Chapter 16

7 2 0
                                    


Nagising ako nang gabi dahil sa gutom. I tucked myself in nothing but several throwpillows. Nakapalibot iyon sa akin habang  yakap-yakap ko ang isa. I remembered it. Hindi ako nakakain ng tanghalian. Nakatulog ako sa sofa dahil sa pagod at kakaiyak.

For a minute, I was just staring at nowhere in particular. May iniisip ako pero di ko alam kung anong iniisip ko - it was that feeling. Nadako ang bigla paningin ko sa plastic na may container sa loob. Basa ang palagid nito - natunaw na ang ice cream. I sighed, knowing that I still need to move and clean my mess.

Pinulot ko ang mga throwpillow na nahulog mula sa sofa. Mainit iyon. Masarap yakapin. It's like I'm asking for something warm - something that can replace the cold feeling inside me. For the first time, inayawan ko ang malamig.

Bakit niya pa ibinigay sa akin yung susi kung wala naman siya dito? Sinasabi niya bang akin na lang 'to? Pero bakit? Hindi na ba siya babalik? Pero nangako siya na babalik siya. 

I don't know. I'm just... tired kahit ayoko - kahit gusto kong intindihin na baka di niya ako kailangan doon kaya di niya magawang sabihin sa akin. Kung sana... kung sana sinabi niya lang kung ano ba talagang problema suguro, siguro hindi ako ganito ngayon.

I'm not mad at him. I'm just... disappointed. I feel worthless.

Gabi na, pero wala pa ring Eero.

Siguro kung bumalik siya, makikita ko ang gulat sa mukha niya pagkakita sa akin. O ang pang-aasar niya dahil di ako nagpaligoy-ligoy pa at mabilis na pinasok ang sarili niyang condo.

Pumunta ako sa kusina at binuksan ang fridge. Nagulat ako dahil halos wala nang laman iyon. My forehead creased. Hindi dahil sa pagtataka, kundi dahil sa biglaang inis na naramdaman ko. Hindi na ba siya nag-go-grocery dahil alam niyang mangyayari ito?

It was a brief realization.

Parang kailan lang ay dinala niya pa ako sa isang date. Parang di siya nagmamadali. Parang walang pupuntahan.

Ang daming tanong na pumapasok sa utak ko. Pero lahat ng iyon ay di ko pinapansin. Huwag muna. Nakakapagod humanap ng sagot. 

Tinanggal ko ang plastic sa tatlong container ng ice cream. Yung isa, wala ng laman kaya itinapon ko sa basurahang katabi lang rin ng fridge. Pagkatapos ay inilagay ko sa freezer and natira pang dalawa.

Muli akong bumuntong-hininga.

Gumawa na lang ako ng sandwich na ang palaman ay scrambled egg. Pinagkasya ko iyon sa sarili ko dahil wala naman ng iba akong maisip na lutuin. Kung sana nandito si Eero, baka may surprise na naman siya sa aking bagong dish na sarili niyang imbento. Pero wala, eh. Kaya eto lang. Mga lima ata ang nakain ko.

Kinuha ko ang dalawang bote ng fresh milk sa fridge at bumalik sa may sofa. Nanuod ako ng tv. I'm just keeping myself busy - keeping myself entertained. Ilang beses kong nilipat sa ibang channel. May nakita akong magandang panuorin. Pero na-bored lang din ako. Inilipat ko na lang ulit. Pero inantok naman ako sa nahanap.

"Eero, pahiram ng laptop-"

Mariin akong napapikit. Wala nga pala siya dito. Kainis. Bwisit. Shit. Tangina.

"Ah, ayoko nang umiyak. Tama na, please?" I whispered, trying to drown my voice using a pillow. Kasi kapag sinasabi ko 'to sa sarili ko, mas maiiyak ako. That's why I never comforted myself before. Doon ko napapagtanto na mag-isa lang ako at walang dumadamay. Mas masakit. Until Eero. Ever since he came in my life, he was always there.

Mabilis akong umiling. Hindi ito tama. Nilipat ko ulit yung channel sa Animal Planet. Saktong tungkol sa mga aso yung palabas. Nakuntento ako doon. Good thing, bihira ang rabbits na pinapakita doon.

OPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon