[4]

101 2 0
                                    


"prinsesa!" jusko napahawak ako sa dibdib ko sa gulat, walanghiyang Charles 'to ano bang problema nito

"Bwisit ka ba talaga?" asar kong sabi paano ay busy ang diwa ko ngayon,nilipan na naman ng hangin ang diwa ko.

"sorry na." bigla niya akong hinils at kiladkad palabas ng school.Bukod sa mga bwisit niyang pabanat sa akin ay ito naman ang hobby niya ang hilahin at kaladkadin ako.Pinagbuksan niya muna ako ng pinto ng kotse niya bago sabay alis.

"saan ba tayo pupunta? May klase pa ako mamaya."

"sa lugar na masaya." this time hindi ko na naman maipinta yung mga ngiti niya pati yung mga mata niya ay sumasabay rin sa ngiti niya

Tumigil kami sa pamilyar na lugar,ito yung kinainan namin ngayon kila Kiko,tama!

Naunang bumaba si Charles at sinalubong siya ni Kiko,kahit malayo ako kita ang saya na nararamdaman nila.Bumaba na rin ako ng kotse at lumapit sa kanila.

"Ma'am ganda sinagot mo na ba itong si Sir pogi?"

Ngumiti lang ako sa kanya at ngumiti

"Ma'am pasensya na po kayo sa anak ko,sadyang makulit lang po talaga yan." sabi ni kuya na nagluluto ng tinda niyang kwek kwek , samantalang yung isang tao ay busy na sa pagkain.Dahil nakita ko siyang kumakain ay nagkusa na rin ako kumain ng kwek kwek, ng dahil din naman sa kanya kaya ako natutong kumain ng ganito.

"Ma'am Ganda,kapag sinaktan kayo ni sir pogi sabihin mo sa akin ha."

"Di naman ako sasaktan niyang si Sir pogi mo,dahil magkaibigan lang naman kami." sagot ko sa batang ito

Hinawakan ni kiko yung kamay ko,at lumapit kami kay Charles tapos kinuha niya rin yung kamay nito at pinatong sa kamay ko.

"pwede ba kayong maghawak kamay, kahit ngayon lang, please ma'am ganda.Gusto ko lang makitang masaya si sir pogi."

Biglang may kumirot sa puso ko ngayon,kita ko sa mga mata ng bata na ito ang saya kapag nakikita niya si Charles.Tumingin lang sakin si Charles na kahit saglit ay pagbigyan namin yung bata.Kumandong kay Charles yung bata at masayang masaya siya na pinagmamasdan kami.Pagkatapos noon ay biglang umubo ng umubo si Kiko at tila naghahabol ng hininga.

Binuhat agad ito ni charles,hindi ko alam kung anong nangyayari.

"Kuya,tara na isugod na natin sa ospital si Kiko." natataranta na kaming lahat dito





"May sakit sa puso si Kiko." yung kaninang saya namin ay nabalot ng kalungkutan ngayon. "Kaya ganun na lang kong mag alala ako sa batang yon."

Ngayon nararamdaman ko na at naiintindihan ko na kung bakit ganun siya kabait sa batang yon.Yung pinapagaan niya palagi ang loob ni Charles,yung wala kang mararamdaman na bakas na sakit sa mukha ni Kiko dahil puro saya ang dala niya sa lahat.Hindi ako umalis sa tabi ni Charles alam kong mas kailangan niya ng karamay,kailangan niya ng kaibigan ngayon.

"gusto mo ihatid na kita sa inyo?" tanong sakin ni Charles,umiling lang ako sa kanya

"dito lang ako,sasamahan kita dito."

Pati ako ay apektado na lungkot ni Charles,hindi ako sanay na malungkot siya,mahalaga talaga sa kanya si Kiko.
Kahit hindi sila magkadugo ay makikita mo talagang nalulungkot siya sa pinagdadaanan ng bata ngayon.

"Maayos na po ang pasyente." yung pagaalala ng tatay ni kiko at kami ay napalitan ng gaan sa loob.Mabuti na lang at naagapan agad.Bago kami umalis sa ospital ay tinignan muna namin kong ano ang kondesyon ni Kiko.Sabi ng doctor ay masyado lang daw napagod si Kiko kaya nanghina ang puso niya.











Hiling [DonKiss]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon