First day of school ngayon dito ni Ulysses, kaya nag offer ako na ilibot ko siya sa campus since wala na naman akong klase dahil isang subject lang naman ang meron kami ngayon.
Halos mabali ang leeg ng mga babaeng nakakasalubong namin,mp paano ba naman ang gwapo nitong kasama ko,sino bang hindi mapapalingon kahit lalaki ay napapatingin din dito kay Uly.Edi may bago na naman silang kakahumalingan.

"Sino yung guy na yun? Yun ba yung bagong boyfriend ni Jane.Paano na si Charles? "

"OMG!ang gwapo naman niya."

Yun yung mga naririnig namin sa mga babaeng nadadaanan namin ni Uly, hanggang makarating na kami sa classroom niya.Bago umalis ay nagthank you muna siya sa akin,mukhang lahat nang classmate niya ay napatingin sa amin at napatahimik na lang or we should say na napa nga nga.

Aalis na sana ako nang may humarang sa dadaanan ko.Foot to head ko siya tinignan.Si Charles at naksimangot yung mukha niya.At bakit? Agang aga di maipinta mukha niya.

"Kailangan mo pang ihatid yung lalaking yun dito? Wala ba siyang paa at mata." yan yung bungad niya sa akin.

"anong problema doon? Mag kaibigan kami at bago siya dito natural sasamahan ko siya."  simpleng bagay kinagagalit, nanliligaw pa lang siya niyan perk grabe nang mainis, ano pa siguro kung sagutin ko siya.Naiba ang mood ko dahil sa attitude na naman niya,hinawakan niya ang siko ko pero tinanggal ko iyon at lumakad palayo sa kanila.

"Sorry na!" ngayon ay sumusunod siya sa akin, nag stop ako sa paglalakad, nag nod lang ako sa kanya, at pumasok na sa loob ng clasroom.


"Nangyari sa inyo? May LQ ba kayo?" nasa harapan ko ngayon yung tatlo

"Nakakabadtrip lang yung si Charles,dapat ba laging badtrip siya kapag kami ni Uly yung magkasama.

"Sus,nagseselos lang yun." Olivia

"Ano dapat ikaselos? Magkakaibigan naman tayo, and hanggang doon lang yun." sabi ko at umayos na nang kinauupuan ko dahil dumating na si Prof.

















"Hey are you with us Jane." nakatingin na naman pala ako sa kawalan.

"Ano nga yung sinasabi mo bes." tanong ko kay pusit, na tinitira na yung inorder niyang fries.

"Yun nga, akala ko ba friend lang ni Charles yung Maxene, bakit ngayon yun oh," nakanguso pa si Pusit habang tinuturo sa amin kung nasaan yung tinutukoy niya,sinundan naman namin ng tingin yun.

Akala ko nga ba friends lang sila?Hindi ko pa nakakalimutan yung nangyari sa kanilang dalwa yung moment na naghalikan sila.Tapos ngayon magkasama na naman sila,wala naman akong karapatan magselos kasi wala naman kami pero ito yung nararamdaman ko ngayon,edi patas na kami mainit dugo niya kay Uly, mainit naman dugo ko sa Maxene na yun edi fair na kami.
Nakaupo sa bench si Charles tapos yung Maxene na yun nasa harap lang naman ni Charles hindi ko alam kung anong ginagawa niya,nakangiti naman si Charles mukhang masaya sila sa ginagawa nila.

"Gusto mo sugudin ko na yung dalwa na yun." akmang tatayo na si Olivia, pero pinigilan ko siya.

Gusto niya pala ng ganito ha, sige pag bibigyan ko siya.

C'mon Ulysses diba, gusto mo magtry out sa basketball this sem.Tara sa gym samahan kitang magpractice.

Nagiba yung mukha ni Uly, na kanina ay parang badvibes din biglang nakuha niya yung idea ko.

Pati yung tatlo ay sumama samin para sumuporta.Syempre what are friends for kung hindi kami magsusuportahan sa isa't isa.

Charle's POV

Hiling [DonKiss]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon