Chapter 1: Intro

1.4K 23 16
                                    

NOTE: Finally napublish ko an din tong book. Ang tagal din nastuck sa utak ko yung plot nitong book and here it is! Sobrang excited akong ishare yung story na to sa inyo na sana magustuhan niyo.  Sa mga readers ko mahilig makinig sa mga banda (or into music) itong book yung para sa inyo. Tapos ko ng ifinalize kung ilang chapters lang tong book and I guess around 60 siguro probably. Target kong matapos yung story mid year ng 2019 (I'm hoping hahaha)

Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa inyong lahat na nagclick nitong book para basahin. Fulfillment na yun para sa akin :-)

Simulan na natin yung story!

Book published: October 14, 2018


---------------------------------

A Night with the Front Man

Chapter 1: Intro

Song for this chapter: The Beginning by One Ok Rock

By: ilovemitchietorres

---------------------------------

"Tinanghali ka na ng gising ha."

"Oo nga po eh."

"Napuyat kakareview?"

"Opo may exam po kami."

Nagahahadali akong magsuot ng sapatos. Hindi ko pa kanina makita yung medyas ko eh samantalang kakalaba lang nito. Kulang na nga lang itaob ko lahat ng laman ng drawer kanina.

"Oh hindi ka ba muna kakain?"

"Uh... Hindi na po--"

"Naku hindi pwede yang wala kang kinain. Papasok ka pa naman sa skwela. Tara dito."

Tinignan ko yung oras sa relo ko.

6:26 A.M.

Malalate na ako.

Halos isang oras ang byahe ko mula rito dorm papunta sa campus. Idagdag pa ang traffic dahil rush hour.

"Hindi na po ate--"

"Ay talagang bata ka. O siya sige kung hindi ka talaga mapipilit."

Nginitian ko siya at sinukbit na yung bagpack sa balikat ko.

Palabas na ako ng habulin ako ni ate Gigi na may dalang maliit na paper bag na inabot sa akin.

"O ito. Pandesal na may itlog. Kainin mo na lang sa daan para kahit papaano may laman yang tiyan mo."

"Maraming salamat po ate."

"Ingat ka Kris."

"Mauna na po ako."

Nakalabas na ako ng tuluyan at sinalubong ako ng sikat ng araw. Bumungad yung mga taong naghahadaling maglakad sa daan.

Nilock ko agad yung gate bago ako umalis bitbit yung paper bag na may lamang pagkain.

Hay, buhay ito na naman ako.

Mag-isang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. Malapit lang dito sa amin dahil along the way yung tinitirikan ng dorm kung saan ako nakatira ngayon.

Si ate Gigi yung may ari nung dorm. Byuda na siya at wala ring anak sa tingin ko wala na siyang balak magkapamilya dahil sa kanya na rin mismo nanggaling na hindi na niya nakikita ang sarili niya na may katuwang sa buhay kaya siguro tinuon niya na lang sa aming mga bedspacer yung pagaasikaso.

Sobrang bait niya wala akong masabi. Si ate Gigi na rin ang tumayo kong ate dito sa Baguio lalo na't ako lang mag-isa ang andito ngayon.

Scholar kasi ako at isa ako sa pinalad na makapasa sa entrance exam. Ito na rin yung paraan ko para makatulong kay mama na nasa abroad. Nagtratrabaho kasi siya bilang ofw. Si papa dati siyang sundalo at namatay dahil sa serbisyo. Kami na lang ni mama ang magkatuwang ngayon.

A Night with The FrontmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon