Chapter 10

12 2 0
                                    


Pasko na bukas.

Shet. Panibagong taon na naman! Last year ko sa college. Pagkatapos, trabaho. Speaking of trabaho, tapos ko na yung script. Kailangan ko lang i-finalize. Dami kong gagawin. Naman. Tinatamad ako.

Nagpagulong-gulong ako sa kama. Tapos nag-kulambot ako sa kumot.

Okay lang. Nandyan naman si Mama. Pahinga muna ako.

"Anak, gising na!" Katahimikan. "Anaaaaak!"

Yes, Ma. I missed you.

Kahit tinatamad ay tumayo pa rin ako. Hatak-hatak ko pa ang aking kumot at isang unan na nagsisilbi kong dantayan papunta sa pintuan para buksan ang pinto ng kwarto. Malamig ang kamay ko dahil sa panahon kaya di na ako nabigla sa lamig ng doorknob nang hawakan ko ito.

Sinalubong ako ng nakangiting mukha ni mama. Pero napaltan iyon nang madako ang mga mata niya sa buong kwarto ko. Her forehead creased - nakaawang nang bahagya ang mga labi. Pinasadahan niya ng tingin ang nasa likod ko na nakabusangot.

"Bakit ang gulo ng kwarto mo?!"

Eto na naman tayo.

"Ma -" Naputol ang sasabihin ko dahil dali-dali siyang pumasok. Nabitawan ko ang hawak-hawak ng kumot at unan tapos napakamot sa ulo. Di pa ako nag-aayos ng sarili.

"Nagbubukas ka man lang ba ng bintana? Pati kurtina, di mo hinahawi. Paano sisingaw tong kwarto mo?"

"Malamig  po, Mama," paliwanag ko.

"Eh bakit bukas 'tong electric fan mo kung malamig?!"

Namana ko talaga ang pagiging OA sa Mama ko. Kwarto pa lang to, ah. Malinis talaga kasi sa bahay namin sa probinsya kung saan ako lumaki. As in. Yung malinis na bahay ng kaklase ko, marumi pa iyon kay Mama.

OA lang talaga.

Pero na-miss ko to. Mag-i-isang linggo na sila dito pero minsan, nag-i-init na lang bigla ang mata ko dahil sa presence nila. Last ko silang nakasama ay last Christmas pa. Nakakalungkot na sa twenty-six na sila aalis. Para tuloy ang bilis ng isang linggo.

I spent those days with my family. Kaya di ako nakakabisita sa Cafe at bihira ko ring makita sa Eero.

What the hell, Deeein!

Gosh. Si Vane kasi, kung ano-ano ang tinanim sa utak ko. Eto tuloy.

Wala naman talaga akong... gusto kay -

Shit shit shit shit!

Huwag mong isipin, Dein. Huwag mong isipin.

Wala talaga akong -

Huwag!

Kasi naman eh. Wala talaga.

"Ayusin mo tong kwarto mo, ha! Tupiin mo yang kumot mo at saka ayusin mo yungsapin ng kama mo. Paskong-pasko, eh. Ang ganda mong dalaga tapos..." Dumadaldal pa rin si Mama kahit lumabas na siya ng kwarto. Napailing na lang ako. Di lang dahil sa sinasabi niya kundi dahil na rin sa iniisip ko.

Lately, iniisip ko kung nagkakagusto na nga ako kay... Eero o hindi. Sa totoo lang, kapag nakikita ko siya - nakakausap o nakakasalubong, I... don't feel the typical things na mararamdaman mo kapag may gusto ka sa isang tao.

Pero iniisip ko. Palagi.

What the hell lang talaga.

Marahan kong sinapok ang sarili sa noo.

"Dein, dalian mo dyan. Kakain na!" Rinig kong sabi ni Mama mula sa labas.

"Opo!" sabi ko pabalik. Pinulot ko ang kumot at unan sa paanan.

OPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon