🖤 C H A P T E R • T W E N T Y O N E 🖤
'TREAT ME LIKE A PRINCESSS'
AUTHOR : Christian Ivan Miguel ✨
••••••••
•
Genre : Pop-Fiction • Rom-Com • Teen-Fiction • Educational
Rated : RATED 13+
•
Author's Note
'Lahat ng pangalan , Lugar , o kung ano-ano man ang maba-banggit sa kwentong ito ay pawang hindi kato-tohanan at aksidente lamang. Isa lang 'tong kwento kaya wag ka ma-triggerred bes!'
•••C H A P T E R • T W E N T Y O N E
CONTINUATION~
Makalipas ang apat na araw.
Nagkaroon ng maliit na pagpu-pulong ang boung Unibersidad para banggitin kung sino-sino ang mga napiling departamento na makakasama para sa eksaminado sa eksaminasyon. (Oh diba tagalog na tagalog xD).
Nabanggit ang departamento nila adam na Media Department kasunod din ang departamento nila ivan. At sa department naman nila james na Accounting(s) limited student lang ang mga pinili pero kasama naman si james.
Dahil sa nangyare nung mga nagdaang araw habang isinasagawa ang kanilang Vacation Trip napag-pasyahan ng mga School Officers , Guidance Officers at President ng Boung University na ipatanggal ang tatlong lalake na nagtangka sa buhay ni adam, tinanggalan sila ng pagkakataon para mag-martia sa nalalapit na Pagta-tapos at kasabay nun eh pina-walang bisa na nila ang karapatan para makapag-aral ang mga ito sa ibang eskwelahan.
Tinanong ng mga opisyales ng paaralan kung magsa-sampa si Adamielle Dela Peña ng Kaso para sa mga Estudyante pero hindi na sya nag-reklamo sa halip eh humiling nalang na sana magbago na ang mga ito.
Mabilis tumakbo ang oras sa hapon na iyon, at mabilis din na idinismiss ang meeting para sa lahat ng estudyante ng universidad.
Pinangaralan lang nila ang lahat na
"Walang karapatan ang kahit sino para mag-banta sa buhay ng isang tao. O kutyain kung ano man ang kasarian meron ang mga ito. Dahil kung hindi ka naman perpekto wala kang karapatan para mang maliit ng kapwa mo na nabubuhay din dito sa inaapakan nating MUNDO!"
Adam's POV
'Grabe ang bilis ng araw no'
Ani ko kila suzette at klaire habang inaayos ang gamit ko.'Nako sis lapitin ka talaga ng disgrasya eh no!'
Tugon ni klaire.'Nagkataon lang naman yung mga ganon klaire atyaka hindi naman ginusto ni adam yung mga nangyayare sa kanya.'
Sambit naman ni suzette.'Nako kayo talaga magta-talo pa ba kayo sa simpleng bagay nako huh! Bilisan nyo na iligpit nyo na yung mga dapat iligpit ng maka-uwi na tayong tatlo.'
Ani ko sa kanila. Maga-alas tres narin kase ng hapon at 3 pm talaga uwian namen nung naayos na namin lahat ng mga gamit namin nag-simula na kaming mag-lakad.'WWWWWOOOOOYYYYYYYYYYY!!!'
Nilingon namin kung sino yung sumigaw at napansin namin na si;'Uy james! Ikaw pala bakit tumatakbo ka?'
Ani ni suzette.'*Hinihingal* Uuwi na ba kayo?'
Ani ni james habang naka-yuko at naka-hawak sa tuhod nya.'Ammm oo pauwi na sana kame, ammm bakit ba? Bakit ka tumatakbo?'
Ani ko naman sa kanya at kinuha yung tubigan ko sa bag ko.'Uminom ka muna! Wag ka magpaka-uhaw~
Tugon ko sabay about sa kanya ng dispenser ko.'Hehe salamat adam!'
Sambit nya sabay uminom.'Gusto ko lang sabihin sayo adam na sabay na kayo nila suzette sa auto ko! Para naman di na kayo mapagastos sa pagco-commute!"
Ani ni james habang naka-ngiti pa. Alam mo yung iba yung ningning ng mata nya talaga as in parang may something sa taong to eh.
BINABASA MO ANG
TREAT ME LIKE A PRINCESS - 1 (On Going)
Jugendliteratur"Naniniwala ba kayo sa TADHANA? Kung OO! Kinagagalak ko malaman dahil katulad ni Adamielle Dela Peña o makikilala natin bilang Adam isang taong Parte ng komunidad ng LGBT. Dito natin makikita ang totoong pakiramdam ng inlove at ma-inlove at ipaparam...