Final Strip!

58.5K 1.2K 336
                                    

AN/ MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA PAG SUPORTA SA KWENTONG ITO. Salamat sa 8 months na pagsama sa akin at sa mga characters ng kwentong ito,sobrang masaya ako kasi minahal nyo ang kwentong ito at ang lahat ng tauhan. Alam ko marami sa inyo ang nadisapoint,pero ganon po talaga ang takbo ng kwento. Sa mga nagrerequest ng KillianLemon,LourdDice,Im sorry hindi na ako makakagawa ng story nila,madami akong ongoing at sa mga iyon ako babawi :)

Again,maraming maraming salamat sa 190k reads,1k comments at 3k votes. Pinaiyak nyo ako sa kaligayahan.

THANK YOU AND ADVANCE MERRY CHRISTMAS,BASAHIN NYO YUNG HILING BOOK TWO AT BEAUTIFUL DAYS PLEASE? Thank you po!

~

"Ang sabi ni Keeyo,maaaring dahil sa trauma kaya nakalimot ako. Pero ramdam ko na kapatid kita." ani Kuya Brave,isang taon lang talaga ang tanda nya sa akin. Napangiti ako,lalo kong minahal si Keeyo,sya ang dahilan kung bakit nagpatuloy ako,at ngayon nga tinulungan nya kami ng kapatid ko. Nasan na kaya sya? Miss ko na yung ginawa namin kanina.

"Hindi naman maitatanggi yun. Tandang tanda kita. Kamukha nga natin si Tatay eh." ani ko at ngumiti. Pagkatapos ng maraming taon,akala ko ako lang ang nakaligtas sa sunog,salamat sa Diyos at buhay si kuya Brave.

Pero may bumabagabag lang talaga sa akin. Kung ano sila ni Keeyo,gusto kong magtanong pero pinigilan ko ang sarili ko,marami pa namang panahon.

"Inampon ako ni Nay Neth at dinala sa Lian Batangas. Ikaw? Anong nangyari sayo? Hindi ba nakaligtas ang mga magulang natin at si Ate?" aniya. Huminga ako ng malalim,ayaw ko ng binabalikan ang pahinang iyon ng buhay ko,pero may karapatan si kuya Brave na malaman ang nangyari.

"Nagpalaboy laboy. May mga tumulong,at ng magbinata ako ay naging Stripper,malaki ang kita eh,kailangan kong mabuhay. Pero tumigil ako ng makilala ko si Keeyo. At ang pamilya natin? Mukhang tayong dalawa lang talaga ang maswerteng nabuhay." ani ko.

"Mahal na mahal mo talaga si Keeyo ano?" seryoso nyang sabi at napangiti ako.

"Sobra sobra kuya! Hindi ako papayag na mawala pa sya ulit. Lalo pa ngayong pumayag na si Kristy sa divorce. Marami akong kasalanan at pagkukulang. Babawi ako sa kanya."

"Masaya akong marinig yan mula sayo. Maraming sakit at paghihirap na pinagdaanan si Keeyo at saksi kami doon." ani kuya Brave at ngumiti.

Alam ko na ang ipinapahiwatig nya. Alam ko na kung anong nararamdaman nya. Masakit dahil ngayon lang ulit kaming magkapatid nagkita pero nasasaktan ko na sya. Pero hindi ko naman pwedeng hayaang mapunta sa wala ang sa amin ni Keeyo.

"Patawad kuya." ani ko,nakatingin sya sa phone nya at bumaling sa akin.

"Huwag mo akong intindihin. Ito nga,nagtext sya na umuwi daw ako kahit wala sya." nakangiting sabi ni kuya Brave.

Tumayo ako at lumapit sa kanya para yakapin sya. Nang yakapin ko sya,parang bumalik ako sa pagkabata,kasi sya ang lagi kong kakampi dati pag may umaaway sa akin.

"Maraming salamat kuya! Tara kain muna tayo at baka biglang sumulpot si Kristy." ang paanyaya ko sa kanya.

Nasaan nga kaya si Kristy? Wala sya sa bahay kanina. Pag uwi ko ay kakausapin ko ulit sya. Sa ngayon ay kailangan muna namin ni kuya Brave na mag bonding.

Sa Jollibee kami kumain,kinekwento ko sa kanya ang mga ginagawa namin dati. Sana lang bumalik na ang mga alaala nya,gusto ko din makilala ng personal si Nanay Neth nya,pinalaki nya ng maayos ang kuya ko.

Katatapos lang namin kumain ng tumunog ang phone ni kuya Brave,tiningnan nya ang tumatawag,tumingin sya sa akin at tumango ako,na ibig sabihin ay sagutin nya ang tawag.

The Stripper (boyxboy) - Completed!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon