[15]

27 1 0
                                    

Jane's POV

Madali akong bumaba ng kotse ko,naunahan na naman ako ng tatlong yon.It's a special night para kay Olivia dahil engagement party niya,It's so kilig nuh' after all odds at kahit LDR sila ni Raven from Philippines to London,ay sinong mag aakala na engage na sila at nextmonth na ang kasal nila.Minamadali nila kasi baka daw mauntog si Olivia at makalimot char.Sana ganun din kami ni Charles kaso wala na at siguro may bago na rin siya ngayon.Ang tagal na din pero minsan sumasagi pa rin siya sa isip ko.

"Hey you look stunning tonight bes." pumitik pitik pa sa harap ko si Uly bago ako bumalik sa ulirat nakatitig kasi ako kay Olivia at Raven.Naka escort lang sa akin si Uly and he look very handsome sa sout niyang toxido.Well pogi naman siya all the time.Kumaway naman sa amin si Pusit at John na umiinom ng wine.

Medyo madami din ang guest nila Olivia iba't ibang tao ang nandun.

Masaya kaming naguusap ni Olivia,Sit,John at Uly, nang mabasag iyon dahil bigla siyang dumating.

Biglang pumasok sa isip ko ang lahat nang nangyari at di ko maiwasan na mapayuko na lang.

Nilapitan siya ni Olivia.Sila pala dahil.kasama niya yung Maxene.

Mukhang nakita niya din kami pero mukhang wala naman siyang pakialam.

"ginagawa niyan dito?" narinig kong nagsalita si Uly sa tono niya ay parang galit ito,akmang lalapit siya dito pero pinigilan ni John.

"Wag dito bro."

Bumalik sa pwesto namin si Olivia,at bumalik sa pagkukwento.

"Anong ginagawa nun dito?" tanong muli ni Uly

"Inivite ko siya,hindi ko naman alam na kasama niya yong fiancee niya.Gusto ko sanang magkaayos sila ni Jane e."

Nagtinginan silang tatlo nila John,Sit at Uly.

Lumaglag yung luha ko dahil sa narinig ko.Fiancee ? Ganun kabilis ? Ganun kadali ? Bakit nasasaktan na naman ako. Gusto kung magwala sa kinatatayuan ko ngayon pinigilann ko lang kasi wala ako sa lugar.

"are you okay bes? I'm sorry talaga." sabi ni Olivia

"ano ka ba! Okay lang yun nuh' gabi niyo to kaya asikasuhin mo muna yung ibang bisita niyo."

Umalis muna ako sa pwesto namin at nagdesisyon na magpahangin,sabi ko na wag nila akong sundan at gusto kong mapagisa.



Alam niyo yung sakit dito? Yung naramdaman ko kay Hanz dati mas doble pa dito.Bakit ako? Bakit ang unfair ng mundo sa akin! Masama ba akong tao bakit nangyayari 'to sakin.Lahat naman ginawa ko para maging tama ang mali.Mas lalo ko pang naramdaman ang sakit ng matanaw ko silang dalwa ni Charles at Mexene ang sweet nila,dapat ako yun e! Dapat kami ang magkasama.Dapat ako ang dahilan ng mga ngiti at saya niya e.Ako dapat yun.Di ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko at nahihirapan na akong huminga dahil sa sama ng loob at dahil sa mga luhang ngayon bumubuhos.




"Umiiyak ka naman ba? Diba sbi ko wag ka nang iiyak nang dahil sa kanya." dumating si Uly at ngayon ay tumabi siya sa akin at pinunasan ng mga kamay niya ang mukha ko.

"sinasayang mo lang luha mo,ganun ba ang lalaking dapat iniiyakan,ilang buwan pa lang ang nakalipas Jane pero nakahanap na agad siya nang ipapalit sayo at ikakasal na rin sila."

Nagpretend na lang akong okay sa harap nila.But still hindi ko pala kaya,lalo pang nakita ko silang naghahalikan ni Maxene.

Nakarinig kami ng isang sigaw kung hindi ako nagkakamali ay si Ulysses iyon.

"Putcha naman Charles sa harap pa talaga ni Jane."

Nakita kong sinutok iyon ni Uly at wala akong nagawa kundi umalis sa lugar na yon dahil ang bigat na naman ng dibdib ko.





Dahil masama ang loob ko ay tumakbo lang ako ng tumakbo gusto ko lang makalayo sa mga mapanakit na tao.

Walang tigil ang buhos ng luha ko,kasabay na rin noon ay pag bagsak ng ulan na may kasamang kulog at kidlat.Wala na akong pakialam kung anong mangyari sa akin.Gusto na lang mawala na! Ang sakit kasi sobrang sakit.Kung pinakinggan niya lang sana ako,di na sana ako nasasaktan nang ganito.

Miss ko na si Charles ang mga yakap at halik na si Maxene na lang gumagawa ngayon.Siya parin ang sigaw ng puso ko siya pa din.Mahal na mahal ko pa din siya.Itong mga luhang 'to wala to e basta bumalik siya sa akin pero huli na ang lahat may mahal na siyang iba at hindi na ako yun.

Bakit ang damot ng mundo, sumaya ka lang saglit maya maya malungkot ka na ulit.Bakit ang unfair sa akin ng mundo itong yung taong mahal ko,may mahal ng iba,iba na ang gusto.
Tapos yung nanatili sayo mawawala rin.Edi sana mauna na lang ako,mawala na lang ako sa mundo.Wag na lang sana si Hanz ako na lang ang kunin niyo.Sana ako na lang din yung nagkasakit.Dahil malabo na ang lahat sa amin ni Charles malabo na.

Basang basa na ako ng ulan,at unti unti na ring nagdidilim ang paningin ko.




Charles POV

"Putcha naman Charles hanggang ngayon ba sinasaktan mo pa din si Jane.Masaya ka na bang naging ganito siya naging misarible ang buhay niya nang dahil syo." sunod sunod na suntok ang natamo ko kay Charles.Gumanti ako doon sa mga suntok niya
Nasasaktan si Jane ng dahil sa akin? Talaga? Nagawa niya akong lokohin tapos siya masasaktan bago yun a.

"Ano bang problema mo? Kasalanan ko bang masaktan siya ngayon." sabi ko at inayos ang sarili ko

"Ikaw ang problema! Napakataas parin ng ego mo! Hanggang ngayon di mo pa rin pinapakinggan ang mga dahilan niya ang mga explanation niya.Anong ginawa mo! Humanap ka agad ng ipapalit sa kanya.Jane doesn't deserve you.Mas pinatunayan mo na wala kang kwenta."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya kung bakit siya gumagawa ng eksena dito.Hinila ko na lang si Maxene at wala na akong pakialam pa sa sasabihin niya.

"Mas matigas ka pa talaga sa bato Charles! Bakit ba ang tigas ng puso mo!" nasa likuran ko na pala si John.

Sino hindi titigas ang puso sa kabila nang ginawa nila.

"Si Jane at Hanz wala silang relasyon,oo magex sila noon pero mas naunang naging sila bago kayo.Wala si Jane na pinsan mo si Hanz at hindi rin alam ni Hanz na kayo pala ni Jane."

"wala akong panahon na makinig sa mga kwento mo." sabi ko at akmang sasakyan na sa kotse ko pero pinigilan niya ako.

"pakinggan mo muna ako wag kang bastos."

Dahil wala na akong choice at ako rin naman ang dahilan ng gulo dito pinakinggan ko na siya

"Gusto kang makilala ni Hanz,kaya gumawa ng way si Jane para makilala ka at iyon ay noong anniversary niyo pero mali ang naisip mo nang makita mo sila noon na magkasama.May sakit si Hanz,Charles kaya siya nahilo at natumba sinalo lamang si Jane.Kung alam mo lang sana ang pinagdadaanan ni Hanz,His suffering from a cancer at anytime mawawala na siya at dahil ganung kabait si Jane ay tinutulungan niya ito.Ayaw ka niyang mawala Charles.Hanggang ngayon mahal na mahal ka pa rin niya."

After all ayon pala ang dahilan, naguguilty ako dahil ginamit ko ang pride ko na hindi ko siya pinakinggan.
I'm sorry for Hanz kung alam ko lang sana ang lahat di na sana umabot pa sa ganito.Sinaktan ko talaga si Jane.Di niya dapat ito nararamdaman e.

"nawawala si Jane! " aligagang sabi ni pusit.

"Kapag may nangyaring masama kay jane mananagot ka sa aking Charles ka." pag babanta sa kin ni Ulysses.

"Wala siya sa kotse niya." sigaw ni John

Sumakay ako nang kotse ko at pinatakbo iyon ng mabilis.Kailangan kong makita si Jane.Kailangan kong humingi sa kanya ng tawad.Kasalanan ko talaga ang lahat ng ito.Tama si Ulysses napaka taas ng pride ko at dapat hindi ko iyon pinairal.Malakas ang ulan,at halos bumaha na sa mga kalsada na dinadaanan ko,at ang masama inabot ako ng traffic at stock ako ngayon dito.Gusto ko ng makita si Jane,mukhang hindi na uusad ang mga sasakyan dito bukod sa baha ay may aksidente rin na naganap.Kaya iniwan ko doon ang kotse ko at lumakad na lang ako hinayaan ko na lang na mabasa ako ulan basta makita ko si Jane.

Hiling [DonKiss]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon