[3]Awkward

85 2 0
                                    


Nandito ako ngayon sa parking lot ng school,hindi ko alam kung bakit tinatamad akong bumalik sa school.Masarap lang talaga ang hangin dito at medyo tahimik.Wala naman kaming klase kesa tumambay sa room ay mas okay pa dito.

"Miss Magandang Binibini, sayang tuition mo baka gusto mong pumasok." ginusot ko yung coke in can na walang laman at binato ko yun kay Charles na siraulo

"may gusto ka ba sakin ? Or nagagandahan ka talaga sakin."
Watta question diba? Gusto ko lang itanong para magtigil na siya sa kahibangan niya.Tumabi siya sakin, nakasandal kasi ako sa hood ng kotse ko,tinignan niya ako sabay ngisi.Tumingin din ako pero saglit lang,ewan ko pero parang may nagwawala na kong ano sa tiyan ko.Feeling ko this time tinitigan niya lang ako, hindi ako mapakali kaya tumingin ulit ako sa kanya this time seryoso na yung mukha niya, tapos bigla niyang sinampal yung noo ko.Bwisit akala ko kung ano na, napahawak ako sa noo ko at akmang gaganti sa kanya ,masyadong malapad ang kamay niya kaya ang sakit ng noo ko ngayon.

"Oh,ang laki ng lamok." pinakita niya pa yung lamok na may dugo "Eww,dugo!" tapos pinitik niya yung lamok gamit yung daliri niya.

Binigyan ko siya ng death glare.

"oh ikaw na nga niligtas ikaw pa masama ang loob." tapos nakatitig na naman siya sa mukha ko, ano ba Charles, feeling ko ang pula pula na nang mukha ko ngayon.

Bigla ko na lang siyang sinuntok.Bigla siyang napahawak sa mukha niya.

"Bakit mo ginawa yun?" nakahawak siya sa mukha niya ngayon, hinawakan ko din yung mukha niya , hindi ko naman sinasadya, nabubugnot lang talaga ako sa ginagawa niya kanina.

"I'm sorr............ry."

"Is this real? Oh my god! " nagulat kami parehas dahil nasa harap namin sina Pusit,Olivia at John.

Si John ay natatawang nakatitig sa screen ng phone niya.Is this kinuhaan niya kami ng pictures?

Ngayon lang namin na pagtanto na super close namin ni Charles.Literal na super close,nakahawak kasi ako sa mukha niya tapos nakahawak na siya sa kamay ko ngayon.

"kayo ba? Or kayo na ba?  Lumapit sila saming dalwa na parang mga baliw.Binatawan ko na ang mukha nitong si Charles,tinanggal ko rin yung pag kakahawak niya sa kamay ko.

"itanong niyo dyan." anong itatanong ? "Walang kami."

Tinignan ko silang tatlo,at mukhang nakakaloko yung mga tinginan nila.

"Ay ano yang mga pa hawak sa kamay at pa hawak sa mukha?"

Mga kaibigan ko ba'tong mga ito?

Nag walk out ako sa apat na nandoon,malayo na ako sa kanila pero ni isa sa tatlo kong kaibigan ay walang humabol sakin, seryoso? Mas pinili nila na maiwan doon kasama yung Charles na yon.Bahala nga sila.












"Andito ka lang pala, kanina ka pang hinahanap nila John."

Bakit ba lagi niya ako nakikita? ang lawak ng school na'to pero akong trip laging kausapin ng tukmol na to.

"Pwede ba! Sinusundan mo ba ako?"

Naupo muna siya sa tabi ko,andito kasi kami sa rooftop ng school.

Natawa muna siya bago sumagot.Minsan ang weird niya,simpleng bagay tawang tawa na siya.

"Feeling mo may gusto ako sayo? Feeling mo stalker mo'ko.Wag kang assuming teh!"

Yung seryoso kong mukha ay biglang natawa sa sinabi niya, parang sa tono niya ay para siyang si Pusit , malamya siya.

"Bawal tumawa." tapos napatingin ako sa seryoso niyang mukha.
Nag change to seryoso din tuloy yung mukha ko.

Hiling [DonKiss]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon