"Is this any problem my Princess?" tanong sa akin ni Charles,na tinitigan ako sa mga mata.Hanggang ngayon ay hindi pa din maalis sa akin ang mag alala kay Hanz,lalo na ngayon sa pinagdadaanan niya."Lately ay napapansin ko na parang matamlay ka,masama ba ang pakiramdam mo? May sakit ka ba? " nagsmile lang ako sa kanya, gusto ko lang makipag isip ngayon.
Noong nakita ko si Hanz sa ospital ay nanghihina ako, anytime pwede akong bumagsak doon lalong lalo na ang puso ko? Sa kabila nang lahat ako pa din pala ang inaalala niya,yong mahal na mahal pa din niya pala ako.Ayaw kong isipin na mawawala na siya,ayaw ko mas gusto ko pang tuluyan niya na lang akong hiniwalayan at sinaktan ng sinaktan kesa literal na mawala siya sa buhay ko.Sana pala pinakinggan ko yung mga explaination niya,sana nakinig ako sa kanya.Kung nasa tabi niya pa din ako ngayon pwedeng pwede pa siyang lumaban sa sakit niya.Ayaw kong nahihirapan siya ng ganyan.Lahat ng sakit na binigay sa akin ni Hanz, ay nawala na iyon.Lahat ng pagmamahal ko sa kanya ay bumalik na ulit.Naguguluhan ako,mahal ko din si Charles pero mas kilangan ako ni Hanz.Whatever it takes susugal na'ko, ayaw kong mawala si Hanz ayaw ko.
Pero paano si Charles,mahal na mahal ako nito hindi ko alam kong tama ang magiging desisyon ko na 'to."Gusto ko nang mag pahinga."
"Akala ko ba? Gusto mo mag movie marathon Princess?Pero sige ihatid na kita sa inyo."
"Wag na,ako na lang samahan mo na lang muna yung kapatid mo."
Bago umalis ay yumakap muna siya sa akin at kiniss ang noo koKahit saglit man lang ay makita ko si Hanz, sumisilip lang ako sa pinto ng room niya.Hindi niya pa din alam na pumupunta ako dito.
"Bes,kausapin mo na si Hanz bes kilangan mo yan, parehas mahirap ang pinagdadaanan niyo.But this time kailangan niyo na mag usap." hinawakan ni Pusit ang balikat ko,para pakalmahin ako dahil iyak na naman ako ng iyak.
Pumasok ako ng kwarto niya,mukhang nagulat siya sa pag pasok ko dito.
"Anong ginagawa mo dito Jane."
Lumapit ako sa kanya, at doon na bumuhos ang luha ko at niyakap ko na lang siya."Bakit hindi mo sinabi?All this time naniwala ako sa pinaniwalaan ko na niloko mo lang ako,yung ka patawaran gusto mo naibigay ko na.Hanz I'm here sana labanan mo yan sakit mo."
"Para saan pa Jane? Wala na tayong magagawa! Wala na!."
"Meron pa Hanz, tutulungan ka namin, please lumaban ka naman sa sakit mo."
"Jane,ayaw ko na! Gusto ko nang mag pahinga,pagod na pagod na ako."
"Hanz naman,mahal kita andito ako para sayo."
"hindi na kita mahal Jane,umalis ka dito ayaw kitang makita ngayon.Please leave!"
Those words broke my heart again.Gustk ko lang naman siyang alagaan ngayon kahit sa huling sandali niya ay maramdaman niya ang love ko sa kanya.
"Lumabas kana Jane.Please lang."
Sumenyas na sakin ang mama ni Hanz, kahit siya naluluha na din sa amin.Wala akong magawa kundi lumabas na doon.Alam kong hanggang ay nagsisinungaling pa din siya.Mahal na mahal ko pa din talaga si Hanz,alam kong kong hindi basta awa lang ang nararamdaman ko.Alam kong mali,na si Charles yong palagi kong kasama pero si Hanz ang nasa isip ko.
Napadpad na pala ako dito,dito sa lugar kung saan madalas kaming mag punta ni Hanz.Sa isang parke malapit sa plaza,isang batang lalaki at babae ang naghahabulan siguro dahil kinuha nung batang lalaki yung ice cream na hawak nung batang babae,dalwa kasi yung sorbetes na hawak niya at parehas niya itong kinuha sa kamay ng batang babae,at ngayon ay naghahabulan sila ng dahil doon.
Naaala ko bigla si Hanz, palagi naming pinagtatalunan ang ice cream dahil kapag ubos na yung ice cream na kinakain ko,aagawin ko naman yung sa kanya.Kaya sa huli kunti lang yung nakakain niya."ate nag cacry ka ba? Saka yung ice cream mo nagmemelt na oh."
Kumakain pala ako ng ice cream,nagulat ako dahil may batang sumulpot sa harapan ka she's a cute little girl.Pinunasan ko agad yong luha ko " No,I'm not crying napuwing lang ako." and pinisil ko lang yong pisnge niya, nagsmile lang rin siya sa akin pagkatapos tumakbo papunta sa mga kasama niya siguro magulang niya yon.