Chapter 19

16 2 0
                                    


/ last chap before the epilogue. /


"Dein, bakit ganyan ang latte art heart mo?" mahinang tanong ni Ate Mavel. Nang tumingin ako espresson'ng ginagawa, muntik akong mapamura.

"Sorry, Ate. Uulitin ko na lang," nakangiwing paumanhin ko. Tumango-tango siya. Itinabi ko ang ginawa at kumuha ng panibagong mug. Matapos ihanda ang kape ay nag-steam ulit ako ng gatas.

Napabuntong-hininga ako.

Pagkatapos mag-steam ay nagsimula na muli ako sa paggawa ng latte art. I'm trying to focus, alright? Kahit purgang-purga na ako sa kagagawa ng pesteng heart shape na 'yan sa espresso. Sana talaga, matapos na 'tong buwan ng February.

Tiis ka na lang ng konti, Dein. Isang linggo na lang 'to.

Mabilis kong natapos ang pinapagawang order sa akin. Habang naghihintay sa utos ni Ate Mavel ay pinagmasdan ko na lang ang mga tao sa loob ng Cafe. Mostly of them were couples, which kinda irritates me, a bit. That I shouldn't feel kasi wala naman silang kasalan kung bakit ako nagkakaganito.

Pesteng feelings na 'yan.

"Di ba may meeting ka pa sa Project Lucid Dream? Ano pang ginagawa mo dito?" tanong ni Vane nang pumasok ako sa loob. Binuksan ko ang locker at kinuha ang cellphone.

I glanced at her. "Pinapalayas mo na ba ako?" Tumawa siya nang malakas. Napatingin tuloy sa amin si Ate Toa. She eyed us curiosingly and I just shook my head, indicating it was nothing important, or some sort.

"Hindi, ah. Kasi, ayaw ko lang na ma-late ka. Di ba ang bait kong kaibigan?" Napa-igtad ako nang bigla niyang sinundot ang tagiliran ko. What the hell. I glared at her para magtigil. Mabuti na lang at tinawag ni Simson.

Bwisit din 'tong dalawang 'yun minsan, eh. Pinagtutulungan ako.

"Sige na, Dein. Pwede ka nang umalis. Ako na ang bahalang sabihin kay Sir Jonathan mo," sigaw ni Ate Toa mula sa dulo. Napanganga ako.

Pinapaalis talaga nila ako.

I checked the time and it was already eleven in the morning. Mamaya pa namang twelve thirty yung meeting - na parang lunch-out ng team dahil sa isang korean barbeque house kami pupunta. Sobrang bongga talaga mag-meeting ng Project Lucid Dream. Palaging may pagkain.

Hindi naman siguro masakit kung maaga akong dumating doon diba?

Dadaan muna ako sa condo bago ako dumeretso doon. Mag-aayos din ako ng kwarto dahil noong isang araw, nag-video call si mama at saktong nasa kwarto ako kaya kitang-kita niya ang kalat sa buong kwarto ko. Nakakahiya. Kababae ko raw tao.

Hindi pa nga ako nakasagot agad nang tanungin ni Kermit kung nasaan si Eero. Paano nga ba ako sasagot kung di ko alam kung anong isasagot? Nakakatawa talaga.

It's been days since that day.

I heard from Sera na hindi itinuloy yung kaso kay Eero. Si Sanjo, yung kaibigan niyang muntik na niyang... yun nga, ang nakiusap sa sarili niyang parents na huwag itong ituloy. Kung siguro nandoon ako, nayakap ko si Sanjo dahil sa tuwa. Kahit di naman niya ako kilala at di ko siya kilala. Kahit naman sa kabila ng away namin ni Eero, masaya pa rin para sa kanya.

Even though he really did shut me down that day.

Isinakbit ko sa magkabilang balikat ang bag pagkababa sa sasakyan. Tumingin ako pataas at ibinaba rin iyon dahil sa silaw. Ginamit kong panangga ang kamay sa araw, sobrang busangot ang mukha ko.

OPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon