Chapter 12:Im Sorry

51 30 0
                                    

CHAPTER 12: IM SORRY

AMETHYST AMBER DE VILLA'S POINT OF VIEW

"Amethyst" tawag sa akin ni Jade

"Huh ahh" sabi ko wala kasi ako sa sarili ko

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Jade

"Ah ehh oo ayos lang ako" nakangiting sabi ko

"Sure ka kanina ka pa kasi tulala uwian na oh beyernes na din ngayon nong lunes ka pa ganyan" pagpapaliwanag ni Jade ngayon ko lang napansin na kami nalang pala ako studyante dito

"Si Raine?" Pagiiba ko nang usapan

"Lumabas na nag paalam na mauuna na daw sya, sure ka ba ayos ka lang?" Muling tanong ni Jade tumayo ako at nginitian sya at sinabing

"Ayos lang ako wag ka magaalala" nakangiting wika ko sa kanya

"Sigurado ka huh hindi ba masama ang pakiramdam mo?" Tanong ni Jade

"Hindi" sabi ko

"May sakit ka ba?" Muli nyang tanong ngayon palabas na kami nang room at nilock ko na yong door nang room namin kami kasi nahuli iiwan nalang namin sa guard ito susi

"Hindi" muling sagot ko madami pa ding studyante ang dumadaan kasi kakauwian lang at medyo maaga nang 10 minutes ang uwian at ang pagpapalabas sa amin nang teacher namin. Ang iba nagsisimula nang umuwi at ang iba nasa klase pa at nagklaklase

"May problema nanaman ba sa pamilya mo? Inaway ka nanaman ba ni Krystal yong kontra bida mong kapatid?" Muling tanong ni Jade hinarap ko sya at nginitian

"Hindi ayos na kami" sagot ko at nagsimulang maglakad nalang ulit. Ilang araw matapos kong masaksihan yon masaksihan ang pakikipaghalikan ni Luke sa ibang babaeng hindi ko kilala. Ilang araw ko na din syang hinihintay magpaliwanag. Kaso ngayon wala pa din sya umaasa ako na baka hindi nya sinasadya yon. Eto! Pa din ako nagpapakatanga sa kanya

"O baka nagaway kayo ni Luke?" Tanong ni Jade natigilan naman ako maglakad at ang mga luha ko nagbabadya nanaman tumulo. Naalala ko nanaman lahat nang sakit. Minsan napapaisip ako totoo ba yon sinadya nya ba yon? Isang linggo na din ang nakakaraan. Siguro tama na ang pagpapakatanga baka isa lang din ako sa mga laruan nya. Pero bakit ako pa ang napili nyang gagohin at paglaruan

"Hindi wala sige mauna na ako" sabi ko kay jade at nauna na akong maglakad. Sa oras na magkita kami makikipaghiwalay na ako. Ayaw ko man gawin ito pero anong magagawa ko sobrang sakit na.

Hindi ako ganon ka tanga ayaw ko, pagod na ako, pagod na pagod masaktan. Babaero sya pero sana naman hindi na nya ako sinama sa collection nya. Sabagay kasalanan ko din naman nagpadala ako sa matatamis na salitang binitawan nya.

Minahal ko sya nang totoo. Sa una aamin ko ginawa ko syang rebound para makalimutan ko si Joshua. Pero ginawa ko yon para din kay Luke. Kasi gusto ko makalimot at sya naman yong mahalin ko. At nagwagi nga ako minahal ko si Luke minahal ko sya nang todo.

Huli na ito ayaw ko na nakakapagod umiyak at masaktan. Sana maging masaya ka sa ginawa at pinili mo Luke. Kung dyan ka sasaya hahayaan kita papakawalan. Ako na mismo ang makikipaghiwalay para sumaya kayong dalawa. Mahal na mahal kita Luke paalam.

LUKE MONTENEGRO'S POINT OF VIEW

Ilang araw na akong nanatili sa mansion. Hindi ko alam gagawin ko. After that incident na hindi ko sinasadya. Na wala namang katotohanan at kabuluhan.

Na wala akong kamalay malay sa nangyari. Wala akong mukhang maihaharap kay Amethyst. Gusto ko muna palamigin yong issue namin.

Hindi ko pa kaya humarap sa kanya. Alam kong nasaktan sya doon pero hindi ko sinadya yon wala akong alam doon. Sana kapag nagkita kami paniwalaan nya ako.

Sana patawarin nya ako kahit wala akong kasalanan. Mahal na mahal ko  sya sana hindi masayang yong effort ko na minsan ko lang ginawa. Sana sana talaga patawarin nya pa ako sa hindi inaaaahang pangyayaring yon

KINABUKSAN

Napagdesisyunan ko pumunta sa tabing dagat kung saan kami madalas ni Amethyst mamasyal. Nagmamaneho ako at malapit na ako sa dagat nang makarating ako sa dagat bumaba na ako nang kotse ko.

Naglakad lakad ako malapit sa tabing dagat. Nang may makita akong tao. Isang babae isang po magandang babaeng nakatalikod. Marahan akong naglakad palapit sa kanya. Hindi ako pwede magkamali sya si

"Amethyst" sambit ko sa pangalan nya paglingon nya tama nga ako sya nga ang babaeng pinakamamahal ko

"Luke" naluluhang sabi ni Amethyst

"Sorry" tanging nasambit ko sa kanya

"Luke bakit, bakit sa lahat nang babae ako pa ang ngawa mong lokohin?" Tanong sa akin ni Amethyst at ang kaninang kanyang mga luhang nagbabadyang pumatak ay kusa na ngang tumulo. Saka sya lumayo nang kunti

"Sya ang humalik sa akin non Amethyst at lasing ako , hindi ko na nagawa pang lumaban para itulak sya nang hina ako non" mahabang paliwanag ko sa kanya bakit sobrang sakit para akong sinaksaksak lalo na sobrang sakit makita ang babaeng mahal ko na umiiyak mismo sa harapan

"Kung ganon Luke bakit hindi ka pumasok at enexplaine sa akin lahat alam mo bang hinintay ko na explaine mo sa akin lahat kaso lumipas na ang mahigit isang linggo wala ka pa din" sabi ni amethyst habang patuloy na lumuluha gusto ko punasan ang mga tumutulong luha sa kanya mata ngunit hindi ko magawa. Na stock ako sa kinatatayuan ko matapos nyang sabihin ang mga salitang yon

"Kasi wala akong mukhang maihaharap sayo" nakayukong sabi ko wala akong mukhang maihaharap sa kanya kasi nasaktan ko sya kahit wala naman akong kasalanan

"Alam mong mahal kita Luke hinintay kita kaso hindi ka man lang nagpakita patawad ngunit namulat na ako sa katotoohana" sabi ni Amethyst pinunasan nya ang luha nya at nag angat ako nang tingin sa kanya

"Sorry patawarin mo ako hindi mauulit wala naman akong kasalanan " pagmamakaawa ko sa kanya lumuhod pa ako para lang magmakaawa sa kanya na ngayon ko lang ginawa sa babae

"Luke kung ganyan lang din naman at sa ganyang gawain ka sasaya lets end this" seryosong sabi ni Amethyst tumayo ako at sinabing

"Anong ibig mong sabihin?" Inosenteng tanong ko

"Lets end this relationship" seryosong sabi ni Amethyst

"Pero---" hindi ko na tapos ang sasabihin ko nang muli syang nagsalita

"Sana maging masaya ka mahal kita Luke pero ayoko nang niloloko ako hinintay kita sa loob nang isang linggo para mag explain pero hindi ka dumating walang Luke na dumating patawad pero sawa na akong masaktan sana maintindihan mo" sabi ni Amethyst at nilagpasan ako

At ako naiwan dito sa tabi nang dagat napaupo ako. Tuluyan na ngang umalis si Amethyst at ang iniingatang kong relasyon tuluyan ngang nasira.

Dahil lang sa insedenteng yon. Sana pala nag explain ako agad para nakapag paliwanag ako sa kanya. Mahal na mahal ko sya hindi ko kayang mawala sya.

Napatingin ako sa langit. At napapikit dinama ko ang mga hangin na dumadapo sa balat ko. At tuluyan na nga pumatak ang aking mga luha.

Ito na ba ang kapalit sa lahat nang kagagohan ko non sa lahat nang panloloko ko noon. Sobrang sakit pala ngayon nagsisi na ako. Pero sana darating ang panahon na mapatawad mo ako Amethyst mahal ko at magkabalikan tayo

DESTINED TO HAPPENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon