CHAPTER 5: DATE

75 47 0
                                    

CHAPTER 5: DATE

AMETHYST AMBER DE VILLA'S POINT OF VIEW

Ilang araw na simula nong sinagot ko si Luke. Hindi pa din ako makapaniwala na isang sikat na basketball player nanaman sa school namin ang naging boyfriend ko. Bukod pa doon may mga tanong sa isip ko. Bakit umalis si Joshua? Bakit bigla nalang syang umalis?

Hayssst ang gulo na pero masaya ako. Na may taong naka appreciated pa din sa akin. Si Joshua? Joshua, was my first since junior high kami. But Luke was may crush since then.

Dream come true noh. Pero masakit pa din isipin na ganon nalang yon. Well sasabihin ko din kela mama at papa na may boyfriend nanaman ako. Kasi legal naman kami ni Joshua dito. Atsaka nong nag break din kami nalaman din nila mama at papa.

Hindi sila nagalit hinayaan lang nila ako. Kasi alam nilang may sariling isip na ako. Sabado ngayon kakatapos ko lang maligo. At nakapang alis ako kasi gagala sana ako magisa.

"Anak" sigaw ni mama mula sa baba. Si papa kasi may pasok ngayon eh

"Opo baba na" Sabi ko nakaayos naman na ako. Kaso pagbaba ko nagulat ako. Andyan sya andyan si.....

"Luke, hindi mo naman sinabi sa akin na boyfriend mo na pala sya" nakangiting sabini mama

"Ma, Apat na araw palang naman po kami eh balak ko naman po sana sabihin naunahan lang po ako" Sabi ko kay mama

"Aba! At Kailan mo balak sabihin sa akin next week? Next month? O sa susunod na taon?"Sabi ni mama

" ngayon po"Sabi ko

"Nga pala iho ikaw na bahala sa anak ko huh aakyat lang ako sa taas" Sabi ni mama

"Opo" Sabi ni Luke atsaka umakyat na si mama

"Napadaan ka ata dito" Sabi ko kay Luke. Mukhang may lakad sya ah

"Ah eh wala saan ka pala punta?" Tanong sa akin ni Luke

"Ikaw dapat ko tanungin nyan saan ka pupunta?" Sabi ko

"Sa inyo" nakangising Sabi ni Luke

"At bakit naman?"tanong ko sa kanya

" Yayain ka lalabas, date ganon?"Sabi ni Luke. Date? Sure sya pwede naman. Sakto lang pala eh.

"Sige ba, saan ba?" Sabi ko

"Sa park, river side, restaurant, or tabi nang dagat" Sabi ni Lukeko

"Tabi nang dagat pwede? Gusto ko magpahangin eh" Sabi ko

"Sige tapos park tayo"Sabi ni Luke

Lumabas na kami nang Bahay. Pinagbuksan ako ni Luke nang pinto nang kotse nya. Atsaka pumasok na ako nang sasakyan nya. Saka sinara na nya yong pinto nang kotse. Tapos pumasok na din sya.

" seatbelt"Sabi ni Luke

"Opo" Sabi ko saka nag seatbelt na ako

At nagsimula na magdrive si Luke. Dumaan kami saglit sa isang tindahan at bumili nang pagkain. Kasi magpipicnic kami

Maya maya pa nakarating na kami dito sa dagat. Ako dumeretsyo sa dagat. Sabi kasi ni Luke sya na daw bahala. Agad akong tumapak sa dagat. Namiss ko kasi tong dagat na ito ilang buwan na din akong hindi nakakapunta sa dagat.

Tinignan ko si Luke. Inaayos na nya yong tela at inilapag na yong basket. Tapos inayos na nya yong basket doon. Ako tumingin nalang ulit sa dagat. Tapos may biglang yumakap sa akin kaya nabigla ako

"Anong ginagawa?" Sabi ko hindi kasi ako comfortable eh niyakap ako ni Luke mula sa likod

"Yaan mo muna ako" Sabi ni Luke kaya hinayaan ko nalang sya. Siguro mga 2-3 minutes na nakayakap sya sa likod ko. Bago niyaya ko na sya kumain

DESTINED TO HAPPENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon