Chapter 13

8 2 0
                                    


Wala pa rin akong natatanggap na update sa Project LucidDream. Simula nang mag-February, tambay na ako sa nag-iisa kong email. Mag-i-isang linggo ko na rin binabawasan ang allowance ko para magpa-load every freaking day para anytime na nasa uni ako ay pwedeng pumasok ang email at makatanggap ako ng notification.

Kahit di ko alam kung makakaya ko nga bang buksan agad ang mensahe kung sakaling dumating na ito.

I mean, paano kung rejected ako? Ano na?

"Kasi puro ka kape. Yan tuloy, nerbyosa ka na." Napasimangot ako dahil sa sinabi ni Vane.

For one week, bihira ako makapag-almusal nang maayos at hanggang kape na lang. Lagi akong nagmamadali at nasa Cafe para tapusin ang school works lalo na at malapit na ang midterm examination. As a breakfast-person, di ako sanay na di kumakain ng kanin sa umaga. Hindi sapat sa akin ang sandwiches o shortcake o fries na pwedeng i-offer ng Cafe. Pwede namang take-out sa restaurant kaso nga lang, wala na akong time para doon.

Isa na ring dagdag ang walang sawang pagpapa- meeting ni Pres. Verena tungkol sa sunod na event ng org after so many months.

Ka-stress. Di nauubusan ng gawain.

Good thing, I know how to handle it. Time management at determination ang kailangan mo.

Confidence na lang talaga ang kailangan kong i-work out. Nagagawa ko lang maging sobrang tapang kapag wala na talaga akong choice, eh. Kung kailan nawawalan ng way, duon pa ako nagkakaroon ng lakas ng loob. Maybe, that is how life really works. Mapaglaro. Unpredictable.

At katulad ng pagiging unpredictible ng buhay, ganun din si Eero.

Mag-i-isang linggo ko na siyang di nakikita.

It's not that I'm complaining or what...

Di lang ako sanay.

Nasaan kaya yun?

Ngayon ko lang din na-realize na wala akong kahit anong contact niya sa phone.

Lame, Dein. Lame.

Huh, as if ako unang hihingi ng phone number niya. I'm a woman. Sa dati pa rin ako sumusunod na dapat ang lalaki ang unang gagawa ng move.

That doesn't mean I want him to make a move to me.

Friends purposes lang. Friends.

I don't know. Maybe, we really don't need it. I don't need it. Yet. Because, his presence was enough for me. Na kahit di kami mag-start ng convo through technology for almost half of the day, walang problema sa akin kasi pagdating ko from school, he was always there.

Was.

Kainis. Nasaan kasi yun?

"Uy! Okay ka lang?" Napalingon ako kay Vane. Nakataas ang kanang kilay niya. "Ang tamlay mo, girl. Suko na?"

I frowned. "Hindi, hindi." May iniisip lang.

"Don't pressure yourself too much. Kung di ka matanggap, you could always try next time."

"Kung may next time."

"Ang nega mo!" Naiinis niyang sabi sa akin. Yup. She don't kinda like negative people. Nahahawa daw kasi siya. Then suddenly, her eyes lit up. "Eto, kapag natanggap ka, ili-libre kita ng lunch for a week. Kapag hindi, then you'll be the one who would treat me. Game?"

"Bakit parang baliktad?"

Bigla siyang tumawa ng malakas. Pinigilan kong hampasin ang braso niya. "That's the twist. Para ma-motivate ka na isiping matatanggap ka. They say if you keep believing, mangyayari yung iniiisip mo."

OPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon