Hindi ako nagsalita. Ayokong sagutin ang sinabi ni Kaze,kailangan kong manindigan sa kung ano ang tama at kung anong naging desisyon ko. Isa pa,naiinis na ako sa kanya,ano tingin nya sa amin ng kakambal ko? Libangan? Pag wala ang isa ay dun sya didikit sa isa?
"Sabihin mo lang Keeyo." bulong nya sa kaliwang tenga ko,nagtayuan ang mga balahibo ko at nangatog ang tuhod ko. Kailangan kong huminga ng malalim para mapakalma lang ang sarili kong puso.
"Wala akong dapat sabihin." sakto tumunog at bumukas ang elevator sa floor na pakay ko. Walang lingon likod akong lumabas at nagdiretso ng lakad papunta sa office ni Papa.
Aminin ko man o hindi,malakas talaga ang epekto sa akin ni Kaze,at matagal ko na ding alam sa sarili ko na mahal ko sya,pero sadyang hindi kami ang para sa isa't-isa. Kahit gaano ko pa sya kamahal,kung hindi naman pwede ay huwag ng ipilit.
Nagtinginan sa akin ang mga employee at binati ako. Ngiti lang naman ang ganti ko at agad akong dumiretso sa cubicle ng secretary ni Papa.
"Hi! Pwede bang paki abot ang mga papeles na ito kay Papa? Pakisabi galing sa Monteralo Group of companies. Nagmamadali kasi ako eh,thank you!" nilapag ko agad ang mga bitbit ko sa mesa nito at tumalikod,hindi ko na hinintay ang sagot nya,ayoko ng magtagal dito.
Pero malas nga naman ata dahil nakaramdam ako ng panunubig. Agad akong lumiko sa dulong hallway dahil nandun ang cr,hindi pa ako nakakapasok ay nadinig ko na ang boses ni Keesha at ni Kaze.
Shit! Hindi dapat ako makita ng mga yon. Hindi ko pa kayang harapin ang kapatid ko,dala dala ko pa rin ang guilt ng mga pagtataksil namin ni Kaze,at alam kong hindi ko sya matitingnan sa kanyang mga mata.
Pagkatapos kong umihi ay naghugas na ako ng mga kamay sa sink. Bumukas ang pinto at pumasok ang taong kanina lang ay iniiwasan ko.
"Nandito ka pala." aniya,nakita kong nilock nya ang pinto. Kumalabog na ang dibdib ko. Alam ko ang kahihinatnan ng mga ganito,kilala ko si Kaze,hindi kami pwedeng magsama sa isang saradong lugar.
"Nahatid ko na ang dapat kaya aalis na ako." sabi ko at naglakad papunta sa pinto pero hinarang nya ako at marahang tinulak sa pader.
"Do you think,you can really run from me,Keeyo?" aniya. Titig na titig sya sa mga mata ko. Napalunok ako sa sobrang kaba.
"I-itigil mo na to,Kaze."
"Akala mo ganon kadali? Akala ko nung una,hanggang libog lang eh. Pero nag iba,lagi na kitang hinahanap,hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung anong ginawa mo sa akin pero binabaliw mo ako." ang frustrated nyang sabi. Naiinis ako dahil hindi pa nya ako diretsuhin.
Pero kung didiretsuhin nya ako,may magbabago ba?
"Tumigil ka nga sa kagaguhan mo! Ang kakambal ko ang girlfriend mo pero gumaganito ka? Anong akala mo sa aming magkapatid? Pwede mong tuhugin ng sabay? Tang ina naman!" ang galit kong sabi. Nakakapuno na din kasi na palagi na lang ganito pag naghaharap kami.
"Oo! Tang ina talaga! Tang ina,kasi ikaw ang mahal ko! Akala ko madadivert kay Keesha ang nararamdaman ko,pero hindi! Ikaw ang tinitibok ng letse kong puso! Nababaliw na ako!" aniya na malakas na ang boses.
Mahal nya ako. Dapat ay matuwa ako,pero hindi,dahil mali.
"Ako mahal mo pero kapatid ko karelasyon mo? Wow! Ginagago mo kaming magkapatid." sarkastiko kong sabi at napailing. Wala ng patutunguhan ang usapang ito,wala ng saysay.
"Hindi ko sadya! Dahil gusto kita,at lumapit ang kapatid mo,wala na akong choice! Alam kong mali--"
Sinampal ko sya. Walang kwenta ang paliwanag nya. Nasasaktan ako,kasi mahal ko sya,mahal nya ako,pero mahal sya ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
The Stripper (boyxboy) - Completed!
Ficción GeneralBOYXBOY GAY BROMANCE | Si Kaze Celis ay sobrang gwapo,napakaganda ng katawan,napaka kinis,may pamatay na ngiti,kinakabaliwan ng mga matrona,babae,bading at minsan ng kapwa lalaki na gustong magtrip. Sya ang pinaka Star Dancer sa Strip Club na pinagt...