Bumuhos lahat ng emosyon ko. Bakit parang ang bilis ng pangyayari? Dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap. May namumuo naring luha sa kanyang mga mata.
Naging mahigpit ang yakap ko kay Tatay. At wala akong balak na kumalag.
"Pakiusap, Papa. Huwag ka pong umalis." pagsusumamo ko sa kanya.
"Hindi pwede nak," Dahil sa kanyang pananalita ay nararamdaman ko ng malapit ng mahulog ang mga luha niya. "Tawagan mo nalang ako pag may kailangan ka."
I shook my head.
Isang maliit na piraso ng papel na naglalaman ng kanyang numero ang kanyang inilahad sa akin.
"Papa, huwag mo naman akong iwan dito. Papa," pagmamakaawa ko sa malambot na tono.
Alam kung hindi na bagay sa akin na magsalita ng ganito pero si Papa nalang kasi ang natitira kung kakampi sa bahay, tapos ngayon aalis pa siya. Hindi ko kakayanin iyon.
"Tandaan mo 'to anak," marahan niyang hinaplos ang buhok ko.
"Mahal na mahal ka ng Papa! Pangako babalikan kita rito."Napapikit ako dahil sa lungkot ng hinalikan niya ang noo ko.
Ito na ba ang huli?
"Papa naman. Hindi na ba talaga kita mapipigilan?" tanong ko sa kanya. Tumango lang ito. Mapait niyang tiningnan si Mama at dahan-dahan ng inihakbang ang mga paa.
Hakbang kung saan papalayo sa amin.
"Isipin mo lang na nasa bakasyon ako, Anak." Ang kanina ko pang pinigilang luha ay nagu-unahan ng tumulo. "Mahal na mahal kayo ng Papa. Mauuna na ako."
Napaupo ako at malakas na napahagulhol. Naalala ko rin noong kabataan ko, ganito rin ang iyak ko ng hindi ako isinama ni Papa papuntang bayan. Pero masasabi kong iba na ito. Dahil kong noon ay bumabalik lang siya makalipas lamang ang ilang oras ngunit ngayon ay wala ng kasiguraduhan.
Walang tigil ang iyak ko ng pumasok ako sa loob at dumiretso ng kwarto. I seated above my comforter while still crying. Nakatulugan ko na ang pag-iiyak.
Nagising na lamang ako sa sunod-sunod na katok sa pinto.
"Bakit ang tagal mong binuksan?" naiinis na asik ni Mama.
"Pasensya na Ma, makatulog po ako."
"Bilisan mo na riyan para makakain kana," pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya.
Namamaga parin ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ng tumingin ako sa salamin.
Maaga akong nagising kinabukasan kaya maaga rin akong natapos. Suot ko na ulit ang expresyon na palagi kong dinadala kapag papasok ng paaralan. I just want to forget how miserable my life at home was. Gusto ko lang muna itong i-set a side.
I was about to go out when Mama shouted my name. Napakamot ako ng ulo. Tila hanggang kahapon nga lang talaga ang pagiging mabait niya sa akin. Balik na naman ulit kami sa dati.
"Kahit kailan ka talagang bata ka, hindi ba sinabi ko na sa iyo noon pa na maglaba ka muna bago pumasok." pagsesermon sa akin ni Mama.
Looks like her tiger attitude were out of its cave again. I sighed.
"Pangako, Mama! Lalabhan ko iyan pagkauwi ko mamayang hapon!" I made my voice sounds convincing and it works. "Mauuna na po ako!"
Nagmano ako sa kanya bago makaalis. Pagkarating ko sa paaralan kaunti pa lamang ang mga estudyante. Am I too early?
Dapat ba ay naglaba nalang muna ako? I let out a deep sigh.I was about entered on our room ng maaninag ko ang isang babaeng nakatalikod sa gawi ko habang may kahalikan. Kumirot ng kaunti ang puso ko sa aking nasaksihan. Kung doon kaya sila maglampungan sa room nila. Tsk.
BINABASA MO ANG
Not Enough (COMPLETED)
Novela JuvenilEllise Alamzan, a perspicacious and simple girl. Been living for sixteenth years, but still longing for a mother's love. She can't decipher what is erroneous with her because she always gave all her best to be a good-daughter. Despite of mother's im...