Napanatag ang loob ko ng hindi na komontra pa si Kyle sa desisyon ko. Naintindihan niya, pero sa kabilang banda ay nabahala siya sa magiging kaligtasan ko na siyang ipinangako kong walang masamang mangyayari sa akin.
Sampung minuto akong naging maaga sa pinag-usapang oras ngunit ang mga kamay ko ay basa na dahil sa kaba. Para maibsan ito ng kahit kaunti man lang ay nilibot ko muna ang plaza. Nang may nakita akong naglalako ng ice cream kumalam bigla ang tiyan ko.
"Kuya, pabili!" habol ko sa tindero. "Yung tag- ten po sana."
Pagkatapos niya itong ibinigay sa akin ay bumalik na ako sa bench na inuupuan ko sana kanina kaso napaismid ako ng makitang inuukupahan na ito ng magjowang kasing tamis nitong dala kong ice cream. Dahil kaunti lang ang bench ng plaza at lahat ng ito ay okupado na napagpasyahan ko nalang umupo sa ilalim ng malaking puno ng akasya.
“We've met again—Shit!” Dahil sa gulat ng biglaan niyang pagsulpot ay aksidente kong naitapon sa damit niya ang kinakain kong ice cream. Napakagat labi ako sa malutong niyang mura.
Saan ko ba nakita ang mukhang ito 'ni pati ang pagmumura ay pamilyar rin sa akin?
"Sorry talaga!" I sincerely apologieses buti nalang at may dala akong panyo. “Nanggugulat ka kasi ayan tuloy,"
"Are you feel sorry ba talaga o nangsisisi?" he grinned.
"Pasensya ka na talaga. Hindi ko sinasadya!" pagpapaumanhin ko.
"Bakit ka pala napadpad dito?" Pagiiba niya ng topic ng matapos niyang punasan ang kanyang damit.
"May hinihintay lang," maikli kong sagot.
"Jowa?" Nakangising tugon niya. I smirked. Anong klaseng tugon iyan?
"Hindi naman. Ikaw bakit ka nandito?" balik ko ring tanong sa kanya. He seems bothered habang nasa malayo ang tan
"May pinababantayan lang sa akin si Papa saglit." Tumango ako sa seryoso niyang sagot.
"Ano nga ulit ang pangalan mo? Nakalimutan ko kasi." Isang hilaw na tawa ang naigawad ko ng bumusangot ang mukha niya sa tanong ko.
"Jake. Jake Despojo," Isang matamis na ngiti ang nakita ko habang nakalahad ang kamay niya sa ere. "Can we be friends?"
That's why he's very familiar, bukod sa siya ang nagbigay sa akin ng panyo at puting rosas, siya rin iyong tinitilian ng mga babae noong founders day.
Tinanggap ko ang kamay niya. "Sure! Friends."
Awkwardness filled in between. The situation can really made me knit my forehead, ganoon lang iyon?
"Bakit pala ako ang binigyan mo ng bulaklak noong founders?" usisang tanong ko para pambasag sana ng katahimikan ngunit mas lalo lang itong ikinatatahimik niya.
"Mauuna na muna ako sa iyo." tumayo siya at pinagpagan ang soot nitong short atsaka umalis ng hindi man lang ako nilingon.
Mas lalo pa itong nagpakunot ng noo ko. May nasabi ba akong mali?
I was alone again.
Nilibot ko ng tingin ang plaza mula rito sa aking inuupuan ng may nahagip akong isang pamilyar na lalaking nakatingin sa akin. Tumulo ang luha ko. Agad akong tumayo at patakbong pinuntahan ang lugar kung saan siya nakatayo.
Papa!
Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Namiss kita Papa! Sobra!" My voice broke. "Saan ka po ba galing? Bakit hindi mo ako binalikan?"
There's nothing can compare the feelings I've felt in the arms of Papa.
"Shh. Tahan na nandito na ulit ako hindi na ako mawawala," hinagod niya ang likuran ko. "Kumusta ka na? Ang mama mo? Si Haze? Nagmamaktol parin ba kahit wala ako?
Mas lalo pang bumuhos ang luha ko sa sunod sunod nitong tanong. Saan ba talaga siya nagpunta? Bakit hindi niya alam ang nangyari sa akin at sa pamilya namin simula noong umalis siya. Iginaya niya akong umupo.
"P-Papa," garalgal na sabi ko.
"Bakit?" Kita ko sa mata niya ang pag-aalala. "May nangyari ba, Ellise?"
"P-Papa," Paano ko ba ito sisimulan? Binigyan niya ako ng isang bottled water. "Papa kasi. Kasi po, hindi na po ako tumutuloy sa bahay natin—"
"Ano?" Nagulat ako sa pagsigaw ni Papa. "Bakit? Dahil ba naman sa Mama mo?''
"Hindi po." Gustuhin ko mang sabihin ang totoo pero hindi ko kayang makita ulit silang nag-aaway. Mas lalo lang masisira ang pamilya namin. Gusto ko na ulit maranasan ang magkaroon ng kompleto at masayang pamilya. "Ako po. Ako po ang kusang umalis sa atin Papa."
"Bakit?" naguguluhan tanong niya. Dahil alam kong hindi niya lubos maisip ang ginawa ko. I shook my head. "Huwag mo muna akong kausapin. Hindi ko gustong magtampo sa iyo, anak pero hindi naman yata makatwiran ang ginawa mo."
"Halos lahat nalang ng tao ayaw sa akin. Hindi ba't sabi mo hindi mo na ako iiwan? Pati ba naman ikaw Papa? Akala ko maiintindihan mo ako dahil ikaw nalang ang pag-asa ko." Nadurog ng buo ang puso ko ng makita siya umalis na parang hindi niya narinig ang sinabi ko.
Akala ko maiintindihan niya ako. Pero kabaliktaran pala ng iniisip ko ang magiging reaksyon niya. I was stunned ng may panyo along nakita sa harapan ko. Gayon na lamang ang bilis ng tibok ng puso ko ng pag-angat ko ay nagtama ang mata naming dalawa.
"Tahan na." Tinanggap ko ang panyo at doon ibinuhos ang mga luha ko hanggang sa tumigil ito. Isang mainit na yakap ang nagpakalma sa akin.
"Ganyan na ba talaga ako ka walang silbi? Bakit ayaw nila sa akin?"
"Shhh." patahan niya sakin. "Nandito pa naman kami para pantayan ang pagmamahal na kinulang sila."
His words melted my heart.
"S-Salamat!" Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya dahil bigla na lamang akong nakaramdam ng hiya.
Hinawakan niya ang baba ko para maiharap ang mukha ko sa kanya. Ikinabigla ko ng kunin niya ang panyo sa kamay ko at siya ang pumunas ng mga luhang lumandas sa pisngi ko.
"May alam akong lugar para mawala ang lungkot mo!" Hindi pa ako nakarecover ng hilain niya ako papunta sa kung saan.
The world seems stops rotating when I saw him smile. His grip was tight as if he was afraid I may be lost. Huminto siya sa kakahila sa akin ng nasa harap na kami ng SM.
"Manonood tayo ng sine!" he seems read my mind.
"T-Tayong dalawa lang?" I gulped. Hindi niya ako singaot bagkus ay pumila siya para makabili ng ticket at popcorn. The lane wasn't that long kaya mabilis lamang siyang nakabalik.
I stopped staring at him on his face.
"Oo, tayong dalawa lang!" he winked at me and beam genuinely. "Dahil tayong dalawa lang ang may alam sa nangyari."
"So, this is the feeling seeing the well-known ice man smiled and held your hand gently." I whispered.
BINABASA MO ANG
Not Enough (COMPLETED)
Teen FictionEllise Alamzan, a perspicacious and simple girl. Been living for sixteenth years, but still longing for a mother's love. She can't decipher what is erroneous with her because she always gave all her best to be a good-daughter. Despite of mother's im...