Chapter 17

17 2 0
                                    


"Kamusta?" Hindi ako makapaniwala. Totoo ba 'to?  "Dein?"

"Bakit? I mean, i-ikaw si... Sandra M?" tanong ko sa kanya. She bit her lips - a very familiar mannerism to me. Palagi niya yung ginagawa kapag guilty. Noong madalas ko pa siyang makasama at makausap.

Nag-iwas siya ng tingin. Napunta iyon sa gilid. Nanatili lang akong nakamasid sa kanya. I don't know what to feel. Dapat ba ako matuwa dahil nakita ko ulit siya? O mainis dahil... dahil kay - dahil si Eero...

"Maupo muna tayo. Sinadya kong i-closed itong-"

"Sera..."

Mabilis ang pangyayari. She paused after she heard me say her name. Then, I just found myself in her arms.

Ate, what I want to call her when she was still the sister-figure of our little group. Ako, si Vane, siya. She's a great writer. Alam ko na yun dati pa. Siya yung tumutulong sa akin na gawin yung mga stories ko. Dati. Siya yung sumasaway sa amin ni Vane kapag tumatambay kami sa labas nang dis-oras ng gabi.

Siya yung ex ni Eer-

Tangina.

Mariin akong napapikit. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari. Saan sila nagkakilala? Paano? Bakit di ko alam?

Wala man lang akong alam - kami ni Vane. Akala ko sa isang publishing company lang siya nagta-trabaho at umalis siya doon noong first year college kami dahil kailangan nilang lumipat na pamilya sa ibang bansa kasi duon nagta-trabaho ang papa niya. Tapos all  along siya pala si Sandra M?

Nakaka-

Huminga ako nang malalim. At isa pa.

"I'm sorry." Mas humigpit ang yakap niya sa akin habang dahan-dahang hinahaplos ang aking buhok. Nanatiling nasa gilid ko lang ang mga braso ko. I was shaking. Too bad. It feels like I got numb and I am not capable of lifting my arms anymore. Mixed emotion. Namamanhi ako. "I'm sorry for not telling you and Vane that I'm back here for good. Hindi ko alam kung papaano. I failed as a sister and a friend. Nagkamali ako, pasensya na."

Huwag muna ngayon. Huwag muna.

"Sera," I called. Kumalas siya ng yakap. She gave me a smile and I did my best to smile back at her. Mahirap. Lalo na at nananatiling gulo pa rin ang mga pangyayari sa utak ko. Di ko mapagtagpi-tagpi. Kaya di ko maintindihan.

Naupo kami sa isang table doon. I unciously roamed my eyes aroudnd pagkaupo namin. Sera called a guy's name, probably referring to the guy na nanonood ng kung ano sa laptop sa harapan niya. Nasa likod siya ng ticket booth ng movie house - parang counter lang din ng coffe shop - at dahil kita ko ang upper body niya, I'm guessing that he was sitting on a high stool. Parang may pagka-bar din ang design ng movie house na ito. Sera asked him to make coffe for the both of us.

"Iced coffee pa rin, right?" tanong ni Sera nan may ngiti sa labi. I smiled and nodded, not knowing what to say. Everything was still hazy for me and I'm quiet glad that she understand it.

We were enveloped by silence for a couple of minutes. Parang katulad ko ay di niya rinalam ang sasabihin. Or she was just waiting for me to say something - to ask anything. She was waiting for me to bring beack my composure after being shocked as hell. Because this revelation - her, being Sandra M, my inspiration, was still a quetion to me.

Three years ago, she suddenly bid goodbye. Then now, here she is, in front of me. As someone I've been looking up onto eversince. Nakakagulat.

Paano pa kaya kapag nalama ko na kung anong nangyayari kay Eero? Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. 

OPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon