Naglalakad ako sa hallway ng school,galing sa locker nilagay ko lang doon ang mga libro ko,alas sais na pala ng hapon at mukhang kakaunti na lang ang mga studyante dito.Bigla nalang akong nagulat dahil sumulpot si Mark sa harapan ko ngayon,bigla niyang hinila ang mga kamay ko, at sinandal sa pader.
Nararamdaman ko ang mainit na katawan ni Mark, na biglang kinatindig ng balahibo ko.
"Bakit ba ang pakipot mo?" bulong niya sakin, I open my eyes at ngayon ay nakatitig na siya sa mukha ko.
Si Mark, isa siya sikat dito sa school.Dancer at volleyball player, matagal na siyang may gusto sakin pero hindi ko siya pinapansin dahil mayabang at saksakan ng playboy 'tong tao na to,also member din siya ng Frat.
"Ano ba Mark!" sabi ko at nagpupumiglas na ko dahil sobrang lakas niya at sobrang higpit ng mga hawak niya sa akin, nararamdaman ko din ang mainit na hininga niya na mukhang papalapit ang mukha niya sa mukha ko, kahit anong piglas ay hindi ako makawala.
"tarantado ka, better alone this girl."
Pag tingin ko ay nakahandusay na sa sahig si Mark, na napahawak pa sa mukha niya.Lumapit naman sakin si Charles at kinuha ang mga kamay ko.
"nextime na lalapitan mo pa si Jane, manghihiram ka na ng mukha sa aso." napatingin ako sa mukha ni Charles at kay Mark na nakatayo na.
"hindi pa tayo tapos Fuentes." bago umalis ay dinuro niya pa si Charles
Hinawakan naman ni Charles ang mukha ko , at tinanong kong okay lang ako.Bigla ko na lang siyang niyakap, naramdaman ko ang pag haplos niya sa buhok ko.Mabuti na lamang at dumating siya dahil kong hindi nagawa na nung Mark na yun ang matagal niya ng gusto sakin.
"Wag ka nang umiyak,okay na! Di ka na lalapitan ng lalaking yon."
Bigla kong naalala ang nangyari kanina,magkasama kami ngayon ni Charles at this time mabait na ako sa kanya hindi ko alam pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa pagligtas niya sakin kanina.Dahil doon ay patas na kami.Nasa gilid kami ng kalsada at kumakain ng balot,pinapanuod ko lang siyang kumakain noon, hindi kasi ako kumakain ng street food dahil baka magkaroon ako ng hepa, sabi ni mama ay masama daw kumain ng ganun.Pero parang sa nakikita ko ngayon ay nasasarapan sa pagkain ng isaw at balot itong si Charles, natatakam tuloy ako.
Maya-maya ay lumapit na siya sakin na may dalang kwek kwek at balot.
"try mo kasing kumain ng ganito, hindi ka naman mamatay kapag kumain ka nito e."
"Madumi daw yan sabi ni Mama."
"Ang arte mo! Kung madumi ba yan kakainin ko ba to?" sa ngayon ay binasag niya yung balot at binigay sakin " Try mo kasi, higupin mo muna yung sabaw, bago mo kainin yung laman.
Bago pa ako mainsulto sa mga pinagsasabi niya ay sinunod ko naman yung sinabi niya.Isa isa kong kinain yung part nung balot, tapos sabi niya pumikit daw ako kasi, mas masarap daw kumain ng last part ng balot kapag nakapikit, which is yung sisiw pala.
"Hindi ka naman pala maarti e."
"Alam mo ang yabang mo." tapos kinuha ko yung hawak niya na softdrinks at ininom yun.
"Ayan ba yung syota mo sir pogi? Ang ganda niya ha." biglang may nagsalita maliit na bata I think mga 5 years old na ito,nakakandong siya sa tatay niya ngayon yung nagtitinda ng balot at mga kwek kwek.
Pinalapit naman ito ni Charles at ginulo yung buhok nito.
"Di ko siya syota.Type mo ba? "
Ngumiti yung bata at nagtago sa likod ni Charles, pero lumabas din siya doon.