CHAPTER 19:THE COMEBACK

44 22 0
                                    

CHAPTER 19: THE COMEBACK

JOSHUA CRUZ'S POINT OF VIEW

"Are you okay Josh?"tanong ni Daniel sa akin sabay tapik sa balikat ko

"Yeah im fine"sagot ko sa kanya

"Kanina ka pa kasi tulala"sabi ni Daniel. Yeah, kanina pa ako tulala dito. Just thinking of something."Is there anything bothering you?"Casual na tanong ni Daniel

"Im okay"maikling sagot ko sabay tingin sa kalingitan. Nasa garden kasi kami ngayon ni Daniel sa likod nang mansion namin. Maganda ang langit ngayon eh, mukhang maganda din ang magiging araw ko

"So anong balak mo?"tanong ni Daniel sabay ngisi parang alam ko na ibig nyang sabihin

"So dumating na pala sayo ang balita"nakangising kong sabi sa kanya

"Oo, break na sila at isang Salvador talaga si Ex mo i mean si Amethyst"sabi ni Daniel ito talaga updated lagi dinaig pa ako

"Yes,liligawan ko sya ulit but for now makikipagclose muna ako sa kanya"i said to Daniel

"Then good luck bro"sabi nya at tumayo sya i looked at Daniel

"Thank you for cheering me up"ngumiti ako sa kanya

"Welcome sige mauna na ako bro"sabi ni Daniel at nagpaalam na sya

Tumayo na ako at napagdesisyunan kong maglagala muna. I mean gumala at kung saan man pupunta. Sabado naman ngayon at walang pasok.

Its been 1 month nang malaman ni Amethyst kung sinong tunay nyang pamilya. At mahigit apat na buwan na din nong naghiwalay sila ni Luke.

Dumeretsyo ako sa garahe at kinuha at pinaandar ang kotse ko. At nagsimula na akong magmaneho. Andami nang nangyayari sa buhay ni Amethyst.

Bukod doon ano pa kayang ganap sa buhay nya. Sobrang saya nya pero dahil doon gumulo ang buhay nya. Alam kong masaya na sya ngayon.

Pero pagbabalik na kaya ako sa buhay nya ulit? Bibigyan nya pa kaya ako nang pangalawang pagkakataon? May puwan pa kaya ako sa puso nya?

Kukunin ko muna ang loob ni Amethyst. Makikipag kaibigan, magiging sweet, makikipag kwemtuhan nang ganap sa buhay. At kung ano ano pa.

Nagdrive ako papunta sa isang park kung saan madalas pumapasyal si Amethyst. Pero nong kami ayaw nya kaming pumasyal ditong dalawa.

Tinanong ko sya kung bakit ang sabi nya lang. "Para kung maghiwalay man tayo hindi kita maalala sa lugar na ito at pwede ko pa din itong balikan hindi ko makikita yong sarili kong kasama ka sa lugar n ito" yan ang eksaktong sinabi nya sa akin

Tama nga naman sya isa ito sa paborito nyang lugar.Oras na maghiwalay kami at balik balikan nya itong lugar na ito.Maaalala at makikita nya lang din ako sa lugar na toh.

Alam kong sobrang nasaktan ko sya dati. Pero lubos ko yong pinagsisihan. Aamin ko nagkamli ako nang desisyon na bigkasin ko yong mga salitang yon. At hayaan lang syang makipag hiwalay sa akin.

Pero sana mabigyan nya pa ako nang pangalawang pagkakataon. At mahalin nya pa ako ulit gaya nang dati.

Pero kung hanggang kaibigan nalang lubos kung tatangapin ang desisyon nyang yon. Ang mahalaga sinubukan ko at inamin ko sa kanyang mahal ko pa sya.

Ginawa ko yong best ko para patunayang mahal ko pa sya. Pero kung hindi pa sya handa talaga at ayaw nya pa ulit. Ayos lang mahalaga makasama ko sya kahit bilang kaibigan lang at kahit masakit.

Kanina ko pa din pinagmamasdan ang park na ito kung saan mahilig pumunta si Amethyst. Kaya lumabas ako nang kotse ko. At nagsimulang maglakad lakad, gumala dito sa park.

DESTINED TO HAPPENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon