"KABANATA 22"

8.1K 264 9
                                        


Nagising siyang mabigat ang ulo at kumikirot pa,nasobrahan yata siya nang nainom kagabi kaya sigurado siyang hang over ang tumama sa kanya ngaun.

Babangon na sana siya ngunit napansin niyang iba ang kwartong napasukan niya kagabi.She does'nt mind at all alam niyang ang pinsan ang nagdala nito sa kanya.Siguro andito siya sa kwarto ng binata at hindi na siya inuwi sa bahay nila.

Bumangon na siya ngunit nagulat pa siya na may brasong nakayakap sa tyan niya kaya agad niyang sinipat kung ang pinsan ba ito ngunit iba ito maputi ito at moreno ang pinsan niya.

Kinabahan na siya kung sino man ang kasama niya kagabi na nagdala sa kanya dito.

Kinuha niya ang kamay nito sa tyan niya at dahan-dahan siyang bumaba sa kama nito.Shes thankful at may damit pa siya sa katawan ngunit ang lalaki ay nakahubad ito sa pang itaas.Nakatagilid ang mukha nito at hindi niya masyado namukhaan.

Dali-dali niyang hinanap ang sapatos niya at ang wallét na dala kagabi na kaagad naman niyang nakita sa may lamesitang maliit na naduon sa loob ng kwartong iyun.Kinabahan na siya dahil hindi niya kilala ang taong nakasama niya kagabi paano na lang kung pinagsamanatalahan siya nito wala siyang kaalam-alam.

Hindi na siya lumingon pa ng palabas na sa kwartong iyun,ngunit isang baritonong boses ang nagpanigas sa kanya sa pagpihit ng seradura.

"Where do you think your going?  anang boses.

She knows that voice so much,kaya lalong nanigas ang katawan niya sa tinatayuan niya at hindi niya nagawang ipihit pabukas ang pintuan palabas.Nanginginig ang katawan niya ayaw niyang lingunin ito at makita ang itsura nito.

"Can you stay and let's stalk please? mahinang sabi nito pero malakas pa rin sa pandinig niya.

"No,we dont need to talk anymore were done a long time ago? matigas pa ring sagot niya.

"Then if you dont want to talk,i just only had one question? anito pa."Is he my son?

Lalong siyang pinanigasan ng katawan sa narinig niyang tanong nito.Sinabi na niya dito nuon na hindi ito ang ama ngunit bakit ito na naman ang tinanong sa kanya ngaun.

"No,his not your son? mariin niyang sagot na nakatalikod pa rin dito.

"Liar!

Madiin ang pagkakasabi nito sa kanya.Shes confuse now kung sino ang nagbigay dito ng pahiwatig tungkol sa anak niya.

"Im not! And if you dont believe its up to you,i have to go! salamat sa pagpapatulog mo dito sa akin" sabay bukas niya ng pintuan at naglakad palabas.

"Then if your not,prove it if his not my son? pahabol pa nito sa kanya.

"I dont need to prove im his mother and i know whose the father,just stay away from us thats all" aniya dito sa matigas na paraan gusto na niyang umiyak ngunit pinipigilan niya ayaw niyang makita pa nito na naapektuhan pa rin siya dito.Palabas na siya ng marinig pa niya ang huling sinabi nito.

"I want to have a DNA test with him,and if his my son i will file a case just to get him from you what ever happens" sigaw pa nito.

Kinabahan na siya ng todo alam niyang talo siya pag pinayagan niya itong ipa DNA ang anak niya kasama nito.Malalaman nito ang tinatago niya na ito nga ang ama nito.

Mabilis siyang sumakay ng elevator ng makitang bukas ito,duon pa lang niya pinakawalan ang mga luhang gustong kumawala kanina pa.Kahit anong pilit niyang itago at ipagkaila ang anak niya hindi na yata niya maitatago pa talaga sa ama nito.

Pinahid niya ang mga luha sa mga mata atsaka lumabas ng elevator patungong labas at nag abang ng taxi hindi niya alam kung paano siya napadpad sa lugar ng lalaking iyon at nasaan ang pinsan niya ito ang kasama niya kagabi at ngaun magigising na lang siya na katabi ito sa higaan.

And worse she didnt know what crazy things she did last night while shes drunk,she knows about herself  minsan may mga pinagsasabi siya na hindi niya alam."Dammit' baka may nasabi siya kagabi sa lalaki kaya ganun na lang ang pagpursige nitong ipa DNA test ang anak niya.

Mahahampas niya talaga ang pinsan na iniwan na lang siya basta kagabi sa gagong yun.

Pumara siya ng taxi ng makitang wala itong sakay  at mabilis siyang sumakay ng huminto ito sa harapan niya at sinabi ang lugar ng pupuntahan niya uuwi muna siya ng bahay nila.

Kumikirot pa rin ang ulo niya sa sobrang nainom kagabi,she dont want to get drunk anymore baka next time mapapahamak na siya.Napapasabunot pa siya sa sariling buhok,"shit kung hindi nalang sana siya nag ayang uminom sa pinsan di sana di siya mapadpad sa lugar ng taong yun".

Hindi niya alam ano ang isasagot mamaya sa mga magulang kung bakit hindi siya nakauwi kagabi.At kung saan siya natulog paano niya ipapaliwanag sa mga ito.

Kailangan niyang makausap ang pinsan niya at sabihan itong wag muna sabihin sa mga magulang kailangan niya muna mag isip kung ano ang sasabihin niya sa mga ito.
She needs to talk to him first she dialled his number and immediately someone answered the other line.

"My gosh Thea where have you been? nag aalalang boses nito ang sumalubong sa kanya."I've been looking for you last night sumayaw lang kami ng kasama ko nawala ka na lang bigla ng binalikan kita saan ka ba pumunta?

"Manuelito! Stop",sigaw na niya sa kabilang linya na ikinatigil din nito bigla."Ano ba namroblema na nga ako kung ano ang gagawin ko bakit mo kasi ako iniwan kagabi?".

"Hindi kita iniwan ikaw itong umalis saan kaba nagpunta? hinanap kita dito sa inyo at hindi ka daw umuwi nag alala na sila tita at tito sayo". anito sa kanya na lalong ikinasakit ng ulo niya.

"Sige ako nang bahala mamaya magsabi sa kanila" napatampal na lang tuloy siya sa nuo niya,ano ba naman kasi? Kung hindi sana siya nalasing."bwisit talaga kainis".

"Mam andito na po tayo" untag ng driver sa kanya na hindi niya namalayan nasa harapan na pala siya ng bahay nila nagbayad na siya saka lumabas sa taxi na sinakyan niya.

Pumasok siya kaagad sa loob ng bahay nila at nakitang anduon nga ang pinsan at ang mga magulang niya.

"My God Thea saan kaba nagpunta kagabi" nag aalalang sabi ng ina niya.

Humalik muna siya dito bago sumagot sa ina "mom calm down i was just in a friends house last night"
pagsisinungaling niya dito.

"Why you didnt call us to let us know? Singit ng ama niyang anduon din.

"I was drunk last night dad,and im sorry it wont happen again". niyakap na niya ang mga ito para kumalma na.

"Okey,go to your room now,your son is with her cousin" mamaya pang hapon ibalik ni Pierre ang mga iyon.

Tinalikuran na niya ang mga ito at inirapan ang pinsan na nakatingin lang sa kanya.

Ito ang may kasalanan sa kanya iniwanan siya kagabi kaya napunta siya duon sa lalaking yun.Sumunod ito sa kanya paakyat sa taas patungo sa kwarto niya.Hindi man lang niya naabutan ang anak niya kinuha na pala ng bayaw niya.

"Hoy saan kaba natulog kagabi " pukaw na nito sa kanya.

"Ewan ko sayong bakla ka iniwan mo ako" gigil niyang sabi dito.

"Ikaw nga itong nang iwan kagabi naku wag munang ibahin ang kwento saan kaba talaga kagabi natulog?"pangungulit na nito sa kanya sabay hilata sa kama nilang mag ina.Kaya hinampas niya ito.

"Umalis ka jan sa higaan ko baka madumihan pa yan,lumabas kana at maliligo pa at papasok sa opisina" taboy niya dito.

"Óo na kung ayaw mong sabihin,sabay na tayo antayin kita sa ibaba" sabay labas nito na nakasimangot na.

"Late na siya but she dont mind buti na lang at dina siya inusisa pa ng mga magulang niya alam niya may pagdududa ang mga ito pero wala muna siyang sasabihin sa mga ito sa ngaun.

At hanggat kaya niyang itago na nagkita na sila ng lalaking iyon ay gagawin niya alam niya kasing usisain na siya ng mga ito ng todo pati ang kuya niya.

Hindi na muna niya iisipin ang sinasabi ng lalaking iyon may paraan pa para hindi nito malaman na anak nito ang anak niya..






WAX TYLER BERNSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon