CHAPTER 28:VACATION

15 3 0
                                    

CHAPTER 28: VACATION

ETHAN SALVADOR'S POINT OF VIEW

"Witwew" sabay sipol ni Jhune nang may dumaang chicks sa harap namin. Agad ko naman siyang binatukan. Kala ko nga magagalit yong babae pero kinidatan pa nga sya naipa iling nalang ako.

"Bro doon oh madaming chicks" turo ni Lucas sa mga babaeng paparating mga siguro apat o lima sila.  Naka two piece pa nga sila. Well they have a sexy body. Napangisi nalang ako sa mga kapatid ko walang pa rin silang pinag bago.

"Nga pala sila Jay nandyan na, parating na sila" banggit ni Jason

"Hapa si Amethyst?" tanong ni Jhune

"Baka susunod na yon" wika ni Lucas

"Ano bang sabi nya Ethan?" Tanong ni Jason sa akin

"Susunod na daw sya yon" sabi ko. Saka kumuha ng isang juice sa counter at naglakad lakad muna sa gilid ng dagat.

Napaka presko ng hangin ang ganda ng tanawin. Maganda pag masdan ng tanawin mula dito. Ang asul na tubig, magandang karagatan. Sarap talaga magbakasyon wala kang iniisip na problema.

At nagpatuloy ako sa paglakad sa tabi ng dalampasigan. Habang naglalakad ako, dinadamdam ko ang napaka preskong hangin. Hindi ko namalayan may nabangga na pala akong babae. Kaya ang hawak hawak kong juice na paunti unti kong iniinom ay nabuhos sa damit ko at nabitawan ko din ang baso na pinaglalagyanan ng juice.

"Sorry" panghihingi nya ng tawad saka pinunasan ng panyong hawak niya ang basa sa aking damit.

Hinawakan ko ang kamay niya "Ayos lang" saka ngumiti sa kaniya. Nang makita ko ang mukha niya namukhaan ko siya agad.

"Ethan, Sheena?" sabay naming sabi, natawa naman kaming bigla

"Si Amethyst nandyan ba, kasama ninyo?" paguumpisa niya ng usapan

"Susunod palang siya"sagot ko

"Ganon ba, sorry pala" saka siya ngumiti at nahihiyang tumungin sa akin dahil siguro natapon ang juice na hawak, hawak ko sa aking damit.

"Ano ka ba, ayos lang sabi ko diba" sabi ko kay Sheena saka siya nginitian nagsimula naman kaming maglakad hindi alam kung saan pupunta.

"Ano kamusta na pala siya?" tanong ni Sheena, nakuha ko agad kong sino ang tinutukoy niya. Sino pa ba? symepre si Amethyst yong kapatid namin. Nagiisang kapatid na babae.

"Ayos lang?" patanong kong sagot saka kumamot sa ulo ko. Alam ko kasing hindi siya ayos, lalo na ngayon sa panahon na ganito. Buti nandito si Sheena baka makausap niya si Amethyst at matulongan, madamayan na din. Usapang babae kasi yon eh, kung pwede lang ako nalang dadamay sa kaniya.

"Ah ganon ba, baka medyo nahihirapan pa siyang mag adjust kahit ilang buwan na siyang nakatira sa inyo"sabi ni Sheena. Gusto ko matawa pero hindi ko magawa baka mamaya isipin niya nababaliw na ako. Gusto ko sabihin sa kaniya na broken yong kapatid ko broken hindi nahihirapan mag adjust. Kung alam mo lang Sheena, pero ayaw ko pangunahan yong kapatid ko magsabi sa iba nang problema niya buhay niya pa din iyon.

"Kaya nga eh"sagot ko na lamang bilang pag sang-ayon sa kaniyang mga sinabi, kahit hindi iyon ang dahilan.

"Nga pala magpapalit ka ba muna?" pagiiba ni Sheena ng usapan

"Oo"sagot ko

"Dito na ba yong kwarto ninyo?" muli niyang tanong sa akin

"Oo pasok ka muna magpapalit lang ako"sabi ko saka lumapit sa pinto at binuksan ang pintuan

"Sige hindi na kita nalang tayo mamaya kita kita nalang ulit kung magkita man tayo ulit sorry pala ulit" pagpapaalam ni Sheena saka ako nginitian

"Ayos lang, ingat ka" sabi ko saka siya naglakad palayo nilock ko naman ang pintuan at magpapalit ako ng damit ko

*******************

Habang tinatahak ko ang daan papunta kung saan ng mga kapatid ko. Natatanaw ko naman sila mula dito sa malayo. Kasama na din nila, sila Jay, pero si Amethyst wala pa rin. Baka nagsolo flight yon. Papalapit na sana ako sa kanila ng biglang tumonog ang cellphone ko kaya agad agad ko itong sinagot.

"Hello anak, nandyan na ba sila Jay" tanong ni Mommy sa kabilang linya.

"Opo mom, pero si Amethyst wala pa po dito" sambit ko

"Papunta na siya yon anak, nagsolo na siya kaya hindi na siya nakasabay kela Jay at may dinaanan pa ata siya" sagot ni mommy

"Ganon po ba mom, kayo po kailan kayo susunod dito?" pagtatanong ko sa kaniya. Para alam ko kung kailan punta nila Mommy dito

"Dalawang araw mula ngayon susunod kami dyan ng daddy mo nak"sagot ni Mom

"Ingat nalang po kayo diyan ni Daddy, mom"sagot ko

"Kayo din nak" saka pinatay na ni Mom ang tawag.

Dumeretsyo naman ako sa counter kung nasaan sila Jay. Kung saan may mga wine at juice doon. Ang reception din malapit roon. Napansin ko namang umiinom agad sila ng alak aga aga pa. Napa iling nalang ako sa kanila, agad ko namang kinuha ang glass na hawak ni Marco saka ininom ang alak na iniinom niya at agad ko iyong naubos.

Agad naman niya akong sinamaan nang tingin. Saka kumuha ulit sa counter ng panibagong alak.

"Aga aga ng alak ninyo Jay" sambit ko sa kanila. Nginisian pa nga ako ng loko

"Inubos mo lang yong alak ni Marco eh, gusto mo pa?" pagaalok sa akin ni Marco ng alak na hawak hawak niya

"Mamayang gabi maganda, bawal magpakalasing hihintayin pa natin si Amethyst"sagot ko

"Kunti lang naman" pagsisingit ni Jason

"Kunti lang bro pangako"sabi ni Jay saka ngumiti sa akin

"kaya nga kunti lang" pagsisingit din ni Ethan

"Wag tayo paka lasing mamaya nalang" pahabol pa ni Jay

"Sige bahala kayo"sabi ko sa kanila saka nanonood ng news sa television

"Private helicopter ng mga Salvador pangalawa sa pinaka mayamang tao sa buong mundo. Sumabog habang sa kalagitnaan ng biyahe papuntamg Palawan at pinaghihinalaang pati ang kanilang nagiisa nilang anak na babae ay nakasama sa pagsabog" sabi ng anchor ng news bigla nalang ako nanghina sa mga narinig ko. Ano? hindi ito pwede mangyari

Kanina ang mga nagtatawan kong kapatid at nagiinom. Napatigil sa kanilang ginagawa at naninigas sa kinalalagyan nila. Na animo'y hindi alam ang gagawin nanghina kaming lahat sa narinig. Pero binasag ni Lucas ang katahimikan

"Hind pwedeng mangyari ito diba hindi ito totoo?" hindi makapaniwalang sabi ni Lucas. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko bigla akong kinabahan. Sana panaginip lang ito lang lahat at hindi totoo

DESTINED TO HAPPENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon