"Anong ginagawa nang lalaking yan dito Jane." rinig kong sabi sakin ni Pusit nandito kasi kami ngayon sa coffee shop niya.Hinawakan ko na lamang ang kanang kamay niya, na mabilis naman naintindihan ni Pusit."anong ginagawa mo dito?" sabi ko kay Hanz naupo muna kami bago kami nagusap.
"Gusto ko lang humingi ng tawad sayo, sa lahat lahat ng ginawa ko.Hindi na ako hihingi ng chance sayo basta patawarin mo lang ako,gusto ko pa ding ipaglaban ka Jane, pero ayaw mo na sa akin diba? Hindi ko man kilala kong sino yong taong pinapasaya ka ngayon pero ang swerte niya kasi siya ang nagiging dahilan ng mga ngitin mo ngayon.Mahal na mahal pa din kita at hindi pa din yon nag babago."
Yung sincerity sa mga mata niya.Yung nararamdaman ko ngayon na gusto niya na patawarin ko na siya.Nagkatinginan kami sa isa't isa yung mga luha na niya na namumuo sa mga mata niya.Bakit nang hihina ako ngayon? Lalong lalo na sa mga sinabi niya. Wala akong magawa kundi ang yakapin na lang siya ngayon at patawarin na siya.Mabilis kong pinunasan ang luha ko.Siguro ito na yung time para mapatawad ko siya.Sino ba naman ako para hindi gawin yon? Diyos nga nagpapatawad ako pa ba ?
"Basta masaya ka, masaya na din ako Hanz, napatawad na kita.Kung ito lang ang magpapa gaan ng loob ng puso natin.Sorry din kung nagsawa na ako sayo.Sorry dahil wala sa akin yung hinahanap mo sa ibang babae.Sorry sorry."
"Hindi mo naman kailangan mag sorry, you deserve to be loved Jane.Lahat ng ginawa ko ay pinagsisihan ko na lahat.Salamat dahil pinatawad mo na ako."
Bago kami naghiwalay ay isang mahigpit ang binigay namin sa isa't isa.
Wala naman daw siyang lovelife matapos nung binigyan ko siya nang kalayaan noong nasa condo niya kami.
Hindi ko man alam ang dahilan noon ay ang mahalaga ay parehas na namin pinalaya at pinatawad ang isa't isa.
"Bakit ka umiiyak Sit?" tanong ko naka halumbaba kasi siya at tumutulo yung mga luha niya."Naiiyak kasi ako sa inyong dalwa." patay na! Kanina pa pala niya siguro kaming nakitang nag dadrama ni Hanz,iyakin din kasi 'tong isang ito
"Mahal mo pa ba?" napalingon naman ako sa kanya na noon ay nagpupunas ng mga luha niya.Binigyan ko lang ng question mark na mukha ni Sit."Paano si Charles?" dagdag niya
"Hindi ko alam Sit,naguguluhan ako."
"Paano ba maging isang Jane? Ang ganda ganda mo din teh nuh? Gigil ako sayo!" natawa naman ako sa banat na naman nitong si Pusit.
"basta kung sino ang mahal mo doon ka,wag mong ipilit kong hindi mo na mahal or kung sino yang tinitibok ng puso mo kung saan alam mong mas sasaya ka." tama naman si Pusit, wala na naman kami ni Hanz, at ngayon mas masaya na ako kay Charles
When my phone was ringing.Number lang naman yun pero sinagot ko na lang din.
Hello
Jane, pumunta ka ngayon sa school si Charles.
Hindi pa ako nakakapag salita ay binaba niya na agad yung phone.Bumalikwas ako sa pagkakaupo ko,at agad na sumugod sa school, kinakabahan na naman tuloy ako.
Sumama din si Pusit sa akin.Pagbaba ko ng gate ay agad akong tumakbo.Sinalubong naman ako ni Kuya Daniel, ka teamates niya kasama niya pa si ate Kathryn girlfriend niya at mukhang may nangyayari na namang hindi maganda.