CHAPTER 1:BREAK UP
AMETHYST AMBER DE VILLA POV
Ngayon isa sa mga araw na pinaka hinihintay ko. Mag three, three months na kami nang first boyfriend ko. Actually wala namang surprise batiin nya lang ako. Ayos na ako doon. Simple lang naman ang gusto ko. Simple lang ako.
Kahit walang suprises ayos lang. Basta ayos kami at walang away. Naglalakad ako ngayon sa covered walk nang school namin. Magisa lang ako vacant naman kasi namin eh.
Ayos lang, mahilig kasi mag absent yong mga kaibigan ko eh. Kaibigan ko na pinagkokoyahan ako. Mas marami akong close sa grade 12 kesa sa mga grade 11.
Ngayon nakasa lubong ko si ate Shenna Smith. Sya ang pinaka close ko at parang totoo ko na 'ding ate at kapatid. Sya lagi updated sa akin yan.
"Ate" tawag ko sa kanya. Sabay naman napalingon siya.
"Bakit be?" Sabi ni ate Shenna sabay hinto sa paglalakad. Kaya lumapit ako sa kanya.
"Wala ate San ka po punta? Sama ako" Sabi ko wala naman siyang kasama lumapit ako sa kanya tapos nagsimula na kaming maglakad
"Be alam mo na ba?" Sabi ni ate Shenna na parang nagalala pero seryoso parang kinakabahan ako sa sasabihin nya habang naglalakad kami dito sa coverd walk
"Ang ano po ate?" Sabi ko na nagtataka
"Kasi be gusto na ata nong magaling mong boyfriend mo na si Joshua Cruz na makipagbreak na sayo. Alam mo na ba ang tungkol doon be? Matagal nang kasing kumakalat yon be eh" Sabi ni ate Shenna na nagaalala
So totoo pala gusto nya talagang makipagbreak. Nong isang linggo ko pa yon nalaman. Kaso hindi ko matanong sa kanya at hindi naman sya online tapos sa school busy daw sya kaya hindi nya ako pinapansin. Hindi ko nalang pinansin yon at hinayaan ko nalang siya. Ayos lang naman sa akin eh kahit minsan minsan lang kami magchat. Pero ano ngayon ang nalalaman ko. Totoo kaya yon? Basta si ate Shenna papaniwalaan ko
"Opo ate kaso hindi ko po alam kung sure po yon eh. Totoo po ba yon ate?" Sabi ko Kay ate Shenna habang hindi mapaniwalaan lahat nang nalalaman ko
"Oo be alam mo namang tropa ko yon eh. Harap harap nyang sinabi sa amin. Kaso hindi nya daw masabi kasi nahihiya daw sya" Sabi ni ate Shenna. Grabe din pala yong lalaking yon eh. Bakit hindi pa sabihin sa akin? Hindi ba porket isa syang sikat na basketball player dito sa school namin ASFHA( Alcantara Salvador Fuentebella Highschool Academy)
"Ganon po ba ate? Totoo po pala yon? Kung hindi nya magawa ate ako nalang po gagawa. Kahit mahal ko pa po sya"Sabi ko kay ate Shenna at nagsisimula na magluha ang aking mga mata. Ansakit kaya malaman na totoo pala yon. Masyado pala syang duwag. Ansakit na yong taong pinakamamahal ko. Ay parang niloloko lang ako. Ano bang sapat nyang dahilan at ginaganito niya ako
"Kayanin mo be lalaki lang naman yan eh" Sabi ni ate Shenna sabay tapik sa balikat ko
"Opo ate" Sabi ko na habang pinipigilan ang mga luha ko. Sanay naman na ako sa ganito na niloloko lang nila ako.
"Ahh Sige pala be una na ako" Sabi ni ate Shenna
"Ahh Sige po" Sabi ko
"Mamaya nalang be Samahan kita kausapin mo yan si Joshua" Sabi ni ate Shenna at nagmamadaling umalis
Umupo nalang ako dito sa upuan sa coverd walk. ASFHA (Alcantara Salvador Fuentabella Highschool Academy) yan ang school ko bali kasi tatlong pamilya ang may ari nang school na ito at sila ang Alcantara, Salvador at Fuentabella family's
Ang Alcantara may dalawang anak na sina Jedyon Alcantara at Jacob Alcantara. Isa sila sa sikat na dancer dito sa school. Sila ang representative nang school. Para sa mga sayaw. Sikat din sila dito bilang basketball player dito sa school na ito.
At sumumod naman ang Salvador brothers walo silang magkakapatid sina Jay, Ace, Lucas, Davis, Marco, Jhune, Jason and Ethan. Sikat Sila at basketball player dito sa school namin. Si Jay ang team leader nang basketball team. Sya ang nakakapanalo nang laro at sya din ang captain ball. At ang iba nyang mga kapatid isa din sa sikat at tinitilian dito sa school na ito. Dahil sa husay nilang maglaro sa basketball.
At ang Fuentebella Sister mababait Sila matatalino at maganda. Sila ay sina Janica, Jamaica, At Janela triplets Sila. Sikat sila dito dahil kasama sila sa cheering squad at sila din ang lumalaban at nagiging representative nang school for pageants. Kinakabaliwan Sila nang mga lalaki dito sa school dahil hindi lang sila maganda, sexy din sila.
Si Joshua Cruz kilala bilang basketball player at gwapo. Kinakabaliwan nang mga babae. Close nya din ang Salvador brothers at ang mga grade 12 student katulad ni ate Shenna.
Si Luke Montenegro sikat din sya sa school namin. Dahil isa syang magaling na basketball player sa school.
Nasa special section sila kasama ako yong mga kaibigan ko. Si Joshua Cruz at si Luke Montenegro. At tatlo pang students na scholarship lang. Back to the reality.
Nakaupo lang ako dito sa bench. Madaming dumadaan na studyante. Isa ko lang dito. Malalim ang iniisip ko nang biglang may tumawag sa akin.
"Be, Amethyst" Sabi ni ate Shenna si ate Shenna lang pala yon. Kaya tumayo na ako agad "Tara" Sabi ulit ni ate Shenna
"Sige po" Sabi ko
"Alam mo be dapat kasi hayaan mo na sya. Sikat sa dito kaklase mo sya diba. Isa sya sa pinagkakaguluhan." Sabi ni ate Shenna ngumiti ako at tumingin kay ate Shenna
"Opo ate alam ko po kaya gagawin ko na po dapat kong gawin" Sabi ko
"Alam mo be sikat sya kaya akala nya lahat nang babaeng gusto nya makukuha nya" Sabi ulit ni ate Shenna "Josh" tawag ni ate Shenna Kay Joshua kaya napatingin nalang ako sa lalaking papalapit sa harapan namin ngayon
"Bakit busy ako?" Sabi ni joshua
"Totoo ba?" Sabi ko
"Ang alin?" Sabi nya ni joshua habang nakangisi
"Na gusto mo makipagbreak na sa akin nahihiya ka lang hindi mo lang masabi kalat na sa buong campus" Sabi ko seryoso lang akong nakatingin sa kanya nang biglang syang napatawa
"At kanino mo naman nalaman yan? Kay Shenna? " sabi ni Joshua nakatingin sya Kay ate Shenna habang napapatawa at nakangiti hindi nga nya ako matignan mata sa mata
"Totoo ba o hindi? Sagutin mo ko" sigaw ko sa kanya at ngumisi sya sa akin
"Oo sinabi ko yon. Pero Biro ko lang yon lahat kasi nang bagay seneseryoso mo" Sabi nya sa akin aba! Ako pa talaga tong Ano? Malay ko bang talagang sobrang seryoso lang ako
"Try mo kaya mag seryoso sa mga bagay bagay hindi yang lahat nalang sayo puro Biro try mo din magseryoso kahit minsan " Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mata nya pero todo iwas sya
"Kaya nga magseryoso ka kasi" Singit ni ate Shenna "hindi yang lahat ginagawa mong biro"dugtong pa ni ate Shenna sa mga sinabi nya
"Wag mo kasing seryosohin" Sabi ni joshua na todo iwas pa din sa mata ko
"Kasalanan ko bang masyado akong seryoso?Sige kung gusto mo yan at dyan ka sasaya ako na gagawa break na tayo" Sabi ko sa kanya
"Sige" Sabi ni Joshua at umaalis na sa harapan ko
"Be kaya mo yan hindi siya kawalan mauna na pala ako" Sabi ni ate Shenna
"Sige po ate" Sabi ko
"Pasok ka pa mamaya be?" Sabi ni ate Shenna.
"Hindi na po siguro muna ate wala akong gana" Sabi ko
"Sige be una na ako bye" Sabi ni ate Shenna at nauna naglakad paalis
Pagkatapos non umuwi na ako. At hindi na pumasok. Hindi na din daw pumasok si Joshua. Uminom daw sila kasama ang tropa nya.
Ano kayang pumasok sa isip non? At uminom? Akala ko ba gusto nya nang makipag break? Ginawa ko na nga para sa kanya Tapos Ganon pa Sya? qAba! Bahala sya doon sya masaya kaya binigay ko lang yong gusto nya Malaya na sya
A/N: Bakit kaya uminom si Joshua? At bakit gusto nyang makipagbreak Kay Amethyst? Ano kayang rason nya at nagpakalasing sya?
Don't forget to Vote and Comment and also if you like my story share this story with your friends to enjoy it reading thank you
BINABASA MO ANG
DESTINED TO HAPPEN
Teen FictionIsang buong masayang pamilya lamang ang iyong hangad. Pero paano ka nga ba magkakaroon non kung isa ka lamang ampon? Alam mong ampon ka at hindi iyon itinago sa iyo nang kinikilala mong magulang. Paano kung isang araw ang matagal mo nang hinahanap a...