Hindi ko lubos na maisip kung bakit ito nangyari sa akin. Sunod-sunod na ang kamalasang nangyari sa akin at sa pamilya ko, sunod-sunod na rin ang pagkakahimatay ko. Pagkagising ko puting kisame na ang unang bumungad sa akin. Doon ko na napansin na hindi na clinic ang binagsakan ko kung hindi ay hospital na.
Nagkagulo ang mga tao roon ng makitang gising na ako. Una kong napansin si Papa na parang nabunutan ng napakalaking tinik ng makitang gising na ako, katabi niya ay naroon si Jake sa gilid ko naroon naman si Hazel na puyat na puyat ang mga mata pero nakakapagtataka ay wala si Mama.
"Nasaan si Mama?" tanong ko kay Hazel. Hindi niya ako nasagot dahil dumating ang doktor.
Walang nagsalita sa kanila ng sinuri ako ng doktor. "Makakalabas na po ba ako, Doc?" tila nabigla siya sa tanong ko.
"I'm sorry Ms. Almazan pero kailangan pa naming suriin ang iyong katawan. Kailangan mo pang magpa-chemo. Pagsuccessful ang result saka ka pa makakalabas ng Hospital." inayos niya ang kanyang mga gamit tsaka lumabas ng kwarto.
Isa-isa nila akong niyakap na nagpagulo sa isipan ko.
"Salamat at dininig ng panginoon ang dalangin natin." mahinang bulong ni Papa.
"Nasaan si Mama?" tanong ko ulit.
Alinlangan kong natanaw ang mukha ni Hazel pero tiyak na napilit ko ito gamit lamang ang nangungusap kong mga mata dahil nagsalita rin ito kalaunan.
"A-Ate!" I feel light hearing her acknowledging me as her older sister. “I-I'm sorry!"
I knit my forehead. Anong kahulugan ng paghihingi niya ng tawad?
“Ate, wala na si Mama,” she looked away wiping her tears.
Kung hindi lang ako nakahiga kanina pa siguro ako naupo sa sahig. "Anong ibig mong sabihin? Kanina mo pa nga lang ako tinawagan na isinugod si Mama ng hospital,"
Napangiwi siya. "A-Ate kasi matagal ng wala si Mama." humagulhol ito sa tabi ko.
"Anong pinagsasabi mo? Pakiklaro nga hindi ko maintindihan." pag-uudyok ko sa kanya dahil masyado ng malabo ang kanyang mga pinagsasabi.
"Matagal na tayong iniwan ni Mama, Ate. Magdadalawang-taon na simula ng lisanin niya ang mundo natin.” Nanghina ang katawan ko pero pinilit kung papatagin ang aking loob. "And you've been comatose for almost two years, ate,"
Hindi ko mapigilang hindi mapabangon sa aking hinihigaan. Ngayon ko lang rin napansin ang dextrous sa aking kamay. Namumuti na ang aking balat at namamagas narin ang aking mga buhok.
"Kaya masaya kaming nagising ka, anak." matamis na saad ni papa habang hinahaplos ang aking buhok. "Alam mo ba araw-araw kang dinadalaw ng mga kaibigan mo nangungumusta sa iyo. Ipinagdarasal ka rin nila na sana gumaling ka."
I perceive seeing how cried like that in front of me. Of all these years I've always been looking up to him but neither of those saw him cry this way.
"Patawarin mo ako sa nagawa ko sa 'yo, anak," Isa-isang naglandas ang mga luha ko. "Alam kong nahihirapan ka noong mga panahong iniwan kita sa mama mo. P-Patawarin mo ako!"
Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa mukha ni Papa at niyakap ng mahigpit. "Matagal na kitang pinatawad, Papa. Ano po ba ang sakit ko papa?"
Rinig ko ang malalim na buntong-hininga ng lahat sa tanong ko. Papa shook his head.
“Papa.”
It takes a minutes para mapapayag ko siya.
"Gusto mo ba talagang malaman?" tumango ako. "B-brain cancer, anak,"
BINABASA MO ANG
Not Enough (COMPLETED)
Dla nastolatkówEllise Alamzan, a perspicacious and simple girl. Been living for sixteenth years, but still longing for a mother's love. She can't decipher what is erroneous with her because she always gave all her best to be a good-daughter. Despite of mother's im...