Isang araw,umaga pa lang ay ngumangata ako ng mais na nilaga sa labas ng bahay at hinihintay ko si Edge na umuwi galing sa trabaho nya sa isang call center ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag,si Keesha.
Napabuntong hininga ako,ilang beses na syang tumatawag pero hindi ko sinasagot. Dala dala ko pa din yung guilt ng mga ginagawa namin ni Kaze,at parang hindi ko pa kayang makausap ang kakambal ko sa phone lang.
Tumigil ang pag ring,at pagkalipas ng ilang sandali ay may natanggap akong text,galing kay Keesha.
Keesha:
I don't know where you are but I miss you. Tumatawag ako,bcoz I want you to know na kami na ni Kaze,and to share another good news,ni hire sya ng company nina Papa. Call me if youre not busy.
Sumakit ang dibdib ko,hindi ko alam kung dahil ba miss ko na din ang kakambal ko o dahil sila na ni Kaze? Mabuti na siguro yon para madivert na ang atensyon ni Kaze kay Keesha,sila naman talaga ang bagay.
Kahit nawalan na ako ng gana ay inubos ko pa din ang kinakain kong nilagang mais.
Naisip ko si Papa,nung isang araw ay tumawag sya at kinukulit ako na pumasok sa kumpanya nila,pero ngayong nandun na si Kaze,mas may dahilan na ako para tumanggi. Maghahanap na lamang ako ng ibang trabaho,at sa tingin ko ay kakayanin ko naman iyon.
"Ang tagal naman ni Edge." ang reklamo ko. Graveyard shift kasi siya, 10PM ang pasok nya at 6AM ang out nya. Pagkauwi nya matutulog sya at magigising ng 3 o 4 ng hapon. At ngayon nga ay alas siete na ng umaga ay wala pa din siya.
Baka nag over time,pumasok na ako sa bahay,binuksan ang Tv at nanonood. Ako na nga lang mag isa ang maghahanap ng trabaho mamaya,baka sobrang naaabala ko na si Edge.
Walang palabas sa Tv kundi anime. Sa kalagitnaan ng panonood ko ay biglang tumunog ang phone ko,pagtingin ko ay si Ate Cris pala kaya sinagot ko agad.
"Hello teh,napatawag ka?" ang bungad ko naman.
"Bruha ka! Nasaang lupalop ka ng daigdig?" histerical nitong sabi na ikinangisi ko.
"Hindi ko pa pwedeng sabihin ngayon. Bakit ka nga napatawag?" ang sagot at tanong ko naman.
"Lumabas kami kahapon ni Keesha kasama ang boyfriend nyang si Kaze. At alam mo ba yung company mismo ang nag hire kay Kaze? Yun na ang simula ng pagbabago nya." mahaba nyang sabi.
"Alam ko na ang lahat ng iyan. Ano nga? Bakit ka napatawag?"
"Lumabas tayo ngayon."
"Hindi pwede,mag a-apply pa ako ng trabaho."
"Bakit kasi hindi ka na lang sa company nina Papa? May pwesto ka na dun! Hindi yang ganyan!"
"Ayoko! Gusto kong maging independent."
"Ewan ko sayo! Ang ganda ganda ng buhay mo sa bahay nagpapakahirap ka dyan. Basta,meet me later at 8PM sa dati nating tambayan." at naputol na ang tawag.
Napabuntong hininga ako. Gusto ko itong ginagawa ko,gusto kong paghirapan ko ang bawat bagay na gusto kong makamit.
Ipinagpatuloy ko ang panonood ng Tv,at ng mag sawa ako ay tumayo na ako at lumabas. Bibili na ako ng pananghalian ko.
Matapos kumain ng tanghalian ay naligo na ako at nagbihis,kinuha ko na sa drawer ang envelope na naglalaman ng mga requirements sa pag a-apply ng trabaho. Agad na din akong umalis para simulan ang aking pakikibaka.
Nakatatlong company na ako at wala pa ding bakante. Naisip ko na kahit siguro pagka secretary ay tatanggapin ko na. Iyon ay kung may tumatanggap na kumpanya na lalaki ang secretary,o kahit assistant man lang.
BINABASA MO ANG
The Stripper (boyxboy) - Completed!
General FictionBOYXBOY GAY BROMANCE | Si Kaze Celis ay sobrang gwapo,napakaganda ng katawan,napaka kinis,may pamatay na ngiti,kinakabaliwan ng mga matrona,babae,bading at minsan ng kapwa lalaki na gustong magtrip. Sya ang pinaka Star Dancer sa Strip Club na pinagt...