Prologue

47 3 0
                                    


Napatitig na lang ako sa dulo ng kalsada nang may mapuna ako sa aking sarili. Gutom na gutom na ang kaliwang pares ng sapatos ko.

"Shit, shit, shit. Shit naman oh! Bakit ngayon pa nasira ang sapatos ko? Ugh!" Nakailang padyak ako at talon bago kumalma nang tuluyan. Hindi naman Friday the 13th ngayon pero bakit ang malas-malas ko? Nakakainis.

Napabuntong-hininga ako.

Ah, ewan. Suck it up, Dein.

Maybe, this is not really my day. Siguro bukas okay na. Siguro.

Siguro lang kasi for the first time in the history of my life, naranasan ko ang heartbreak.

Hindi ako madaling tumanggap ng criticism. Masakit kasi sa pride. Kaya siguro naiyak ako sa sobrang inis nang sabihin ng isa naming prof na walang sense ang sinulat kong story. I don't even think that's constructive anymore. I mean, can they be more sensitive pagdating sa pagbibigay ng comments? Instead na ganahan kaming mag-improve, bumababa lang ang tingin namin sa sarili naming talent.

Shit kasi. Ang sakit talaga. I sacrificed a lot of nights of sleeps para lang matapos iyon. Napaaga pa nga dahil natapos ko months before the deadline. I proofread it several times and I even asked a friend who works in a publishing company to help me edit the errors.

She said it's beautiful. My story. Excited ako. Parang in-love.

So puta, ano 'yung mali?

Dahil ba hindi niya nagustuhan 'yung ending? Hindi nag-work out patungo sa kung anong gusto niya? Paano nagagawa ng mga taong i-dispise ang isang bagay dahil kino-contradict nito ang pinaniniwalaan nila? Ganoon ba sila kaself-centered? Sa isang point lang sila tumitingin and not on every damn angle. Hindi 2D ang story ko. It has dept - may sariling katangian.

Hindi ko na alam kung anong mararamdaman.

Shit talaga.

Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko. I guess I'm still daze from all the happenings. I should loosen up. Baka maya-maya, naglalakad na pala ako sa gitna ng kalsada at mabangga pa.

Sinagot ko ang tawag. Si Sera, kaibigan ko.

"Hello?"

"Nakauwi ka na?" tanong niya sa akin. Alam niya 'yung nangyari dahil sa kanya ko iniyak lahat kanina sa Uni. She's caring kaya 'di na ako nagtaka kung bakit siya tumawag. Mas matanda pati siya sa akin at pareho ang kursong kinukuha. Siya ang big sister-figure ko dito.

"Hindi pa," maikli kong sagot. Lumingon-lingon ako. Bihira na ang tao pero buhay pa rin ang paligid. Familiar na.

"Ano?! Baliw ka ba? Nine o'clock na, ah."

"Sorry. Hindi ko napansin. Gusto ko lang maglakad-lakad. Fresh air." Nagkibit-balikat ako kahit 'di naman niya ako nakikita. "Malapit naman na ako sa apartment. Uuwi na rin ako."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Okay. Basta bumalik ka na. Itago mo 'yung cellphone mo. Baka may snatcher."

Hindi mo ako kailangang takutin.

Ibinalik ko ang phone sa bag na nakasabit sa aking balikat. Hirap pa akong maglakad dahil sira ang sapatos na suot-suot ko. Nakakahiya man pero 'di na ako nag-abala pang magtago. Halata namang stress ako kaya 'di na kailangan. Muli akong napabuntong-hininga.

Ano na, Dein?

Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang maligo at tumulog. Pero ayaw pa ng utak ko na umuwi. Siguradong iisipin ko ulit ang lahat ng nangyari ngayong araw. Magmumuni muli tapos iiyak.

OPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon