Pagmulat ng mata ko ay pa natulala na lang ako.Sana ay panaginip na lamang iyon,masamang panaginip.
Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto kung nasaan ako,mukhang nasa ospital ako.Nandito si Ulysses sa tama ko at nakaub-ob siya s kama ko,katabi niya si Pusit,sa kaliwa ko naman ay si John,nasa sofa naman si Olivia.Nasaan si Charles? Bakit wala siya dito ? Inayos ko ang sarili ko dahil hindi ako mapakali.Wala na akong maalala kagabi kundi ang pananakit sakin ni Mark,at kung paano siya magalit at ipakita ang kasamaan niya sa akin.Sinaktan niya ako sinampal physically at emotionally, halos sumabog na ako sa galit kagabi at nawalan na lang ako ng malay ka iiyak."bes,gising kana pala." si Pusit at isa isa silang ginising ni Pusit
"nasaan si Charles?" yun talaga yun una kung hinanap nag aalala din ako na baka siya ay kinidnap din nila Mark.
"Wag kang mabibigla bes."
Lahat sila seryoso ang mukha at isa isa nagtinginan.Kinakanabahan ako sa mga tinginan nilang yun."Si Charles kasi...........sinagip ka niya sa mga yun e.Kayna Mark." biglang napayakap na si Pusit sakin at bigla na lang akong naiyak.
Dalhin niyo ako kay Charles.
Nakita ko si Charles,bakit dito? Dito sa morge ? Bakit andito siya.Nakatakip ang buong katawan niya ng kumot.Anong nangyari? Bakit Andito siya ? Charles gumising ka jan! Ano ba? Hoy! Kasalanan ko lahat ng 'to e.Nadamay ka pa, ako dapat ang nandyan.Ako dapat yung mawawala at hindi ikaw.Bumangon ka dyan!
Wala na halos bumaha na ng luha dahil sa kakaiyak ko."Bakit ka naiyak?"
"Patay kana kasi,alangang tumawa ako."
Bakit nagsalita si Charles? Bakit sumagot ako sa tanong niya.Pag lingon ko sa likod ko ay nakita ko si Charles na naka tayo.Napatingin din ako sa mga kaibigan ko na tawa ng tawa,isa isa silang pinaghahampas ni Charles.
Naalala ko yung pag iyak ko, nakita lahat yun ni Charles yung mga pag iyak at pag dadrama ko.Siguradong aasarin ako nito mamaya.
"Mga siraulo buhay pa ako,pinapatay niyo na agad."
Isa isa silang naglabasan na nagtatawanan na parang walang nangyari.
Tapos inalalayan niya akong lumabas dahil nasa harapan kami ng patay.Puro pasa din siya sa mukha at benda.
"Ano yun?" tanong ni Charles sakin
"alin ba?" sagot ko
"yung iyak mo kanina!"
"Practice yun! Kung namatay ka ganung iyak gagawin ko." pagpapalusot ko, para di niya halata na masasaktan ako pag nawala siya
"ang sama ng ugali mo!" bigla nalungkot yung tono nang boses niya
"Di mo kayang mawala ako nuh? Para saan yung iyak mo? Yung totoo!?"
As if makawala pa ako sa mga tanong nitong si Charles.Siya naman lagi ang taga pagligtas ko, at sinasabi ko sa sarili ko na palagi akong safe pag nasa tabi ko siya.
"Mahalaga sakin! Ano masaya kana?"
"Mahalaga means? Mahal mo ako ganun ba yun?"
Mahal? Mahal ko ba siya ? Hindi ko alam basta masaya ako pag kasama ko siya at di ko kayang mawala siya lalo na ngayon.Tumingin na lang ako sa kanya tapos ngumiti ng malawak na malawak, kinikilig kasi ako kaya hindi ko masabi.
"Yang mga ngiti ba na yan ay mahal mo talaga ako?"
Wait.Bigla kong naisip si Maxene!oo si Maxene yung babaeng gusto niya,yung babaeng pinagseselosan ko.
"may maxene kana diba? Ayaw ko namang maging third wheel niyo."
"Si Maxene? Magkaibigan lang kami nun nuh.Diba ikaw ang prinsesa ko?"