Chapter 8

22 2 0
                                    


Siguro nga totoo na nakakatakot mainis o magalit ang mga taong nasanay ka na palaging nakangiti at pinagpapasensyahan ka. Honestly and fortunately? wala akong kaibigang ganito. But I was wrong kasi meron pala.

Meron na pala.

After a long silence, tumalikod si Eero mula sa akin. Nauna siyang maglakad papunta sa sasakyan niya. Me, being shocked as hell, follewed him without uttering anything. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. Ngayon lang ata ako kinabahan nang ganito sa harap niya.

Hindi ko rin alam kung dahil ba nainis siya sa akin kaya ganito ang takbo ng puso ko, o dahil sa sinabi niyang breathe of fresh air ako at gusto niya akong makasama palagi?

Ha, Dein? May sinabi ba siyang palagi? Para kang tanga!

But goodness, I've never seen him that pissed. Napuno na ata sa akin.

Bakit may ata pa? Napuno na talaga siya.

What the hell lang talaga.

Anong ginawa mo, Dein? Patay ka.

Nakayuko ako at sa paa niya lang nakatingin. Nang makarating sa harapan ng sasakyan, bahagya akong tumingin sa kanya and I found him looking at me, still fucking serious that made my heart pump again na parang tumakbo ako mula sa condo ko hanggang dito.

Unti-unti na nga akong kumakalma tapos bigla na lang may ganung tingin ulit?

Kainis naman.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa totoo lang. I don't know if I should say sorry dito mismo hangga't di pa nagsisimula ang araw naming dalawa, o sa loob na lang ng sasakyan habang bumibeyahe. I would like to choose the latter kaso lang, paano ako papasok sa sasakyan niya eh mas lalo akong nahiya nang dahil sa pagkainis niya sa akin kanina?

"A-ano..." Hindi ko na nasundan ang sinabi ko dahil sa pagbuntong-hininga niya. Malalim iyon - parang hinugot talaga ang lahat ng hangin sa katawan bago ibinuga. Is he done with me? O talagang nago-overreact lang ako?

Napaangat ako ng tingin nang buksan niya ang pinto ng sasakyan na katapat ng front seat. Nakatalikod siya sa akin at nakahawak sa batok. Napaatas ang kilay ko?

Huwag mong sabihing siya ang uupo sa front seat tapos ako yung magda-drive?

Syempre, utak ko lang yun. Nagugulo talaga ang pag-iisip ko kapag di okay ang atmosphere sa paligid ko.

Tapos si Eero pa to.

Hindi talaga ako sanay, shit.

Muling bumuntong-hininga si Eero. This time, I looked at his eyes. It was surprisingly a little bit gentle kaysa sa kaninang bahagyang madilim na sinamahan pa ng magkasalubong na kilay niya. I pursed my lip, trying to find anything to tell him. Para lang gumaan ang atmosphere.

But instead of saying what I about to say, I was taken a bit by his next gesture. Eero put his left hand on top of my head, gently pulling me closer to him while his other hand was still on top of the car's door. Sa sobrang bilis, di ako nakapagsalita.

"'Lika dito," marahan niyang sinabi. Para niya akong pinapatungo and stupid me, ngayon ko lang na-realize na pinapasakay niya ako sa front seat.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Hindi masama sa sikmura ang amoy sa loob. It was fresh and cozy na parang di ito ang first time na nakapasok ako sa sasakyang ito.

It smells like Eero.

OPIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon