CHAPTER 29:FINDING

19 2 0
                                    

CHAPTER 29: FINDING

MARCO SALVADOR'S POINT OF VIEW

Agad agad naming kinompirma kong talagang amin ba talaga ang helicopter na sumabog at tama nga sa amin iyon. At sa kasawiang palad kasama pala doon ang kapatid namin. Nakasakay siya doon nong mga panahong sumabog ang helicopter.

Ngayon nasa dagat kami tumutulong sa mga coast guard at ilang divers upang mahanap siya. Pangapat na araw na ngayon, namin siyang hinahanap ngunit ni isang bakas niya ay hindi pa rin namin nasisilayan o nakikita.

Sinisimulan na namin na isa isahan ang mga islang pinaka malapit sa pinangyarihan ng pagsabog upang mahanap namin siya agad. Baka kasi naaanod lang siya sa tabi ng dalampasigan at natulungan nila si Amethyst nagbabakasali na buhay pa siya. Mali buhay pa pala siya, buhay pa ang kapatid namin

Nang malaman nila Joshua at Luke ang nangyari. Agad agad silang lumipad patungong palawan upang tumulong. Hindi ko alam kung gusto pa nila ang kapatid ko. Oo siguro, baka nga may gusto pa sila.

Pati ang mga kaibigan niyang sila Princeraine at si Jade gustong tumulong. Ngunit hindi na sila pinayagan ni Dad sapagkat baka sila'y mapahamak pa. Bumaba nanaman kami sa isang sila kasama ko ang mga kapatid ko na sila Ethan at Lucas. May dala dala kaming picture ni Amethyst baka kasi namumukhaan nila ang aming kapatid.

"Manong kilala ninyo po ba ito?" pagpapakita ko sa larawan ni Amethyst

Agad siyang umiling "Wala ho" tanging sambit ni manong

"Pwede po ba magtanong?" pagtatanong ko sa kaniya.

"Ano ho ba iyon sir?" sambit ni manong

"May namumukhaan po ba kayong babae" sabay pinakita ko ang litrato ni Amethys kay manong "Ganito po ang itsura niya" sabay turo sa napaka gandang pagmumukha ng aking kapatid

"Wala iho, patawad" paghihingi ng paumanhin ni manong

"Salamat po"

"Walang anuman" saka nagpatuloy na sa paglalakad si Manong.

Ngunit kami ay nagpatuloy pa din sa pagtatanong sa mga tao. Ilang isla barangay na ang aming napuntahan. Ngunit bigo pa rin kaming makita siya. Sila mom and dad nagpahinga muna. Sapagkat makakasama sa kanilang kalusugan kong tutulong pa silang maghanap.

"Ethan, Lucas" pagtatawag ko sa kanila at agad agad naman silang lumapit.

"Bakit?"tanong ni Ethan

"Ano yon?" kunot noong tanong ni Lucas

"Ano namumukhaan daw ba nila si Amethyst?" pagtatanong ko sa kanilang dalawa. Malungkot na yumuko si Ethan saka umiling

"Hindi daw" sagot naman sa akin ni Lucas na mukhang nilalakasan pa din ang loob na mahahanap namin ang aming kapatid. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at pagtatanong tanong sa mga tao

LUKE MONTENEGRO'S POINT OF VIEW

Pang apat na araw na namin siyang hinahanap, ngunit kahit isang bakas niya ay wala kaming nakita. Kahit isang hibla ng buhok o anino niya wala. Kahit presensya lamang niya hindi namin maramdaman kahit saang isla o baryo kami magtungo o magpunta.

Ngunit kahit ganon hindi kami sumusuko hanapin si Amethyst. Kahit anong mangyari kung kailangan namin isa isahin lahat ng isla lahat ng baryo na pinaka malapit na pinangyarihan ng pagsabog gagawin ko. Tutulong ako hanggang makakaya ko.

"Ale, nakita ninyo ho ba itong babaeng ito o may kamukha po siyang kilala ninyo?" tanong ko sa medyo may edad na, na ale agad naman siyang umiling.

At sinabing "Wala iho, patawad" ngumiti ako sa kaniya.

"Ayos lang ho kung may nakita po kayong kamukha niya o namukhaan ninyo po siya tawagan ninyo lang po ako maraming salamat po"sabi ko sa Ale. Agad naman niyang kinuha ang kapirasong papel na inabot ko sa kaniya na naglalaman ng contact ko.

"Sige iho"sabi ni Ale saka ngumiti pabalik sa akin

"Salamat po" saka nagpatuloy na sa paglalakad ang Ale. At ako naman nagpatuloy mag sa ibang direksyon upang matanong sa ibang tao dito sa baryo. Kung namumukhaan ba nila si Amethyst.

Kasama ko ang dalawang kapatid ni Amethyst, tsaka tong si Joshua. Minsan napapaisip ako mahal ba niya talaga si Amethyst nagkatalo na kami. Pero kahit ganon iyong samahan pa rin namin ang pinili namin.

Sana naman mahanap na namin siya. Huminga ako ng malalim, kaya namin ito mahahanap pa namin si Amethyst baka kung saan lang siya napadpad iyon pero alam kong buhay pa siya.

"Luke, Joshua" pagtatawag sa amin ni Jay. Pinaka matanda or pinaka kuya nila Amethyst agad agad naman kaming lumapit sa kaniya.

"Bakit bro?" pagtatanong ni Joshua

"Anong balita, kilala daw ba nila? namumukhaan daw ba nila si Amethyst?" tanong nito sa aming dalawa ni Joshua

"Wala daw, nagtanong tanong na ako "sagot ni Joshua

"Wala daw silang nakitang ganito ang itsura sa kanilang isla, pero kung meron sabi ko tawagan nila tayo kaya binigay ko iyong contact natin para matawagan nila tayo" mahabang paliwanag ko kay Jay.

"Maganda yan Luke, oh sige Joshua, Luke maghanap pa tayo maghiwalay hiwalay muna tayo. Pagsapit ng 2:00 ng hapon pupunta naman tayo sa kabilang isla Luke at Joshua kayong dalawa magkasama muna ha? Walang away naiintindihan ninyo" kunting sermon sa amin ni Jay. Alam niya kasi na ex namin pareho si Amethyst at may gusto pa kami sa kaniya

"Oo" sambit ko. Tumango nalamang si Joshua bilang pagsang-ayon. At isa pa magkaibigan kami hindi kami magaaway ng dahil lang doon kahit gaano namin gusto. Makapatid na turingan namin ni Joshua sa isat isa. Kahit anong mangyari hindi kami magaaway ng dahil kay Amethyst kahit mahal namin siya pareho. Tsaka sa panahon na katulad ng ganito dapat kaming magtulungan kesa magaway

"Tara Josh doon tayo" pagaaya ko sa kaniya kaya agad agad na kaming humilay kela Jay. At tinahak ang kabilang daanan sa bawat taong makakasalumuha namin. Nagtatanong kami kung nakita ba nila roon si Amethyst saka ipinapakita ang kaniyang larawan.

******************

Sa tagal at pagod na naming palakad lakad. Lakad dito, lakad doon, tanong dito, tanong doon. Kung saan saan na kami napadpad para lang tanungin kung nakita o namukhaan man lang nila si Amethyst.

Ngunit bigo pa din kaming makahanap ng sagot. Dahil ni isa sa kanila walang nakakakilala kay Amethyst. Kahit man lang namumukhaan wala din. Bigo kami ngunit hindi pa rin iyon sapat na dahilan. Upang tumigil kami maghanap at mawalan ng lakas ng loob na magbakasakali na buhay pa din si Amethyst.

Halos suyudin na namin ang buong lugar kahit isang tao matanda o bata man. Pinagtatanungan pa din namin para masiguro na wala kaming malalapampasan na kahit isang tao man lang. Sumapit ang 2:00 P.M. at kailangan na naming pumunta sa pangpang sa malapit sa dalampasigan. Kung saan nakalagay iyong motorboat na sinasakyan namin. Kaya inaya ko na si Joshua.

"Sandali nalang Luke 20 minutes puntahan lang natin doon last na" pagpipilit niya sa akin. Hindi na ako nakatanggi pa at sumunod nalang sa kaniya. Gusto ko na din makita na si Amethyst saglit lang naman. Nagtanong tanong kami at may isang maganda o masamang resulta  ang aming nakalap na impormasyon.

DESTINED TO HAPPENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon