I shook my head. Kakababa ko pa nga lang ng traysikel, sasakay na naman ulit ako. Bakit ba ang daming nangyari sa araw na to? It was too hard to swallow.
I called Jade when Manong Driver started the engine of his tricycle. Sa pangatlong dial ko ay nasagot na niya ito.
"Bakit?" bungad niyang tanong sa akin.
"Nasa apartment mo ka ba ngayon?" The whole part of me wish she was. It was the only choices left in me dahil malayo ang bahay nina Rix at Diana, masyado ng delikado dahil palalim na ang gabi.
"Oo, bakit?" Her voice was sound confused. A sigh of relief exhausted out.
"Pwede bang hintayin mo ako diyan?" pakiusap ko sa kanya.
"Bakit?" Magkahalong naguguluhan at nagaalala ang bumahid sa kanyang tono ng tanungin niya iyon sa akin.
"Ikwekwento ko nalang sayo pagdating ko riyan." I articulated surrely. "Teka, kumusta kana pala?"
I managed to change the topic para maibsan ang bigat na nararamdaman ko.
"Ito parang napapraning na. Ay teka, praning na talaga! Pakiramdam ko nga parang may nagmamasid sa akin. Nakakatakot!" Kahit nakakadurog man ang nangyari sa akin ay nagawa ko paring matawa sa kwento niya.
"Praning ka nga talaga." natatawa kong saad.
"Eh! Sino ba ang hindi matatakot kanina! Akala ko hindi totoo ang mga multo, naninibago na ako. Eh ikaw?" balik niyang tanong. "Kamusta ang puso mo, parang gusto mo nang lumipad kanina sa takot!"
"Medyo maayos-ayos na ngayon, pero kanina sobrang sikip ng puso ko at hindi ako nakahinga ng maayos atsaka nadagdagan pa kanina pagdating ko ng bahay." I bit my lower lip forcely when I noticed what I just said.
"Bakit anong nangyari sa iyo sinaktan ka ba ulit ng Mama mo? Kaya ba pupunta ka rito?" sunod-sunod niyang tanong. "Sumusobra na siya, ireport mo na kaya yan."
I shook my head.
"Huwag na at saka hindi naman ako sinaktan," Hindi ko na naman napigilan ang mga luha ko. "Nahihirapan narin siguro siya sa akin sa dinami dami nang perang nabawas ko para sa project at tuition fee natin."
"Natural lang naman na may bahagi ka sa pera niya dahil anak ka niya, for God sake Ellise!" giit niya.
"Sige na mamaya nalang ko ito itutuloy pagdating ko riyan." Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya agad ko na itong ibinaba.
Sa kalagitnaan ng pagiyak napatigil ako ng may puting panyo ang inilahad sa harapan ko. Nilingon ko ito ng may pagtataka ngunit binigyan niya lanang ako ng simpleng ngiti. Nakalahad parin ang panyo kaya tinanggap ko nalang ito.
"Salamat!" I said gratefully in between wiping my tears.
"Saan ka nga bababa?" Napatigil ako ng mapagtantong may kapareho siya ng boses. "Mukhang napaaga yata ang bakasyon mo,"
Ng hindi ko siya sinagot pinagpatuloy niya ang kanyang pagsasalita.
"Alam mo ganyan rin ako noon minsan ko naring nilayasan ang pamilya ko sa mababaw lang na dahilan."
I gulped. We were never be the same. Oo, magkapareho kaming napaalis sa aming itinuring na tahanan pero magkaiba ang aming dahilan.
"Hindi ko kasi nagustuhan ang pagtrato sa akin ni papa kung makaasta kasi siya parang ampon lang ako mas pinaprioritize niya ang kapatid ko pero narealize ko kung bakit, may sakit kasi ang kapatid ko Stage 4 na ang cancer niya. Nanghinayang nga ako ni hindi nga ako nakahingi ng tawad sa kanya.'' He told in a sad tone.
I nodded.
"Lilipas rin iyang problemang dinadala mo at magkakaayos rin kayo ng pamilya mo." He cheered strongly.
"Dito nalang ho, Manong." Pagpipigil ko kay manong driver ng makarating na ako sa daraanan patungong apartment ni Jade. "Una na ako sa iyo!"
"Teka!" I stopped when he called me. "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
Napangiti ako sa huling tanong niya.
"Ellise." pagkatapos kung sabihin iyon ay umandar na paalis ang traysikel. He waved at me, so am I. Medyo gumaan rin ang pakiramdam ko sa huling salitang sinabi niya.
"Lilipas rin yang problemang dinadala mo at magkakaayos rin kayo ng pamilya mo."
I let a deep sigh and started to carry my things.
Sa pangatlong katok ko binuksan na niya ito. Tinulungan niya akong buhatin ang mga dala ko. Hindi pa nga ako nakaupo gusto na niyang malaman ang mga nangyari kanina sa bahay. Wala naman din naman akong magawa dahil alam kong hindi siya titigil sa pangungulit sa akin.
"
Grabe talaga 'yang mama mo no? Walang patawad!" galit niyang utas pagkatapos niyang marinig lahat.
"Sino si Jake?" My forehead knit.
Agad akong napalingon sa kanya ng makitang pinakealaman niya ang panyong ibinigay sa akin kanina. Pinahid ko ang mga luhang tumulo at mabilis na dinampot ito sa kanya. "Ay pinagdadamot? Paano na 'yan kahit panyo pinagdadamot mo na, boyfriend mo ba?""Tumigil ka nga nakikiliti ako, atsaka hindi ko siya boyfriend nakilala ko lang siya kanina sa traysikel." Sa wakas at tumigil na siya sa pangingiliti sa akin.
"Weh?" She responded still not agreeing. "Baka naman bukas o makalawa malalaman nalang namin na boyfriend mo na yang Jake na 'yan."
"Imposibleng mangyari yan. Ni hindi ko nga alam kung Jake ba talaga ang pangalan niya." paliwanag ko. I smirk. Why am I even explaining this matter to her? This is too far from the reason of why I am here.
"Pasensya ka na talaga wala na kasi akong ibang malalapitan, kung sa kanilang Diana o kay Rix naman ako ay tiyak na male-late ako palagi. Napakalayo pa naman sa kanila." Buong puso kong pagpapaumanhin sa pagaabala.
"Ano kaba! Wala 'yon, parang kapatid na rin ang turing ko sa inyo." Lumapit siya at ginulo ang buhok ko. "Halika na kumain na tayo!"
"Pasensya na talaga--ARAY!" Hindi ko na tapos ang sa sabihin ko nang binatukan niya ako.
"Nanggigigil na talaga ko sayo, sabi ng ayos lang. Ang tigas ng ulo." mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko. She shook her head at pinanliitan ako ng tingin. Ngumiti ako at dahan-dahang lumapit at yumakap sa kanya.
Days passed and I can easily adjusted my routine in my new life. Maayos rin ang pananatili ko sa apartment pero may bahid na lungkot dahil hindi na nagpaparamdam si Papa simula ng umalis ako ng bahay. Pilit kong tinatawagan ang numerong ibinigay niya pero cannot be reach palagi.
"Wala pa rin ba?" tanong sa akin ni Jade ng hindi parin sinasagot ni Rix ang tawag ko. Umiling ako, mahigit isang oras narin namin siyang inaantay dito sa Plaza, pag-uusapan sana namin ang planong paghahanda at pagsusurpresa kay Diana sa kanyang kaarawan bukas. "Nasaan na ba siya? Nilalanggam na ako dito."
"Baka papunta na siguro." I hypothesized. "Alam mo namang tulog mantika iyon kagaya mo."
"Grabe ka naman 'di ba pwedeng pagod lang ako kaya matagal akong nakabangon." pagtatanggol niya sa kanyang sarili.
"Kahit hindi ka puyat ang tagal mo paring gumising kaya nga palagi kang late!" I raised my brows.
"Oo na ako na 'tong matagal gumising. Masaya kana?" inis na pagaamin niya.
"Well.. Well.. Well!" Magkasabay kaming napalingon sa aming likuran.
BINABASA MO ANG
Not Enough (COMPLETED)
Novela JuvenilEllise Alamzan, a perspicacious and simple girl. Been living for sixteenth years, but still longing for a mother's love. She can't decipher what is erroneous with her because she always gave all her best to be a good-daughter. Despite of mother's im...