"Ano ba ? Aatend ka ba ng ball at napaka tagal mong mag ayos dyan." sunod sunod na katok ang narinig ko sa pintuan ng kwarto ko.Hindi ko naman sinabi na isabay niya ako papunta kila Pusit.Bahala kang maghintay jan.Nakahiga lang ako dito sa kama pero ayos na ang sarili ko, gusto ko lang makaganti sa ginawa niya kahapon lalo na yung manners niya kay Ulysses.

Bumalikwas na ako sa pagkakahiga ko ng hindi na siya mangulit sa pinto ko.
Pag labas ko ay bigla niya lang akong ginulat.Booooooooo! Para akong tanga na, tumalon pa ako sa gulat bwisit na Charles na'to.

"epal ka palagi nuh?sino bang may sabi na dumaan ka dito?" nag lakad lang ako ng diridiritso.

Bakit wala ang kotse ko dito?

"Manang asan yung kotse ko?"

"Ay ma'am hiniram po ni sir nasira po yung kotse niya pinapaayos pa daw."

Tumingin naman ako kay Charles na nakangisi na naman sa kin.Nakakaloko yung mga ngisi talaga niyang yan.

"Wala kang choice kundi sumakay sakin."

As if my choice pa ako wala naman talaga.

"mainit ba ulo mo?" tinanong pa talaga ? Hindi pa ba obvious na naiinis ako sa kanya.Para hindi na kami magtalo ay kunwari ay goodvibes ako ngayon.

"Nasaan pala yung lalaki kahapon,yung kinikilig kilig ka pa kahapon habang kausap mo."

"Kasama ko ba? Malay ko baka na sa kanila." asar kong tanong

"ang sungit mo ha."

"Ganyan ka din kahapon kay Ulysses a,yung attitude mo kahapon."

"Attitude? E hindi ko lang gusto yung karakas nung lalaking yun." kumunoot naman yung noo ko nung narinig ko yun.

"Dahil hindi mo gusto,ganun ipapakita mo? kababata ko yun sana man lang pinakitaan mo na good attitude kahit fake."

"Okay fine.Kababata mo naman pala so matagal na kayong magkakilala,.mas matagal kesa sa akin."

Hindi ko na siya sinagot at tumingin na lang ako sa labas ng kotse niya,at sinalampak ang earphone ko.

Nakaidlip pala ako,nandito na kami kena pusit.Pag lingod ko kay Charles,ay nakatitig siya sa akin,nakatitig na na ka ngiti.

Napahawak pa ako sa mukha ko,bago inayos ang pag kakaupo ko.

"Ano tinitingin tingin mo jan?"

"Ang sarap ng tulog mo ha,tulo pa yung laway mo tapos nakanga nga ka pa." dini describe niya pa yung pag nga nga ko kanina.Akala mo nakakatawa talaga 'tong Charles na'to.
Akmang sasampalin ko sana yung siya para makaganti sa pang aasar niya sa akin pero hinawakan niya yung kamay ko.Ayon sasabog na naman yung tiyan ko, kinikilig ata ako.
Agad ko naman binuksan yung pinto at bumaba ng kotse niya

"Pikon ka na naman!" naramdaman ko na nasa likodan ko na siya

Ang bilis niyang maglakad ha.
Hindi ko na lang siya pinansin sa pang aasar niya at kunwari ay walang naririnig.


Pumasok na kami sa loob ng bahay nila Pusit.Pool Party lang ang tema ni Pusit at kunti lang din ang bisita niya.Nakita kong nakaupo si Olivia habang umiinom ng Juice,tapos si Pusit ay nakikipag chickahan sa ibang friends namin.Nauna nang lumapit si Charles kay pusit nagbeso siya tapos may inabot siyang regalo, naunahan na naman niya ako.

"Hey,Jane." paglingon ko sa likod ko ay nakita ko si John at si Gwapo este si Ulysses.Na magka akbay pa,nagkita na din pala sila.Bye the way guys,to make the story clear kami nila Pusit,John,at Ulysses is magkababata talaga.Si Pusit is a gay person and I'm proud of him(itaas ang bandera ng mga bisexual community)Patrick "Pusit" Monteclaro,bata palang talaga ay lalamya lamya na yan.Si John! John Roa last year ay umamin yan ng feelings sa akin, at binalak pa akong ligawan.Jusko isa pa yan sa nagpagulo ng mundo ko, I love him too as a bestfriend, pero ngayon solid na talaga kami, walang talo talo.Ngayon mas nageenjoy siyang makipag date kung kani kaninong babae,like hindi siya nang hihinayang sa mga pera niya, pero sa bagay madami naman siyang pera at madami din naman siyang gig palagi.Vocalista din kasi 'to tapos minsan nagawa ng mga vedio.Kaya kahit hindi siya humingi ng pera sa mga magulang niya ay may nahuhugot siya.Si Ulysses,Ulysses Sanches, katulad nga ng sinabi ko before siyam na taon kaming hindi nagkita kita at ngayon magkakasama na kaming apat.Parang reunion na rin namin 'to.

Hiling [DonKiss]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon