Chapter Six

157 36 0
                                    

Malayo sa inaasahan naming tao ang natunghayan namin nang lumingon kami ni Jade. Nabigla kami ng makita ang grupo nila Flex. Kilala ang grupo nila bilang bully.

Si Flex, ang lider ng grupo, kung makaasta ay parang may-ari ng University dahil bukod sa pagiging Campus Queen, ang Mama niya ay guro samantalang ang Papa niya naman ay Dean ng Ryder.

"Ano ang kailangan mo sa amin Flex?" pagod na tanong ko. Hindi siya o kahit man sa grupo nila ang sadya namin kaya wala akong ganang kausapin sila.

"Simpleng-simple lang naman pagkatapos nito hindi ko na kayo guguluhin." Her voice sounded rest assured. May kinuha siyang papel sa bag niya at inilahad sa harapan namin ni Jade. "Ilagay niyo lang itong answer key sa bag ni Kaye, kung nagtataka kayo kung bakit nasali rito si Kaye ay... Let's just say masyado na siyang sagabal sa mga plano ko!"

"Kung simple lang naman para sa 'yo bakit hindi nalang ikaw o ang mga miyembro mo ang gumawa?" diretsahang puna ni Jade. "Hindi lahat ng tao mapapasunod mo Flex! Crept that on your mind, always!"

I was amazed seeing the fierce Jade. Diniinan niya ang pagkasabi sa mga huling katagang binitiwan niya.

"Well kung ayaw niyo, Eh 'di 'wag!" She returned the papers back in her bag while glaring. I'm just confused why she have those. "Nasaan na pala yung isa pang miyembrong tinutukoy ninyo?"

"Paparating na raw." sagot ng kasamahan niyang babae na puro kolorete ang mukha, ang mga pisngi nito ay parang sinampal nang napakalakas dahil sa sobrang pula.

Namataan ko ang pagbaba ni Rix ng traysikel kaya kumaway ako. I bet she noticed my waved ng mapansing kong dumiretso ito sa kung saan kami ngayon. But to my surprised, hindi siya sa amin nakangiting nakatingin kung hindi sa grupong nasa harap namin ni Jade.

Nawala ang ngiti sa labi niya ng mapansing nasa harapan niya rin kami. Ang kahulugan ba nito, sa oras na nakarating siya rito ay hindi niya napansin ang presensya namin ni Jade?

"Nandito rin pala kayo." ani nito ng may hilaw na ngiti.

I gave her a questionable look.

"That's obvious! Sa amin siya kakampi." pagtataray ng katabi ni Flex. "Lilinawin ko lang pala, simula sa una ay sa amin talaga siya. Isa lang naman siyang espeya sa grupo niyo."

"Pero bakit? Wala namang--" hindi ko natapos ang aking pagsasalita dahil si Flex na mismo ang sumagot sa mga katanungang bumabagabag sa isipan ko.

"Meron. Dahil 'yang kasama mo, isa siya sa dahilan kung bakit nawalay ako't kinamumuhian ng pamilya ko. Siya ang dahilan kung bakit ako pinalayas ng sarili kong magulang." Ramdam ko ang gigil sa tono ng pananalita niya. Dahil sa pagsigaw nito naagaw namin ang atensyon ng ibang tao.

Are they related to each other? Ngayon ko lang napagtanto na mayroon ngang detalye ng kanilang mukha ang magkapareho.

I looked at Rix reaction but she just raised her brows and put her arms crossed on her chest.

Nilingon ko si Jade.

"Totoo ba?" yumuko siya at tumango. "Uuwi na tayo, wala naman pala tayong hihintayin pa."

Nagpaubaya lang siya sa akin ng higitin ko siya palayo. Pagkadating namin sa apartment ay agad ko siyang dinaluhan ng baso ng tubig. Mula sa pagaalis namin magpahanggang sa nakarating na kami rito ay tuloy parin ang pagagos ng mga luha niya.

"Sorry!" pagpapaumanhin nito habang hinahawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.

"Tahan na." Iginiya ko ang kanyang ulo patungo sa aking balikat at marahang hinagod ang kanyang likod.

"Ginawa ko lang naman 'yun para sa ikabubuti niya pero hindi ko alam na baliktad pala ang pagkakaintidi niya." Halos hindi na niya mabigkas ng maayos ang kanyang sinabi dahil sa namayani ang pagiyak niya.

"Wala na tayong magagawa dahil nangyari na. Maari ko bang malaman ang dahilan?" Hindi ko naman gustong ilahad palapit ang ilong ko sa problema nilang dalawa pero kasi kapag bubuo ako ng konklusyon kailangan alam ko ang magkabilang panig. "Pero iyan kung papayag ka. Rerespetuhin ko parin ang desisyon mo."

"Naalala mo pa ba yung Grade 10 palang tayo mga August 'yun. Nakita ko siyang may kasamang lalaki dahil nga curious ako sinundan ko sila," she took a sip on the glass before continuing. "And you know what I've found out? Sa lodging house ang punta nila. And the question is may bahay naman kami bakit pa siya pupunta roon? Minsan napapansin kong hating-gabi na siya nakakauwi ng bahay kaya noong nag-away kami hindi napigilan ng bibig ko. Ang hindi ko alam nandoon pala si Mama sa tapat ng pintuan ng kwarto."

I remained mute listening on her story.

"Papa already hypothised an idea na iyong kasama niya ay kanyang nobyo. And we both made a promise na hindi muna kami papasok in that stage pero nga she broke her promise. Mahigpit talaga sa amin si Papa kaya pinakausapan ko si Mama na huwag isabi iyon pero walang silbi dahil sinabi niya parin ito."

"I really thought Flex was living like a princess but after knowing her state, I feel pity." Jade pouted as I uttered that in front of her. "Don't misinterpret it. Hindi naman sa umayon ako na nagkamali ka nga pero napagtanto ko lang ang dahilan kung bakit siya naging siya na ngayon. May dahilan nga ang pagiging bully niya."

"I tried to make an apology to her pero palagi niyang binalewala ang presensya ko kaya hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik ang dati naming magkapatid na turingan." she told looking downcast.

"Matanong ko lang ulit, saan na pala siya tumutuloy ngayon?"

"Sa Auntie kong Chef." she was fiddling her fingers.

I nod. Ang pag-uusap namin tungkol sa kanilang dalawa ng kapatid niya ay nagtatapos na doon. Sapat na iyon para sa akin na malaman ang banda niya. Agad ring humuha ang mabigat na hanging bumabalot sa pagitan naming dalawa.

Kinagabihan ay bumalik na kami sa dati naming ginagawa at umasta na parang walang nangyaring masama kaninang umaga. Ang mga natitira naming oras ay pareho naming iginugol sa panonood ng anime.

"Good night!" I uttered before I closed her room door.

Not Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon