Today is Saturday. Mamayang hapon na ang card day namin. Kasalukuyan pa akong naglalaba ng mga labahan na naipon sa isang linggo. Nagugutom na ako kaya lang hindi pa naluluto ang sinaing ko. Rinig ko na ang sigaw ng aking mga bituka. Wala rito sina Mama at Haze, pumunta silang bayan para mamasyal dahil kakadweldo lang ni Mama kahapon. It takes 45 minutes to travel to the city.
I am two years older than Haze. She was 15 while I'm 17. Alas dose na ng matapos ko ang paglalaba, tapos na rin akong kumain pero hindi pa dumadating sina Mama.
"Mamaya ka nalang magpalit. Hintayin mo muna sila ng kaunti pang oras." pag-uudyok ko sa aking sarili.
Inilibang ko muna ang aking sarili habang hinihintay silang makauwi. I opened our stereo and started finding dirt in our house.
A few minutes have passed, still waiting for nothing. Napagpasyahan ko nalang magpalit ng damit at mauna nalang. Baka mahuli pa ako.
Siguro'y umayon sa akin ang oras dahil nakaabot pa ako. Kakatapos lang ng introduction number ng Grade 10 students at susunod na kami.
"Ellise!" tawag sa akin ni Jade sa kalagitnaan ng paghahanap ko ng mauupuan, kasama niya ang iba pa naming kaibigan.
"Kumusta!" may angas na bati sa akin ni Diana ng tuluyan na akong nakalapit sa kanila. Napangiti ako ng tinirahan nila ako ng upuan.
"Grabe siya! Nagkita pa nga tayo kahapon, kung makaasta ka diyan ay parang lumuwas ako ng bansa."
"Hindi ba pwedeng kumustahin ka?" pangangatwira niya.
Pinalambot ko ang ekspresyon ng aking mukha at malambing siyang niyakap. "Pasensya na! Maayos lang ako."
Kagat-kagat namin ang aming mga pang-ibabang labi ng magtama ang aming mga mata. Pati sa kagaguhan ng ito ay nahawa na ako.
"Yung crush mong si Kyle nilalandi ng karibal mong si Kaye," bulong sa akin ni Rix. Lumingon ako kung saan nakatuon ang mga mata niya. She's right, they seated beside with each other. He was busy talking with his friend.
"Tsk." May kung anong hapdi ang dumaan sa aking dibdib. "Hayaan mo na. Hindi naman tayo nandito para tingnan silang dalawa."
Napatango siya at magkasabay naming ibinalik ang tuon sa harapan.
"With highest honor, Ellise Almazan!" the crowed clapped ng sinimulan ng tawagin ng MC ang mga pangalang nakasali sa honor roll.
Tumungo na ako ng stage ng mapansing mas nauna pa silang umakyat kaysa sa akin. Sila pa ang tumanggap ng certifacate. Nakipagkamayan pa sila sa principal namin. Tumingin sila sa gawi ko at ngumisi.
We both smile when the camera captured us. Aksidente kong namataan si Kyle, nabigla ako ng magtama ang mga mata naming dalawa. And what I am expecting, my heart tumbled loudly kahit na wala akong nakitang emosyon sa mga mata niya. Ibinalik ko nalang ang aking tingin sa mga kaibigan ko.
Wala ba talaga siyang balak na matuto ng may emosyon. My emotionless crush. Tsk.
Bumalik rin kami sa stage ng tinawag na sunod-sunod ang kanilang mga pangalan.
"With honors, Jade Amistoso,"
"With honors, Diana Travis,"
"With honors, Rix Wright."
Pagkatapos ibigay ang mga card namin ay nagsiuwian na rin kami.
"Bye, Ellise." pagpapaalam ni Diana.
"Hindi kaba talaga pupunta sa amin, may kaunting salo-salo roon?" tanong sa akin ni Jade.
"Hindi na. Salamat nalang! At saka may gagawin pa ako sa amin," kumaway ako sa kanila. "Paalam sa inyo! Ingat kayo!"
Pagdating ko sa amin naabutan ko si Mamang nagwawalis samantalang si Haze ay nakadekwatrong nakaupo habang nagcecelphone. Kahit minsan talaga, hindi siya nakaramdam ng hiya.
Nagmano ako kay Mama at hindi na nagabalang ipaalam sa kanya sa nakamit kong karangalan sa paaralan.
Dumiretso ako sa kwarto ko at inilagay sa envelope ang certificate. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang kakaibang saya na namayani sa sarili ni Haze.
"Alam mo, Ellise ang sarap ng kain namin kanina ni Mama sa Jollibee!" pag-uulat niya. Napangiti ako. Kahit na ganyan ang itinatawag niya sa akin, kahit pa man na wala siyang asal sa akin ay masaya parin ako na nakita siyang nagdiwang sa saya. Noon pa man ay pinapangaralan ko na siyang tawagin akong ate ngunit ang tanging tugon niya lang ay...
"Nasanay na nga akong tawagin ka sa pangalan mo at ang arte rin naman pakinggan kung tatawagin kitang Ate."
Mahirap siyang turuan ng mga mabubuting asal.
"Binilhan rin ako ni Mama nito!"
Ngumiti ako ng ipinakita niya sa akin ang bagong biling pocket wifi."Pa-conect minsan, Haze." I joked but she smirked irratatedly on me.
"Bahala ka! Bumili ka nang sayo." Bumelat siya sa akin bago umalis.
Nanatili ako sa kwarto nang ilang minuto. Nagmumumuni-muni hanggang sa nakatulog ako.
Napabalikwas ako ng bangon ng maramdamang may malamig na bagay ang tumtama sa aking mukha.
"Bumangon ka na dyan, kakain na. Kanina pa kita ginigising senyora." Naiinis na asik ni Mama. I saw her rolled her eyes. Nauna na siyang lumabas ng kwarto dala-dala ang tabo na may lamang tubig.
Pwede naman akong gisingin gamit ang pangalan ko ah? Bakit may tubig pa?
Walang nagsasalita sa amin sa hapag-kainan. Tanging ingay lang ng kubyertos ang namayani sa pagitan naming tatlo.
Kung ganito lang sana kami araw-araw, yung walang away na mangyayari, masaya na sana ako. Yung kahit hindi na kami mag-uusap ng mahaba basta tahimik lang ay payapa na ako. Kaso imposible na yung mangyari.
Patapos na ako sa pagkain ng magsalita si Haze.
"Ma, bilhan mo naman ako ng phone case, yung pareho kay Amanda. Ang ganda non eh," pagbabasag niya sa katahimikan.
Tumango lang si Mama at ipinagpatuloy ang pagkain. Niligpit ko na ang pinag-kainan ko. Pagkatapos kung hugasan iyon ay bumalik na ako ng kwarto.
Dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok nagpasyahan ko munang manood muna anime sa laptop ko.
Ore Monogatari
Ang gwapo kasi dito ni Takeo Guada.
He is intimadating and scary but he truly has a heart of gold. He may be completely different than the usual shoujo boys but he is kinder and more romantic.
Nagiging adik na ako sa mga ito. Ang ganda rin kasi ng mga storya nila.
"Matulog ka na!"
BINABASA MO ANG
Not Enough (COMPLETED)
أدب المراهقينEllise Alamzan, a perspicacious and simple girl. Been living for sixteenth years, but still longing for a mother's love. She can't decipher what is erroneous with her because she always gave all her best to be a good-daughter. Despite of mother's im...