Jane's POV
Isang buwan na ang nakalipas pero yung sakit nandito pa din sa dibdib ko.Bakit di niya ako hinayaan na mag explain sa kanya.Lahat ng iyon ay hindi totoo,mali ang pag kakaintindi niya.When Hanz fall on me noong anniversarry namin aksidente yun,bigla kasi siyang nahilo at natumba pati ako natumba dahil sasaluhin ko sana siya.Pero dumating si Charles at iba agad ang nasa isip niya.Wala na kaming relasyon ni Hanz.
Isang buwan ko na din siyang hindi nakikita.Maging sa school ay hindi na rin siya pumapasok.Wala kaming balita sa kanya maging sa school ay tikom ang bibig ng lahat.Ayon sa sabi sabi ay umalis na nang bansa si Charles at ako ang sinisisi nila kung bakit nawala si Hanz at kung bakit umalis siya.Ang tingin sa akin ng lahat ay malandi.Lahat hinushagahan na agad ako,kahit hindi nila alam ang totoong nangyari.Dahil nasanay na rin ako sa ginagawa nilang pag paparinig sa akin sa school ay baliwala na lang yun sa akin.Alam ko lahat sa sarili ko ang katotohanan at ang mga kaibigan ko kaya hindi ko kailangan mag please sa mga tao na ang gusto lang ay husgahan ako.
Wala pa ring nagbabago sa amin ni Hanz,sobrang nahihiya siya sa akin at palagi siyang humihingi ng tawad dahil kung hindi dahil daw sa kanya ay hindi kami maghihiwalay ni Charles.Wala namang may kasalanan sa nangyari.Masakit man sa amin dahil umabot kami sa puntong iyon ay wala dahil nasaktan ko si Charles at masama na ang tingin niya sa akin.Halos araw araw akong pumupunta sa unit niya pero walang anino ni Charles doon nagbabaka sakali ako na baka makikita ko siya doon.Hindi ma din siya pumupunta kina Kiko simula nung nangyari iyon,maging ang tatay ni Kiko at wala ring balita sa kanya.Dumadaan din ako sa bahay nila pero hindi ako kinakausap ng mga maids ayon daw ang habilin ng mama ni Charles.Maging sa akin ay galit rin sila.
Si Hanz mas nakakaawa ang kondisyon niya ngayon,ibang iba na sa itsura niya dati.Nagiging matamlay na din siya dala na rin ng sakit niya kung bakit nanlalagas ang buhok niya
ay dahil doon.Sinisi niya palagi ang sarili niya kung bakit wala na kami ni Charles.Pinipilit niyang ngumiti at maging masaya sa kabila nang sakit niya.Hindi rin niya alam na si Charles ang boyfriend ko at wala siyang idea doon,maging siya ay nagulat rin.John's POV
Ilang oras na ako nakatambay dito sa resto nila MayMay.Mas gusto ko lang dito wala rin naman akong gagawin sa bahay.Nang may mapansin akong pamilyar na mukha.Parang siya yon,inayos ko muna ang eye glasses ko para mas makita ko ng maayos kung siya talaga yun.Hindi nga ako nagkakamali,kilangan niyang malaman ang lahat ang lahat ng dahilan kung bakit sila magkasama at magkakilala ni Hanz.Unfair kung hindi niya ito malaman.Palabas na siya ng resto at may kasama siyang babae kung sino man yun It doesn't matter ang importante makausap ko siya.
"Charles!" papasok na siya ng kotse niya nang umabutan ko siya.Nilingon niya ako isinara ang pinto ng kotse niya.
"Anong problema mo?" sa tono ng boses niya ay parang galit siya
"Hindi ko na 'to papatagalin pa Charles.Gusto ko lang malaman mo na noong anniversary niyo ni Jane ay mali ang pagkakaintindi mo sa mga nakita mo."
"Oh c'mon John hanggang yun ba pagtatakpan niyo pa din ang kalandian ng kaibigan niyo at ng pinsan ko.Tell me pinlano niyo ba 'to para masaktan ako!"
"hindi Charles hindi ganon yun,Pakinggan mo muna ako.Hinanap ka ni Jane pagkatapos ang lahat ng nangyari,gusto niyang magexplain sayo."
"I'm sorry John,pero wala na akong pakialam sa kanya." at pumasok na siya sa kotse at pinaharurot ang iyon.
May galit pa din sa mukha niya at sa presensya niya.Hindi na siya yung Charles na nakilala namin noon.
"Oh bes,parang malungkot ka ngayon?" bungad sa akin ni Pusit
"Nakita ko kasi si Charles,at nagusap kami about kay Jane,pero wala na talaga siyang pakialam."
"Nagkita rin kami,galit pa din siya.Sana bes wag na lang din nating ipaalam kay Jane na nakita natin si Charles at kapag nalaman niya na wala na talagang pakialam pa si Charles sa kanga ay lalong mas masasaktan iyon."
"Engage na rin si Charles,at doon sa Maxene na iyon.Nakakalungkot lang isipin na naghiwalay sila ni Jane nang ganun lang.Mahal na mahal nila ang isa't isa e,pero dahil lang sa maling akala ay nasira iyon.Look si Jane,pinipilit niya lang sumaya pero deep inside nasasaktan na talaga siya sa mga nangyayari lalo pa sa kalagayan ni Hanz,anytime mawawala na siya.Sobrang hirap ng pinagdadaanan ni Jane."
"Kung pwede lang kahit isa sa problema niya ay saluhin ko." sabi ko
Ulysses POV
Narinig kong naguusap ang dalwa ni John at Pusit, is this all about him.Yung tarantadong Charles na yon ang sabi niya di niya sasaktan si Jane, tapos ngayon he did! Nang dahil sa maling akala niya.Kapag nakita ko talaga yon ay hindi ako mag dadalwang isip na basagin ang pagmumukha niya.
Umalis ako agad kahit kararating ko lang sa bahay ni Pusit.
Gusto kong makita si Jane,kung okay pa siya ngayon? Alam kong nasasaktan parin siya hanggang ngayon,well hindi niya yon deserve wala namang may kasalanan sa nangyari.
Hindi ko na binalak na kumatok sa pinto ng kwarto niya at nakita ko siyang nakatayo sa terrece nang kwarto niya.I know his crying dahil humikbi siya.
"Umiiyak ka naman?"
Mabilis niya yong pinunasan dahil dumating ako.Wala talaga siyang ibang alam kundi iyakan yung taong iniwan at ngayon sinasaktan siya.
"Di nuh! Napuwing lang." pagpapalusot niya, may napuwing bang dalwang mata ang may bakas ng luha at pukto pa.
"Pukto ang mata mo! Napuwing lang?" tanong ko
Di naman siya nagsalita at nakatingin lang sa malayo.
"Sinayang ka na niya Jane.Wag ka ng manghinayang.Ilang buwan na ang nakalipas let's move on.Kung di niya nakita ang halaga mo then kalimutan mo na siya."
Alam kong massaktan siya sa sinabi ko pero ito ang totoo.Lalo pa't engage na yung lalaking yon.Ano pang habol niya diba.Ilang buwan pa lang ang nakalipas pero nakahanap na agad siya ng ipapalit kay Jane.Gawain ba yon ng lalaking matino.
Bigla niya na lang akong niyakap at iniyakan ang balikat ko hinayaan ko lang yun at hinaplos ang likod niya.
"sige iiyak mo lang yan,ubusin mo ang luha mo ngayon.Tapos sana mag move kana sa kanya."
Pagkatapos maglabas ng sama ng loob ni Jane ay pinatulog ko na rin siya dahil kailangan niya iyon.