Tapos na ako maligo at hinihintay ko na lang din maligo si Brave. Nandito ako sa labas at iniisip ang mga sinabi ni Lemon kanina.
Kung sila nga iyon,ibig sabihin ay hinahanap na nila ako,o baka naman nabanggit ni Lourd na nakita nya ako sa Batangas? Sa may Balayan? Pero imposible eh.
Sapat na ba ang isang buwan na pagkawala ko para harapin na ulit sila? Hindi ba't parang napaka aga? Pero wala naman akong magagawa kung ang tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan. Kailangan ko na lang maging handa at matapang.
Naisip ko din naman kanina na hindi magandang tinatakbuhan at tinatakasan ang problema,dapat ay hinaharap ito. Pero hindi nyo naman ako masisisi ng mga panahon na iyon.
"Tara na? Nasan si Lemon?" boses ni Brave sa likuran ko kaya humarap ako sa kanya.
Napalunok ako ng ilang beses. Napaka gwapo nya! Bagay sa kanya ang pagkaka brush up ng buhok nya. Suot nya ang damit na binili ko para sa kanya. Nag uumapaw ang sex appeal nya. At ang puso ko,eto na naman..Shit.
"Ha?! Si Lemon? Hinihintay ko pa." ang natatarantang sagot ko.
"Daanan na lang natin sa kanila. Pagkatapos ay daanan din natin mamaya si Nanay." ani Brave at ngumuso.
Fuck! Gusto ko ulit matikman ang malambot at matamis nyang labi! Goddamn it!
"Sige,tara!" ani ko at nauna ng maglakad. Palihim kong tiningnan ang suot ko. Parang bigla akong nahiya,parang biglang nagmukhang mayaman si Brave. Pero okay naman ang suot ko,ito ang suot ko ng mapadpad ako dito.
"Malapit na mag gabi,pahirapan na makasakay kaya dalian natin." ani Brave ng nasa tapat na kami ng bahay ni Lemon.
Sakto ay lumabas ang bruha. Napangiti ako,marunong pala pumorma si Lemon,lumitaw din ang lalo ang ganda nya. Ewan ko na lang kung hindi pa mainlove si Killian sa kanya,bihira na lang kaya ang mga baklang magaganda gaya ni Lemon na inosente at mabait.
"Pasensya na at kayo pa pumunta dito ah? Basta ang usapan,walang manunukso mamaya. Mag wo-walk out talaga ako." ani Lemon ng makalapit sa amin ni Brave.
"Oo na! Yun ang usapan." nakangisi kong sabi at nilingon si Brave.
"Bakit ka naman tutuksuhin?" ani Brave.
"Eh kasi,maganda ako ngayong gabi." sagot ni Lemon. "Tara na!"
Pagdating namin sa Balayan ay dumiretso muna kami sa palengke para puntahan si Nay Neth,sakto nagliligpit na ito kaya tumulong kami at hinatid ito sa terminal ng jeep. Sinabi din ni Brave na baka bukas na kami maka uwi at pumayag na ito.
Sumakay pa kami ng Trycicle papunta sa Tingloy. Ngayon ko lang napagtanto na malawak pala itong Balayan,palengke at simbahan palang kasi ang lagi kong napupuntahan.
Tumigil kami sa tapat ng isang bahay na may malawak na bakuran. May mga nag iinuman na din,sa tingin ko ay mga ka edad lang namin sila.
"Uy! Buti at dumating na kayo! Tara muna sa loob ng bahay!" ani Killian at lumapit.
"Advance Happy Birthday." ani Lemon at may kinuha dun sa bag nyang maliit. Isang kahon na kasing laki ng notebook.
"Salamat. Nag abala ka pa,bukas pa naman talaga birthday ko." seryosong sabi ni Killian at tinanggap ang regalo.
"Buksan mo na. Alam kong gustong gusto mo iyan." ang nahihiyang sabi ni Lemon. Nagtatakang napatingin ako kay Brave pero nagkibit balikat lamang ito.
"Sige." ani Killian. At sa harap namin ay binuksan nya ang regalo. At ng mabuksan ito ay natigilan sya at napatingin kay Lemon. "Lemon?"
"Naalala ko kasi na gustong gusto mo mabili iyan. Pero may nangyari nga. Ganon pa man binili ko pa din at itinago. Naghihintay lang ako ng pagkakataon na maibi--"
BINABASA MO ANG
The Stripper (boyxboy) - Completed!
Ficción GeneralBOYXBOY GAY BROMANCE | Si Kaze Celis ay sobrang gwapo,napakaganda ng katawan,napaka kinis,may pamatay na ngiti,kinakabaliwan ng mga matrona,babae,bading at minsan ng kapwa lalaki na gustong magtrip. Sya ang pinaka Star Dancer sa Strip Club na pinagt...