The decoration ended smoothly and well-organized. Kahit pa man ay may naganap na maliit na aksidente at komosyon kanina ay natapos parin namin ito.
Kinabukasan ay ang opisyal na pagbubukas at pagsisimula ng Founder's Day lahat ng mag-aaral ng Ryder ay nagtipon para mapanood ang kanya-kanyang presentasyon ng bawat organisasyon.
"Ang ganda talaga ng choreography nila!" manghang puna ng katabi kong lalake.
Kasalukuyan kaming nanonood ng presentasyon ng junior at senior high sa field ng Ryder. Kahit nakacast ako ay hindi iyon naging hadlang para suportahan ng todo ang aming batch, we even made a banner for our batch to really show our full supports, also the audience impact is part of the presentation's criteria.
Lumakas pa lalo ang hiyawan ng sumayaw nang sexy dance ang mga lalaki siyempre kasama na doon si Kyle. I don't know why pero malakas ang kutob ko na pabor sa amin ang pagkapanalo ngayong taon.
"Marry me, Monsanto!" sigaw ng babaeng nasa kabilang side.
"Go, Venz Maraño!" sigaw rin ng babaeng nasa second floor.
"I love you, Jake Despojo!"
Hindi rin kami nagpapatalo sa paghiyaw.
"Go Diana! Go!"
"Wow! That was an awesome performance coming from our Grade 11 students,'' komento ng emcee habang nagpapakawala ng hindi makapaniwalang hininga. "Huwag niyo munang ubusin ang boses niyo, may susunod pa! And now let's all welcome the last but not the least, the Grade 12 students!"
Napuno ulit ng hiyawan ng mga estudyante ang kalahati ng field halos hindi na nga marinig ang music. Puro lalaki ang performers nila at naka mask ang lahat. Nang nasa kalagitnaan na ng kanta biglang nag-iba ang genre nito. Dahan-dahan nilang tinanggal mula sa kanilang mukha ang kanilang mask at hinigit sa kanilang likod ang puting rosas. It was as if we were in a public market. The loud scream describe it all.
Natutop ako sa aking inuupuan ng makita ang pamilyar na lalaki papalapit sa 'kin.
“Dito rin siya nag-aaral?” Tanong ko sa aking isipan. Inilahad niya sa 'kin ang puting bulaklak. I blushed immediately when he beamed at me so sweetly.
"Kilala mo ang lalaki iyun?" Usisang tanong ni Jade sa akin. "Teka? Paano?"
Her brows were all in the center. Ganyan siya kalito.
"Hindi naman masyado. Naalala mo pa ba 'yung gabing pumunta ako sa inyo? Siya yung lalaking nagbigay sa 'kin ng panyo." I bit my lower lip.
"Taray." She poke my cheek and smiled too.
I smelled the flower. So fragrant. My eyes stopped at Kyle ng itinuon namin ulit ang aming atensyon pabalik. The smile disappeared from my lips when I saw him frowning.
Natapos rin silang nagperform. Sumunod dito ang special guest ng University na si Youdece. Isa sa mga talentadong estudyante ng Ryder bukod sa pagiging matalino, magaling rin itong kumanta at magpingpong. Noong grumaduate siya bilang Magna Cum Laude pinag-aagawan siya ng mga kompanya.
Nang magsimula siyang kumanta ay nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa ganda ng boses.
From the very first time
Why did you made me feel like this
All I want is love coming from you,
Please let me feel how was it really like,Am I destined to be like this?
Or was it just you, who change the faith?
Can you hold me for a little while,
Cause love, I'm already tired
BINABASA MO ANG
Not Enough (COMPLETED)
Teen FictionEllise Alamzan, a perspicacious and simple girl. Been living for sixteenth years, but still longing for a mother's love. She can't decipher what is erroneous with her because she always gave all her best to be a good-daughter. Despite of mother's im...