Chapter 7

15 2 0
                                    


Eighteen bottles.

Nang huli kong binilang kung ilang bote ng fresh milk ang laman ng fridge ko, it was still twenty. Was. Ngayon, eighteen na lang.

Eighteen na lang.

Hindi ko na kailangang mag-isip kung sino ang kumuha ng dalawang boteng nawawala. Nagbibiglang pa lang ako, may isang pangalan na agad ang pumasok sa aking isip.

"Gosh, Dein. Sino pa nga ba?" I reached out for a bottle while rolling my eyes. Kumapit agad sa aking balat ang lamig niyon - mas malamig sa singaw na inilalabas ng fridge. Isinara ko pinto nito pagkatapos nang mahabang pagtunganga. Nagsayang pa ako ng kuryente.

Hindi naman ako makapag-reklamo dahil si Eero ang bumili ng lahat ng iyon. Dapat ako pa nga ang mahiya. On the second thought, wala naman akong sinabi na damihan niya ang pagbili ng fresh milk. I was just asking for a single bottle or glass - pampalpas matapos niyang inumin nang walang paalam ang last stock ko.

Nagtataka lang ako kung bakit sa fridge ko siya kumukuha eh may sarili naman siyang fridge. Kaysa naman pinapahirapan niya ang sarili at pupunta pa sa kabilang pinto bago makainom ng gatas. Pwede namang kunin niya ang kalahati ng binili niyang fresh milk o kaya bumili na lang siya ng marami para sa kanya since marami siyang stock ng pera. Na hindi ko alam kung saan nanggagaling. I don't think he has a job, though. The guy's always inside his condo.

Ayain ko nga mag-jogging minsan.

Umalis ako sa kusina at umupo sa long sofa na katapat ng TV. Ipinatong ko ang bote sa center table. Kinuha ko ang nakabukas na laptop sa gilid, na sandali kong iniwan para kunin ang pakay ko sa fridge, at ipinatong iyon sa lap ko. I'm currently writing the midpoint scene of the story - of my script. Pero unfortunately, hindi ko magawang isulat. Why? Ang hirap pala. Kasi turning point na, eh. Nasa utak ko siya. Hindi ko lang mai-turn into words.

Napakamot ako sa ulo.

What to do?

Maybe a break will do.

I opened a new tab for facebook kasi twitter ang bukas kong social media. Konti lang ang pina-follow ko kaya wala masyadong interesting tweets na makikita. It's still my dream to be known online. Yung tipong may magko-comment sa tweets mo o kapag may nagre-retweet. I don't know. Kahit di ko naman kilala , It makes me feel connected. Ang sayang malaman na may nakaka-appreciate pala ng thoughts mo. Parang "Wow. May tao pala somewhere na pareho ang pananaw katulad ko. We're both weird."

Speaking of Eero, may social medias kaya yun? I can't imagine him being out of internet. Sa gwapo niyang yun, imposibleng walang makapansin sa kanya.

Wa~it.

Did I just said -

Boi -

What the hell.

Dein, I told you already. Cute siya. Hindi siya gwapo! You need to keep your belief in constant.

Ano bang pagkakaiba ng gwapo sa cute, ha?!

 Pagka-load ng facebook ay sinearch ko kung meron siyang fb gamit ang pangalan niya.

Eero Martin.

May ilang lumabas. Mga lima. Pero kahit hindi ko isa-isahin i-view ang mga account na nasa harapan ko, ramdam ko agad and zero presence ng kilala kong Eero, yung magaan niyang personality at maganda niyang mga mata.

Sa twitter ako nagbaka sakali. Wala. Walang Eero Martin kahit yung name lang above the username. Nga naman, pwede nga palang ibahin ang personality mo sa twitter. Sa twitter, ako yung witty writer na nagti-tweet ng hacks sa buhay and experiences. Since I created my account, yun na yung scheme ko.

OPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon