Chapter 2

23 2 0
                                    


"So... buong oras na lang ba tayong magtititigan dito?" tanong ko.

Ngumisi siya, nakapangalumbaba. "Pwede."

I gave him a deadpanned look. Tinawanan niya lang ako. "Hindi ko lang talaga makalimutan yung nangyari kanina. Mukha ka namang matalino. Paano mo nakalimutan ang susi ng sarili mong condo?"

Inirapan ko siya.

"Alam mo yung intense emotion? Yung tipong kapag naramdaman mo yun, halos makalimutan mo na ang lahat?" tanong ko sa kanya. Magaan kong pinalo ang noo ko. "Sa sobrang takot at pagmamadali ko kanina, nawala na sa isip ko na kailangan ko yung susi. So sure, may pagkatanga nga ako."

He chuckled. Again.

Oo na, tanggap ko na. Ito na ata ang pinaka-tangang bagay na ginawa ko sa buong buhay ko.

"Bakit kasi ganun ang get up mo? Para kang holdaper." Napag-alaman ko na siya pala ang lalaking nakasabay ko kanina sa elevator. Hindi ko napansin na pareho ang cap na suot niya that time at sa ngayong time na pinasok ko ang condo niya para makigamit ng comfort room.

"I used a motorcycle to get here," he said shyly, kinakamot ang batok. Bakit siya ang nahihiya? Dapat nga ako, eh? Pero bakit pa ako nagtataka? Bata pa lang ay wala ng hiya ang katawan ko kahit pa sinasabi kong nahihiya ako. I mean, I'll say I'm embarassed of what happened but sooner or later, mawawala na.

"Wow, may inaalagaang skin," dahan-dahan kong sabi habang pinapasadahan ng tingin ang mga braso niyang nakatukod sa tuhod. I mentally slapped myself for doing that kasi nang tumingin ako sa kanya, he's giving a wierd look. He's smiling, though. But still! Sinapo ko ang noo - yumuko at sinabing "Sorry, hehe. Ang creepy ko."

"Bawi na ba?" tanong niya habang nakangiti, nakapangalumbaba sa kamay niyang magkasaklop. Itinaas ko ang kilay -hindi alam kung anon ang tinutukoy niya.

"Bawi ang alin?"

"Ang takot na pinaramdam ko sayo kanina."

Aaah.

Nag-isip ako. "Pwede na." Tumingin ako sa kanya, nakanguso. "Pero mas creepy ka pa rin sa akin," sabi ko na ikinatawa niya. Sa sobrang manly ay napatitig na lang na naman ulit ako sa kanya.

Nice sentence, Dein. Daming repitition.

Katahimikan.

"Sorry dahil mas nauna ko pang gamitin ang comfort room mo kaysa sa ikaw na may-ari ng condo na ito."

Tawanan.

Ah, pucha. Nakakahiya talaga. Pero ano pang magagawa ko? Nangyari na, eh. Mas mabuti nang kalimutan kaysa pagsisihan nang pagsisihan eh wala naman nang magbabago.

Bumuntong-hininga ako. "Thank you talaga. As in. Sorry din kasi bigla na lang akong pumasok. Dapat nagpaalam muna ako."

"Tama, tama! Dapat di ka agad pumapasok sa condo ng ibang tao. Paano kung masamang tao pala ako? What will you do?"

Napaisip  na naman ako. "Hindi ka naman mukhang masamang tao," sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa mga mata ko. Hindi ko yun mabasa, pero ang daming sinasabi. Sabagay, hindi ko naman siya kilala. Paano ko malalaman ang mga iniisip niya?

Umiwas siya ng tingin at ibinaling iyon sa malaking transparent window na katapat ng salas. Kalahati noon ay natatabunan ng makapal at mabigat na peach-colored curtain. Malakas ang sikat ng araw. Ang kaninang umiyak na langit ay wala na. Ang bipolar talaga ng panahon sa Pilipinas.

OPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon