Kanina pa ako di mapakali.
Mabilis akong napabuntong-hininga. Ang sandaling pagtunganga ay susundan pa ulit ng isang pagbuga ng hangin. Hindi na matapos. Kahit ang pabalik-balik na paglakad mula sa kaliwa at kanan ay di matigilan.
Yun lang naman ang cycle na ginagawa ko sa harapan ng pinto ng condo ni Eero. Sa tagal na kilala ko siya, kailanman ay di ako ang nangunang pumunta sa kanya. Nasanay siguro akong ako yung sinusundo, imbes na siya.
What the hell lang, Dein! Just push the fucking doorbell.
Ewan ko. Kinakabahan talaga ako.
"Oh, Dein, Ineng! Kamusta na?" Napalingon ako sa aking kaliwa. Si Kuya Felipe, suot-suot ang kulay orange niyang uniform at tulak-tulak ang cart na puno ng panglinis. Ang laki ng ngiti nito. Mukhang masaya.
Humarap ako sa kanya at ngumiti nang malawak. "Okay lang po, Kuya! Magandang araw po."
"Ay, bakit ko nakalimutan iyon?" natatawa nitong saad. "Magandang umaga rin. Anong ginagawa mo dyan? May hinihintay ka ba?"
Napalunok ako. "A-ah, eh. Meron po ata?" di sigurado kong sabi. Kumunot ang noo nito.
"Ata? Naku, kung naghihintay ka lang sa wala, huwag na. Sayang lang sa oras yun, Ineng. Huwag kang papayag kapag walang kasiguraduhan! Sayang talaga sa oras." Umiling-iling pa si Kuya Felipe habang sinasabi iyon. Seconds later after his advice, he smiled and continue pushing his cart. "Oh, siya, mauna na ako, Dein. Magandang umaga ulit."
"S-sige po. Salamat po." Kumaway ako nang may pagaalinlangan.
God, pinadalhan mo ba ako ng mensahe? Mensahe mo po ba yun?
Nga naman. Nagsasayang ako ng oras. Though, mahaba pa naman ang oras na bukas ang pupuntahan ko dahil maghapon iyon.
Humarap ako sa pinto at pagkatapos ng isang buntong-hininga ay pinindot ko na nang tatlong beses ang doorbell.
Naghintay ako nang ilang minuto. Walang nagbukas ng pinto kaya pinindot ko ulit ang doorbell. Wala ba siya dito? But that's so unusual. Baka tulog pa.
After last try, di na ako nagbalak pang maghintay nang matagal. Okay lang. I can go by myself. Kaya ko naman. At saka baka makaagaw pa ako ng atensyon. I mean, look at who I'm with? Medyo head-turner.
Ha ha, Dein. Sinong niloloko mo? Syempre, gustong-gusto mong isama si Eero. After New Year-
Biglang bumukas ang pinto.
"Dein?" he said, the voice is so low and husky.
Oh shit.
Oh my Go-
"B-bagong gising ka... ba?"
Kumunot ang noo ni Eero. Hindi niya agad pinatulan ang napakatanga kong tanong and just stared at me with his usual sleepy eyes. But this time, it was so lazy. His black hair was so disheveled like someone just beautifully harassed him and he didn't protest. God, that sounds so wrong but shit, ang hot. Naka-jacket siyang gray with nothing underneath at saka sweatpants na same ang color.
Alam ko na wala siyang suot na t-shirt o sando sa loob dahil medyo nakabukas yung jacket niya!
What the hell lang, Dein.
Ang tagal niyang sumagot dahil matagal din kaming nagkatitigan. Like, we're trying to communicate through our eyes.
Maya-maya ay tumango siya, still not saying anything.
BINABASA MO ANG
OPIA
Short Storyopia - n. the ambiguous intensity of looking someone in the eye, which can feel simultaneously invasive and vulnerable--their pupils glittering, bottomless and opaque--as if you were peering through a hole in the door of a house, able to tell that t...