"Valentines? Di uso sa akin yan." Natawa kami ni Vane dahil sa sinabi ni Ate Mavel. Parang ang bitter kasi.
Second week of February, wala pa rin yung email. Siguro nga di ako natanggap. Pero kapag ganitong matter and usapan, dapat naman nilang ipaalam sa mga sumali kung anong nangyayari, diba? Porket di natanggap, di na nila ipapaalam.
Ang hirap kayang umasa.
"Eh, kayong dalawa ni Simson, kamusta?" tanong ko na lang kay Vane. Napailing na lang ako nang mamula nang konti ang mga pisngi niya. May itinatago ba tong babaeng to sa akin?
Winagayway niya ang kamay sa harapan ko, trying to avoid the question. "Huwag ako."
"Ang hina naman ni Simson." Napaismid ako. "If he wants to get you, he should make an effort. Hindi naman talagang effort na effort. Ang sa akin lang ay sana ma-notice niya yung obsession mo sa day na to." Because from the day Vane and I met, nasabi na niya sa akin na follower talaga siya ng Valentines. Kahit ano pang sama ng background ng February fourteen.
"Oh, bakit kaya tumatawa?" tanong ko sa kanila habang nakahalukipkip.
"You should tell that to-"
"Shut up." I glared and pointed my finger at her. Imbes na maasar, mas tumawa si Vane. Kainis. "Bakit kasi february fourteen ang valentines. Sana every feb twenty-nine na lang para once in four years lang."
Magsasalita pa sana si Vane nang biglang lumabas si Sir Jonathan. "Mamaya na kayo mag-kwentuhan. Focus on your tasks, ladies," istriktong sabi nito.
Natawa ako nang mahina. Same boss pa rin talaga as usual. And to tell him how thankful I am - and excited - nag-salute ako sa kanya. Gumaya si Vane and we both answered his remarks. "Sir, yes, Sir!"
Napailing na lang si Sir Jonathan. But then he smiled and looked at me. "Welcome back, Dein."
"Thank you, Sir."
Yup. I'm back at Cafe Livres. And we're currently decorating the interior with red hearts. Maagang isinarado ni Sir yung Cafe para makapag-decorate kami. May inipit din kaming mga valentines cards sa mga libro sa loob as a form of thank you. Ang laman mga mensahe na yun, free one order - kahit ano.
Follower din siguro ng valentines si Sir.
Ang totoo, bukas pa yung valentines. Siguradong magugustuhan ng costumers ang inihahanda namin. Syempre, may iba ring hindi. Siguro.
Busy ako sa paglalabay ng tig-ta-tatlong candles sa bawat table nang madapo ang tingin ko kay Vane na sine-set-up ang lights sa may window ng Cafe. She's just staring straight. Nagtaka na lang ako nang pinag-intertwine niya ang mga kamay. After that, she gigled.
What the hell.
"Hoy, Vanessa. Mamaya na ang daydream. Trabaho muna. Para kang tanga dyan." Sarap mabato ng candles, ay. Bumelat lang siya.
Wala si Simson dito dahil may family bonding daw. Nag-excuse kay Sir. It smells fishy pero di ko sinabi kay Vane baka kasi isipin niyang may surprise sa kanya si Simson. Kung meron talaga, edi mabuti.
Ako? I'm just going to wait for the email. Yun ang ka-date ko bukas. Kung di naman dumating, sasamahan ko na lang si Ate Mavel. Baka malungkot siya, eh.
Bandan six pm na kami natapos sa pag-decorate. Nang buksan ni Sir Jonathan yung mga s-in-et up nming lights, napapalakpak kami sa tuwa. Ang ganda kasi! Lalo na kapag gabi. Para lang kaming naghandle sa pag-aayos ng isan romantic dinner.
"Sana may makakuha ng special card na to," sabi ko sa sarili nang nag-last check ako sa mga cards na isiningit namin sa libro. May isa kasi dun na pure service ko lang. Special coffee kumbaga. Ako mismo ang naglagay nun sa paborito kong libro. Hindi naman siya mahirap makita. Sa gitna nga lang ng unang page at pangalawang page ko nilagay para makita agad.
BINABASA MO ANG
OPIA
Historia Cortaopia - n. the ambiguous intensity of looking someone in the eye, which can feel simultaneously invasive and vulnerable--their pupils glittering, bottomless and opaque--as if you were peering through a hole in the door of a house, able to tell that t...