikita niya akong ganito."
Nabalot na naman ng iyakan ang kwartong ito.Maski ako ay hindi ko mapigilan ang mga luha ko.Selfish na kong selfish ayaw kong makita nila akong nahihirapan pa,at lalo na si Jane.Noong kami pa ay madami na siyang sinakripisyo sa amin ,sa aming relasyon.Mahal na mahal ko yon at ayaw kong sa huling sandali ng buhay ko ay makita ko siyang nahihirapan pa ng dahil sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?Diba sabi ko wag kang pupunta dito?"
Pag kagising ko ay bumungad sa akin si Jane na nagbabasa pa sa tabi ko,si mama naman ay nagaayos ng mga pagkain at prutas na dala niya"ako ang nagpunta sa kanya dito anak." sabi ni Mama
Tumayo,si Jane sa pagkakaupo niya
"Hanz naman, hanggang ngayon ba makasarili ka pa rin? Hanz, andito ako para alagaan ka! Para batanyan ka.Wala akong pakialam kong hindi mo ako mahal o kung ayaw ako dito.Babatanyan kita at aalagan kita hanggang gusto ko.Kung hindi mo na ako mahal problema mo na yon,basta ako andito lang ako sa tabi mo,kahit anong mangyari."
Kung alam mo lang ang nararamdaman ko Jane.Kung gaano kita gusto yakapin,halikan at makasama gustong gusto ko Jane.
"Please umalis ka na dito!" sumigaw ako para umalis na siya doon.
Umiling lang siya at hindi umalis sa tabi ko.Hindi ko siya tintignan pero ramdam ko na umiiyak siya.Napahawak na lang ako sa ulo ko dahil nakakaramdam na naman ako ng sakit.
"Ma! " tinatawag ko si Mama agad pumunta sa tabi ko." anak ,masakit ba ulo mo?" hindi ako nagsasalita,sobrang sakit lang talaga ng ulo ko,itong sakit na ito.Gusto ko pa namang lumaban pero mukhang wala ng pag asa e.Pinagsusuntok ko ang ulo ko na halos maiyak na ako sa pesteng cancer na ito.
"Doccccc! " tumakbo si Mama na lumabas ng room ko para tumawag ng doctor,naramdaman ko naman na bigla akong niyakap ni Jane at pinigilan ako sa ginagawa ko."Tama na Hanz! Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo."
"Jane,hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdadaanan ko.Kaya kung ayaw mo akong makitang ganito,umalis ka na lalong ayaw kong kinakaawan ako.I don't even care you're care."
"Hanz,diba sabi ko andito lang ako sa tabi,di ako aalis dito kahit ipagtabuyan mo pa ako."
Maya-maya ay dumating na si Doc at chinicheck ako.Naramdaman ko na lang din na may tumusok sa akin na parang nawawalan na ako ng malay.
Nakatulog siguro ako dahil sa tinurok sa akin ni Doc,nilingon ko si Mama na nakatulog na sa tabi ko,at si Jane na hanggang ngayon ay nasa tabi ko pa din tulog, hawak ang kamay ko at ngayon ay nasisilayan ko ang maamo niyang mukha,yung babaeng gusto kong makasama habang buhay pero malabo na.Miss na miss ko na 'to lahat lahat ng sa amin ,magiging ala ala na lang lahat.Hinaplos ko ang buhok niya namimiss ko na ang babae mahal na mahal ko,akala ko ay nagisig na siya pero niyakap niya pa lalo ang mga kamay ko na para bang ayaw niya na akong pakawalan.Naalala ko tuloy kapag magkasama kami at kapag may mga laro ako sa basketball bantay sarado siya sakin para walang makalapit na babae sa akin,kahit minsan ay OA na siya ay gusto ko yung ginagawa niya sa akin.Maswerte din ako kasi sa lahat ng lalaking mamahalin niya at papatuluyin niya sa buhay niya ay ako ang mas pinili niya.She doesn't deserve me.Alam kong masaya na siya ngayon,nakita niya na yong lalaking mas kaya siyang pasayahin more than me.She deserve someone better.