CHAPTER 26:FRIENDZONE
AMETHYST AMBER SALVADOR'S POINT OF VIEW
Ilang araw na din ang lumipas. Para lang sira sila Luke at Joshua. Bibilhan ako nang pagkain pag break time. Maguunahan kukunin yong bag ko.
Alalayan ako magbuhat ng books ko. Pati projects at assigments ko sila na din halos gumagawam. Nagiiwan ng flowers and chocolates, sama mo na din pati letters.
Nagiiwan lagi sa locker, o bag ko. O kaya minsan nasa mesa ko nakalagay. Araw araw din iyon. Nakapag desisyon na ako hindi muna ako magpapaligaw sa kanila.
Masyado kasi na silang umaasa baka iba pa isipin nila. Baka isipin nila pinapaasa ko sila. Ayoko din naman masaktan sila. Kesa tumagal pa itong kakaasa nila sa akin.
Mas mabuti pang kausapin ko na sila nang isa, isa. Silang dalawa, kesa naman sabay ko silang kausapin. Mas lalo nang hindi ko kakayanin na kausapin sila nang sabay. Kaya paisa isa nalang muna.
Ngayon ko na sila kakausapin, ngayong habang wala kaming ginagawa. Kung sino ang maunang makita ko sa kanilang dalawa ang una ko nang kakausapin. Para mabilis at madali na.
Mahirap man pero kailangan ko itong gawin para hindi na sila lalong masaktan at umaasa pa. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway. Suot suot ko ang bag ko, nang makasalubong ko si Joshua.
"Josh" tawag ko sa pangalan niya. Agad naman siyang lumingon
"Amethyst, nandyan ka lang pala kanina pa kita hinahanap ah. Kumain ka na ba? Gutom ka ba gusto mo pambili na kita? Wait! Teka mabigat yang bag mo ako na---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya
"Pwede ba tayong mag-usap Josh?" seryosong tanong ko sa kaniya
"Sige tungkol saan ba?" nakangiting tanong sa akin ni Joshua
"Tungkol sa ating dalawa" sabi ko sa kaniya. Muling sumilay sa kaniyang mga mukha ang ngiti sa labi. Mali ang iniisip niya.
"Sige, ngayon na ba? Saan ba tayo maguusap?" halos tuwang tuwa si Joshua. Bakas sa kaniyang mga ngiti iyon. At hindi mo ito maipagkakaila. Alam ko na ang iniisip niya. Pero kabaliktaran ito nang kaniyang iniisip.
"Tara" sabi ko nalang kay Joshua. At hinila ko siya papunta sa hallway na walang masyadong tao na pumupunta at dumadaan roon. Kasi dulo na ito ng school namin. "Josh, tama na" paguumpisa ko nang usapan naming dalawa. Pero bakas sa kaniyang mukha ang pagkalito. Kung kanina nakangiti siya nang abot langit. Ngayon bakas na sa kaniyang mukha na hindi niya ako naiintindihan at nalilito siya sa aking sinasabi.
"Huh, anong tama na Amethyst?" takang tanong sa akin ni Joshua
"Wag ka nang umasa pa Josh, ayoko na. Sayang lang lahat ng effort at pagod mo, tama na. Mukhang wala din naman itong patutunguhan. Pwede bang hanggang kaibigan nalang tayo?" deretsyo kong sabi at tanong sa kaniya. Alam kong labis ko siyang nasaktan sa aking salitang binitawan, ngunit kailangan ko itong gawin para hindi na siya lalong umasa pa.
"Pero Amethyst wala na bang pagasang maisalba ang dating tayo?" tanong sa akin ni Josh. Halata ko sa boses niya ang sakit na nararamdaman niya. Nakikita ko din sa kaniyang mga mata ang mga luhang gusto nang tumulo.
"Josh, tama na ayokong masaktan ka pa lalo" yon na lamang ang nasabi ko sa kaniya. At saka tumalikod ngunit hinawakan niya ang braso ko, saka ako iniharap sa kaniya. Kaya ngayon nakita ko ang mga luhang namumuo sa kaniyang mata.
"Mas lalo lang akong masasaktan kapag iniwan mo ako. Kapag nawala ka pang muli sa buhay. Mas lalong hindi ko kakayaning mawala ka ulit sa akin" yan ang mga salitang binjtawan sa akin ni Joshua. Alam kong masakit ang mga salitang yon. Ngunit anong magagawa ko kung kailangan kong gawin at sabihin lahat ng iyon.
"Sorry" yon na lamang ang sinabi ko at tuluyan nilisan ang lugar na iyon. Pinunasan ko ang mga luhang umaagos sa aking mga pisngi. At nagpatuloy sa pagpalalakad.
**********
"Hey Luke" pagtatawag ko kay Luke. Agad naman niya akong nilingon.
"Yes, Amethyst?" pagtatanong niya sa akin
"Would you mind to talk to me for just a minutes?" pagtatanong ko sa kaniya. Hindi matatapos ang araw na ito na hindi ko sila nakakausap pareho
"Sige tungkol saan ba?" tanong sa akin muli ni Luke
"Tungkol sa ating dalawa" tanging sagot ko sa kaniya. Kaya dali dali niya naman ako sinundan. Pumunta lang kami sa isang hallway. Na madalang daanan ng mga studyante para magusap. Upang walang makarinig sa amin
"Ahmm Amethyst, ano na ulit paguusapan natin?" paguumpisa ng usapan ni Luke
"Can you stop?" sagot ko sa kaniya nang pabalang
"Na ano?" takang sagot sa akin ni Luke na ikinakunot ng noo niya
"For courting me" i casually said
"But why?" pagtatanong sa akin ni Luke "Is there something wrong, hindi naman kami nagaaway ni Joshua ah. May the best man win, kahit sino piliin mo sa aming dalawa ayos lang tatanggapin naman namin yon" pagpapaliwanag ni Luke sa akin
"Sorry" tanging sambit ko sa harapan niya
"Dont say that kung mahal mo pa siya ayos lng sa akin. Kung siya pipiliin mo walang problema. Kung sa kaniya ka ulit sasaya just go on. Tanggap ko lahat basta ipangako mo lang sasaya ka na sa piling niya" nakangiting wika ni Luke. Damn this man ang swerte nang magiging girlfriend niya. But dati na siyang playboy kaya madali nalang din niya siguro makukuha ang loob mo. Swerte mo kapag seneryoso ka niya, minsan lang mag seryoso ang isang tulad niya.
"Its not like that, binusted ko na si Joshua" yon na lamang ang sabi ko
"Really, so do i have a chance?" tanong muli sa akin ni Luke
"No, can we just be friends again?" nahihiyang tanong ko sa kaniya kay Luke
"Of couse, why not? Kung doon ka magiging masaya bakit hindi? So, friends" sabay lahad ng kamay ni Luke sa harapan ko kaya. Inilahad ko din ang kamay ko at nakipag shake hands sa kaniya
"Friends" nakangiting sabi ko. Alam kong deep inside nasasaktan siya. Pero mas pinili pa niyang manahimik at hindi ipahalata sa akin iyon. Alam ko naman kung gaano kasakit ma friend zone
"Tara sa subject na ata" pagiiba ko ng usapan
"Tara" ngumiti si Luke sa akin bago niya inilagay ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mga bulsa. At nagsimula na kaming dalawa tahakin at lakarin ang hallway papuntang room.
Alam kong mahirap sabihin yong ganon. Pero kinaya ko kasi alam kong ito ang nararapat gawin. Hindi naman talaga lahat natatapos sa happy ending.
Kung ito ang makakabuti para sa aming tatlo. Ito na ang gagawin ko, ngayon tapos ko na at nasabi ko na sa kanila.
At wala akong pinagsisihan na ginawa ko ito. Dahil alam ko sa sarili ko na ginawa ko lang ang tama at hindi ko iyon pagsisihan.
Masakit man para sa kanila. Mahirap din sa part kong gawin ito. Pero kung ito ang makakabuti. Tama lang na iyon ang ginawa ko
BINABASA MO ANG
DESTINED TO HAPPEN
Teen FictionIsang buong masayang pamilya lamang ang iyong hangad. Pero paano ka nga ba magkakaroon non kung isa ka lamang ampon? Alam mong ampon ka at hindi iyon itinago sa iyo nang kinikilala mong magulang. Paano kung isang araw ang matagal mo nang hinahanap a...