Charles POV
Bumalik na kami sa dati ni Jane.Tama nga si Dave.Lahat ay magiging ayos kapag idinaan sa mabuting usapan.Actually kakadaan lang din dito ni Jane kanina para dalhan ako ng gatorade ang favorite drink ko at syempre ang power ko at pampalakas ko sa game yong makita ko siya at kiss at yakap niya.Maaga rin siyang umuwi dahil sa thesis niya
May practice game kami ngayon,at kakatapos lang rin.Nang lumapit sa akin si Marco habang nagdedrible pa ng bola.
"Bro,nga pala sabi ni Mommy madalas niya daw napapansin si Jane sa Hospital namin." doctor kasi ang mommy niya at may ari sila ng hospital "may sakit ba siya?"
Chismosa din pala 'tong kaibigan ko na'to.Hindi naman nasasabi sa akin ni Prinsesa yun,kapag may sakit siya ay nag uupdate naman siya sa akin baka may relatives lang na may sakit.
Bukas na nga pala ang 2nd Anniversary namin ni Prinsesa.Ang bilis din ng panahon 2 years na pala kami.Isipin mo yun,still kahit madami kaming pinagdaanan sa relasyon andito pa din kami,nanatiling matatag sa isa't-isa.Totoo pala yun,kung mahal mo hindi mo susukuan.
Tumunog ang phone ko,tinitigan ko muna ang screen nito,syempre sa wallpaper ako nakatingin si Prinsesa yun e.
[Prinsesa: Love see you tommorrow,may ipakikilala ako sayo :)]
Sino kayang ipakikilala ng prinsesa ko? Pero kung sino mam yun,ay alam kong importante yun sa buhay niya.
[Me: yes Love,It's already midnight matulog kana! Pray muna bago mag sleep.Ilabuyo😘😘😘]
[Prinsesa: Ilabuyo more😘😘😘😘]
•••
Papasok na ako sa resthouse nila Jane sa Batangas.Napansin ko na naka park doon ang kotse ni John at Ulysses.Mas nauna pa talaga sila sa akin dito.Napatingin ako sa relo ko alas 7 na pala ng gabi.May dala akong bouqet na bulaklak.Ilang buwan na din noong huling punta ko dito,but still ang ganda pa din ng lugar na 'to,tabing dagat lang din ito kaya matatanaw mo agad ang dagat.Ang gandang tanawin.Sinalubong naman ako ng katiwala nila Jane.
"Sir,kanina pa po kayo? Hinihintay na po kayo ni Ma'am." saad niya
"Medyo kakarating ko lang din Manong." at nginitian ko lang siya bago pumasok sa loob
"Bro,ano! Kamusta? Happy Anniversary sa inyo.Maghiwalay na kayo!" bungad sa akin ni John
Pambansang bitter talaga 'tong si John.Nagbeso lang ako kina Olivia,at Pusit at parehas nilang akong kinaladkad palabas ng bahay.
Papunta kami ngayon sa tabing dagat.I saw a table na may mga foods ang romantic.Ito ba ang surprise sa akin ni Jane.
"Ganda nuh? Taray ng jowa mo!" Pusit
"wait asan ba si Jane." sabi ni Olivia na nilinga linga pa ang paligid ganun din kami ni Pusit.
Pinatong ko muna yung flowers sa table.
"Nandito lang kanina yun e."
"Baka naman andun."
Sabi ng dalwa ni Pusit
"Ito ba yung sinasabi mong surprise at ipapakilala mo sa akin Jane." napatikom na lang ang kamao ko nang makita ko siya na nakahiga sa buhanginan at may nakapatong sa kanya.Parehas silang nagulat nung nakita nila ako.