CHAPTER ONE

428 25 3
                                    

'TREAT ME LIKE A PRINCESSS'
AUTHOR : Christian Ivan Miguel ✨
••••••••

Genre : Pop-Fiction • Rom-Com • Teen-Fiction • Educational
Rated : RATED 13+

Author's Note
'Lahat ng pangalan , Lugar , o kung ano-ano man ang maba-banggit sa kwentong ito ay pawang hindi kato-tohanan at aksidente lamang. Isa lang 'tong kwento kaya wag ka ma-triggerred bes!'






C H A P T E R • O N E

Nakaupo sa isa bakanteng lote si Adam malapit sa kanilang University habang guma-gawa ng Spoken Word Poetry habang kasama ang dalawa pa nyang kaibigan nasi Suzette at Klaire.

'Tingin nyo mga sis magugustuhan kaya to ni Ivan?' Tanong ni Adam habang naka-titig sa hawak nyang yellow paper.

'Kapag narinig namin at nagustuhan namin siguro magugustuhan din nya' tugon naman ni klaire habang pasimpleng bina-bawasan ang pagkaen ni Adam.

'Sample ka muna Sis kahit ilang linya lang naman' sambit rin ni Suzette.

Pumwesto sa gitna si Adam habang hawak parin nya ang Yellow paper na may poetry na ipaparating nya kay Ivan~

'Ehem okay' Pagha-handa ni Adam para iparinig sa mga kaibigan nya ang ginawa nyang poetry;

••••••
'Madilim ang kalangitan,
Nung una kitang nasilayan,
Nagta-talo ang Hangin at Ulan,
Nung bigla mo kong lapitan.

Pinasilong sa payong isa lang ang kasya,
Ang sabi mo handa kang mabasa,
Napa-ngiti ako at medyo na tulala,
Ito na ba ang senyales na umiibig na?

Sana sa susunod na araw na magkita tayo,
Hindi nalang payong ang ipahiram mo,
Ayos na sakin maski ang iyong puso,
Kase makakaasa kang iingatan ko 'to,

Pero paano? magu-gustuhan mo rin kaya ko,
Alam kong di ka papatol sa kagaya ko,
At kahit kailan di magkakaroon ng ikaw at ako,
Kase LALAKE tayo PAREHO!

Pero naniniwala ako sa tadhana,
Naniniwala ako sa majika,
Na baka bukas makalawa,
Angkinin mo na ko at ituring pang prinsesa.'
••••••

'Maganda~ tugon ng isang boses mula sa likuran ni Adam at agad naman tinignan nilang tatlong magka-kaibigan.

'U-Uyy james ikaw pala' sambit ni Adam na medyo nahihiya.

Trivia : Kaibigan kase ni James si Ivan na Crush na Crush ni Adam simula 1st Year palang.

'Gumawa ka na naman ng Poetry para kay ivan nako last time napansin ko yung binigay mo sa kanya tinapon nya lang eh' nag-iba naman ang itsura ni adam sa narinig nya mula kay james

'Ah ganun ba' pero binasa nya naman diba?' Tanong ni adam

'Hindi eh tinignan nya lang kung kainino galing tapos nung nalaman nyang sayo galing hindi nya na binuksan ewan ko ba bakit ganon si ivan simula nung nalaman nya yung about sayo na~

'Na BAKLA ako, okay lang sanay naman na ako at sinasanay ko na yung sarili ko biruin mo, 1st year pa yon pero look 4th year na tayo pero still, hoping parin ako, o sya amm sige una na ko.' Niligpit na ni adam yung mga gamit nya at agad na bumalik sa Classroom nila.

'Uy james dapat di mo nalang sinabi sa frenny namin yun eh' sambit ni Suzette at tumakbo para sundan si Adam sumunod narin si Klaire at iniwan si james.

'Amm kahit kailan ka talaga adam ang bilis-bilis mong magdamdam' tugon ni james sabay pulot ng poetry na iniwan nalang ni Adam.


Adam's POV

Sumu-sulat ako para ilabas yung nararamdaman ko sa isang tao at habang kaya ko pang sumulat dahil hindi pa nauubos ang tinta ko susulat ako hangang sa isang araw mapakinggan rin ako.

TREAT ME LIKE A PRINCESS - 1 (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon