AN / Alam kong sobrang inaabangan nyo ito. Ginawa ko ito sa loob lamang ng dalawang oras dahil ayoko ng maghintay pa kayo. At sana naging worth it naman ang paghihintay nyo,do I deserve a comment and vote? Thank you and happy reading =)
~
Naging busy ako sa school,nagkakausap lang kami ng kakambal kong si Keesha pag pareho na kaming nasa bahay. Which is minsan lang din dahil hilig nyang maki sleep over sa mga tropa nya kaya hindi ko na alam kung anong nangyayari sa buhay nya.
Panay na nga ang tanong sa akin nina Mama at Papa tungkol kay Keesha,wala naman akong maisagot dahil busy nga ako sa mga requirements at practice ng graduation.
Magkaiba ang araw ng graduation namin ni Keesha kaya huwag kayong magtaka kung bakit nasasabi kong sa bahay na lang kami minsan magkita. She's friendly,unlike me,pili lang ata ang kinakausap ko at matatawag na kaibigan.
Isang araw ay nagkasabay kami ng Keesha ng pagpasok,at agad kong napansin ang pagiging blooming nya.
"Ganda ah?" ani ko habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep.
"Alam mo yan! Pero inspired lang siguro talaga ako." aniya na abot tenga ang pagkaka ngiti.
"Inspired o inlove? Sino naman ang malas na lalaking yan?" ani ko sa kanya at umakbay.
"Basta! Makikilala mo din sya balang araw."
Ewan ko,biglang pumasok sa isip ko si Kaze. Posible kaya? Pero hindi siguro.
Hanggang sa makarating sa campus ay yon ang iniisip ko. At ng sumapit ang dissmissal ay nagtext si Keesha na may date daw sya kaya mauna na akong umuwi.
Nacurious ako kung sino ba ang kadate niya,hindi ko maiwasang maghinala,pero at the same time,ayoko ng iniisip ko.
Pasakay na sana ako ng jeep ng magvibrate ang phone ko,kinuha ko ito sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Ate Cris na naman.
"Oh?" sabi ko agad. Gusto ko pa syang awayin sana dahil dun sa nangyari nga nung nakaraan,pero naisip ko na huwag na lang,tutal hindi naman ako nagsisisi.
"Im free tonight. Lets party! Magkita tayo sa Cafe Sonata at 7PM." At agad nitong ibinaba ang tawag. Ang nakabuka kong bibig ay muli ko na lamang isinara.
San na naman kaya ako dadalhin ni Ate Cris? Ayokong mapuyat,maaga ang practice ng graduation bukas.
Pag uwi ko ay wala pa din sina Mama at Papa. Kaya ang ginawa ko na lang ay naligo na lang ulit at nagbihis ng panglakad.
Hindi talaga ako makatanggi pag si Ate Cris ang nagyayaya. Sana lang,hindi mangyari yung nangyari nung nakaraan. Kasi sa totoo lang,hinahanap hanap ko na naman ang sex,at lagi kong naiisip si Kaze.
Halos mauna ako ng kalahating oras sa meeting place namin,kaya ng dumating si Ate Cris ay hindi ako tinantanan ng pang iinis.
"Magkape at mag cake muna tayo bago pumunta sa ating pupuntahan." nakangisi nyang sabi.
"Mas mabuti pa nga. Dahil nagugutom na ako. Naku,ang dami mo ng utang kay Keesha." sabi ko ng maupo kami.
"Ako na bahala sa kakambal mo pag nagkita kami." aniya at tinawag ang isang waiter. "two chocomouse and two slice of blackforest." aniya sa waiter.
"Imposible yon. Kami nga hindi na nagkikita,laging gabi na umuwi yon,minsan nakiki sleep over pa. Saka inlove ata yon eh." ang sagot ko ng maka alis na ang waiter.
"Well,ganyan talaga kaming mga babae. Sino ang maswerteng lalaki?"
"Babae ka? Nakakalimot ka ata." ang pang iinis ko dito.
BINABASA MO ANG
The Stripper (boyxboy) - Completed!
Ficción GeneralBOYXBOY GAY BROMANCE | Si Kaze Celis ay sobrang gwapo,napakaganda ng katawan,napaka kinis,may pamatay na ngiti,kinakabaliwan ng mga matrona,babae,bading at minsan ng kapwa lalaki na gustong magtrip. Sya ang pinaka Star Dancer sa Strip Club na pinagt...