Chapter Nine

119 36 1
                                    

The founders week continues. Sa mga mata pa lamang nila ay masasabi kong masaya ang kanilang pakiramdam. Everyone worked hard para maging maayos ang kalabasan ng linggong ito. And the outcome was nice and beautiful indeed.

Nagulat ako ng may naghahanap sa akin habang nagkatuwaan kaming magkaibigan sa loob ng classroom. Nakakunot ang noo ko habang papalapit sa pintuan.

"Bakit po?" tanong ko sa lalakeng nakatayo na siyang naghahanap sa akin. I was shocked when he didn't answer me instead he held the handkerchief gently through my eyes.

Where are we going?

Bago kami nagsimulang lumakad ay iginiya niya ang kamay ko sa kanyang braso para makakapit doon.

Hindi naman siguro ito pakulo nila Flex, right? Dahil nakita kong nakangisi ang dalawa kanina bago pa dumilim ang paningin ko. Pag-ito talaga ay pakana ng dalawa, malalagot talaga sila sa akin mamaya.

Makalipas ang ilang minuto simula ng huminto kami ay naramdaman kong may tumabi na sa akin, huli na para tumakbo pa ako. Mabagal na ang lakad namin papasok sa isang room every steps hinto ng mga 3 seconds hanggang sa naramdaman kong umikot na nga kami.

Nagsimula na ang kantang Your love ni Juris kasabay nito ay ang paglagay ng kamay niya sa beywang ko habang ang kamay ko naman ay nasa balikat niya. He held his hand on my waist gently and softly.

It was my first dance. First experience blindfolded. Kahit na may piring ako ay ramdam ko ang komportable sa mga bisig niya.

Nang tinanggal na ang piring sa mata ko biglang bumilis ang tibok ng aking puso ng makita kong sino ang nasa harapan ko, kahit malabo pa ang paningin ko ay klarong-klaro ko naman ang maamong mukha niya mula sa kanyang mapang-akit na mata, sa kanyang matangos na ilong hanggang sa kanyang pulang labi.

September 18, 2019 9:35am. I dance with this handsome man I admire for so long. Unexpectedly.

Kagat labi akong napayuko but he held my chin gently para magpantay ang aming paningin.

"Alam mo bang matagal ko ng hinintay ang araw na ito," panimula niya. "Ang maisayaw ka at masabi ang totoong nararamdaman nitong puso ko sa iyo. I earned my confidence for too long at ngayon, handa na ako!"

"Alam kong mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko, kahit ako hindi ko matanggap noong una, pero bawat sulyap ko sa iyo at sa mga ngiti mo mas lalong pang nahulog ang loob ko sa 'yo"

My heart was beating abnormally while he's still continuing his so-called confession.

"Hindi naman kita minamadali pero gusto ko lang sabihin sa iyo na, gusto kita at matagal na!"

Nagmistulang parang gibang plaka ang mga katagang iniwan niya sa akin. Magtatatlong araw na ang nakalipas simula nong nakasayaw ko si Kyle pero hindi parin mawala-wala sa isipan ko ang sinasabi niya.

Simula rin noong araw na 'yun ay palagi na siyang nagpapadala ng mensahe sa 'kin nangungumusta, kung kumain naba ako? Hindi nagtagal ay ipinaalam niya ring Kay Jade niya nakuha ang aking numero.

Araw ng Sabado ngayon at kasalukuyan akong nagluluto para sa agahan namin nang tumunog ang aking cellphone. I thought it was from Kyle but I was wrong.

It was from unknown sender.

"Magkita tayo sa Plaza Independencia, mamayang alas tres."

My heart thumper of a sudden reaction. I immediately knew it wasn't from Kyle dahil it's very different from his text style.

"Sino 'yan?" usisang tanong ni Jade na ikinagulat ko.

"Wala." Nababahala kong sagot. Ibinulsa kong muli ang cellphone at bumalik sa pagluluto.

Not Enough (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon