CHAPTER 24: COURTING
JOSHUA CRUZ'S POINT OF VIEW
"Hey bro, what's the problem?"sabay tapik ko sa balikat ni Daniel. Kasalukyan kaming nasa Bar namin ngayon. Malalakas na tugtog at musika ang maririnig lamang dito. Madami nang lasing at ang iba ay umiinom palang.
"Nothing"sagot nya nang walang emosyon at hindi man lang lumilingon sa akin. Kaya naupo ako katabi nang upuang iunuupuan niya.
"Bro, anong problema ilang araw ka nang hindi umuuwi sa inyo sabi ni nanay mo hindi ka na din napapadaan sa mansion dito ka nalang ata palagi sa Bar natutulog at namamalagi" mahabang paliwanag ko sa kanya. Ngunit ganon pa din hindi pa din siya lumilingon. At patuloy pa din sa paginom nang alak na hawak - hawak niya sa baso.
"Wala" maikli at tipid lamang na sagot sa akin ni Daniel
"Tell me bro what's the problem your like a brother to me you know that" i said to Daniel. Kaya naman humarap sya sa akin
"You know bro, Kathryn right?" Daniel said to me
"Oo sya yong babaeng madalas mong nakwekwento sa akin, bakit bro binusted ko?"patawa kong tanong sa kanya
"Hindi pupunta na sya nang California"sabi ni Daniel at muling ininom yong alak sa baso niya
"Umamin ka na ba?"seryosong tanong ko kay Daniel
"Oo, pero sabi niya babalik siya sa Pilipinas pagkatapos ng importanteng gagawin niya sa California kaso ikakasal na pala siya sa ibang lalaki kaya pupunta sila ng California" Malungkot na sabi sa akin ni Daniel. I tapped his shoulders and said
"Dont worry, malalagpasan mo din yan bro. Sige, lang iinom mo lang yan sabihi mo sa akin kung tapos ka na uminom iuuwi na kita tama na yan huh! last na yang paginom mo move on bro" nakangiting sabi ko kay Daniel. Broken hearted siya at naiintindihan ko siya.
Alam kong masakit yong nararamdam niya kasi naramdaman ko na din yan dati. Kaya sabi ko sa waiter bigyan pa siya nang tatlong boteng alak. Paubos na sana niya yong pangatlong boteng alak.
Kaso tumba na siya at hindi na ata kaya. Kaya ayan tulog, nagpatulong ako akbayan siya. Papunta sa kotse ko at ihahatid ko na siya sa kanila. Iuuwi ko na tong lalaking toh.
Ilang araw ng hindi umuuwi sa kanila. Lagi nalang nasa bar, lagi nalang umiinom. Mahirap pag seryoso halos laging nasasaktan ng hindi namin namamalayan. Pag manloloko naman seneseryoso nila. Life is so unfair sometimes
Pero sa kaniya iba ang sitwasyon niya. Si Kathryn ay anak mayaman habang si Daniel ay anak lamang ng kasamabahay namin. At isa pa nakatakdang ikasal na si Kathryn ang babaeng pinakamamahal niya.
Hindi lang siya basta iniwan mo sinaktan o niloko nang taong pinaka mamahal niya. Ngunit iiwan siya ni Kathryn kasi may mga bagay na kailangan siyang gawin para sa pamilya.
Naiintindihan ko sitwasyon nila. Mahirap talaga pag ganito. Pero lahat nang pagsubok na yan ay maglalagpasan din nila.
Nagmaneho na ako papuntang bahay nila Daniel. Off ni nanay niya mahigig isang linggo na dahil kay Daniel. Dahil hinahanap niya anak niya. Kamusta na kaya si manang siguro sobrang nagalala siya dito sa anak niya.
Naging busy kasi ako sa school this past few days. Kaya ngayon ko lang natulungan si manang hanapin tong anak niya, si Daniel. Nakarating na kami sa bahay nila.
Pinatay ko na ang engine nang sasakyan ko. At lumabas na nang kotdr ko gabing gabi na din pala. Gising pa kaya si manang kaya kumatok ako sa bahay nila. At sakto namang gising pa si manang. Kaya pinagbuksan ako ni manang ng pintuan nila.
BINABASA MO ANG
DESTINED TO HAPPEN
Teen FictionIsang buong masayang pamilya lamang ang iyong hangad. Pero paano ka nga ba magkakaroon non kung isa ka lamang ampon? Alam mong ampon ka at hindi iyon itinago sa iyo nang kinikilala mong magulang. Paano kung isang araw ang matagal mo nang hinahanap a...